Chapter 034: Messenger Photo

852 62 14
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

~~~
Detective Harrison's POV

Pinatawag na naman ako sa isa sa mga staff ng Saviour Boarding University para mag imbestiga na naman dahil sa nangyari sa isang lalaking estudyante na nakitang nakabitay ang kanyang katawan sa pintoan ng CR. Pero ang nagpilit sa akin para bumalik sa eskwelahan na yun ay ang estudyante na nakita nilang nabitay ay sa section 11P1 na naman na estudyante. Talagang nababalutan ng misteryo ang klaseng yun.

"Detective Harrison, Buti at dumating ka!" Bati sa akin ng Principal pagkapasok ko at nagkamayan pa kami.

"Salamat sa pagtawag sa akin, Principal Saviour!" Naging tugon ko sa kanya na pilit ko pang ngumiti.

"Siguro, Alam mo na kung bakit ka na naman pinatawag namin dito?" Paninigurado pa niya na binitaw pa niya ang kanyang kamay sa pagkakamayan sa aking kamay at tumingin sa akin ng diritso.

Tumango lang ako sa aking ulo bilang sagot ko sa kanya.

"Nakausap namin ang mga estudyante na nabibilang sa klaseng yun at mukhang alam na namin ang mga nangyayari sa kanila." Agad naman akong nacurious sa kanyang sinabi at nakinig sa kanya ng mabuti.

"Ano po yun, Principal Saviour?" Napakunot noo akong nagtanong sa kanya.

"May isang killer na nabibilang sa klaseng iyon at isa isa niya ding pinapatay ang mga kaklase niya." Bungad ng isang babaeng pumasok sa Principal's office na nakasuot pa ng isang pang nurse na uniporme at agad siyang tumayo sa tabi ni Principal Saviour.

"Totoo nga pala ang hinala ko!" Wika ko pa na hawak hawak ko pa ang aking baba na tumingin pa sa sahig.

"What do you mean, Detective?" Tanong ni Principal Saviour sa akin.

"Alam ko na, na meron talagang isang estudyante sa klaseng yun na may ginagawang masama." Panimula ko pa na tiningnan pa sila sa mata ng diritso. "According sa mga answers na nakuha ko sa kanilang lahat nung tinanong ko sila isa-isa noon para mag imbestiga. Nakuha ko na agad ang lahat ng mga ibig sabihin nila kahit medyong magulo ito. Kaya simula nung nalaman ko na ang mga sagot sa misteryong bumabalot sa klaseng yun ay naghinala na talaga ako na isa sa kanila ay nagdadala ng kasamaan. Pero noong una hinala ko lang yun, Pero nung pinakompirma ko ang lahat sa isa sa mga estudyante na nabibilang sa klaseng yun ay tama nga ang hinala ko. At ngayon na sinabi niyo na ang inyong nalalaman, Ibig sabihin ay sakto talaga ang mga hinala ko. May isang Class Murderer sa klase nila!" Paliwanag ko pa sa kanila na nasa seryoso ang tono ng boses ko. Ngayon alam ko na talaga ang lahat ng nangyayari sa klaseng iyun, May isa nalang bagay ang gusto kong alamin sa klase nila para matapos ang lahat ng misteryong ito. Ang kilalanin kung sino ang totoong nagkasala sa kanila.

"Good guess, Detective Harrison!" Komplimento pa ng Principal at ngumiti pa.

"Principal Saviour, Hayaan niyo akong mag imbestiga pa ng ilang araw para malaman ko kung sino ang totoong pumapatay sa kanila!" Kumbinsi ko pa, dahil desidido na ako na alamin ang lahat dahil ngayon ay alam ko nang tama ang lahat ng mga hinala ko.

Magsasalita pa sana si Principal Saviour ng biglang may pumasok na isang guro sa Office na hingal na hingal pa.

"Miss Aede, Anong nangyari?" Napakunot noo ang Principal pati ang Nurse.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now