Chapter 002: Suicide Or Murdered?

3K 141 145
                                    

WARNING!!

Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!

~~~
Kinabukasan, Nalaman ng buong class ang nangyari kay Bea na lubos na ikinalungkot ng lahat.

"Bakit ba nagawa ni Bea yun?!" Wika ni Illie habang umiiyak na yinuko ang kanyang ulo.

"Baka may rason naman kung bakit niya ginawa yun." Sagot ni Ara na tinatahan si Illie sa pag iyak na patungo ng tutulo ang kaniyang mga luha.

"Wala naman siyang sinabi na kakaiba, Kaya alam kung hindi niya yun kayang gawin sa kanyang sarili." Dagdag ni Illie na nahihirapang magsalita dahil sa kakaiyak na napayakap nalang bigla kay Ara.

Tumayo sa harapan sina Ryle na ang Class Mayor at si Rain na ang Class Vice Mayor para mag anunsyo tungkol sa nangyari kay Bea.

"Guys, Magsi-upuan muna kayo sa inyong mga upuan at manahimik." Panimula ni Rain.

"May sasabihin muna kami ni Vice, Kaya makinig kayo!" Wika ni Ryle na may halong kaba ang kanyang tinig. "Kailangan nating alamin kung ano ang totoong nangyari kay Bea, At habang hindi pa nalalabas ang katotohan, Kailangan muna nating itago ito sa ating Class lang, Dapat tayo lang nakakaalam nito habang tayo'y mag-iimbestiga muna sa nangyari sa kanya!"

"So, For short, You want us to just act like nothing happened as long as this case is not cleared yet?" Wika ni Sarah na sabay tayo sa kanyang upuan.

"Parang ganun na nga talaga!" Sagot ni Rain.

"Eh ang tanga tanga pala natin no?!" Panimula ni Annie sabay hampas sa kanyang armchair gamit ang kanyang kamay habang tumayo. "Paano naman natin maitatago ang pagkamatay ng isang kaklase natin ha?!" Wika niya habang tumutulo na ang mga luha. "Siguro sa inyo, Kaya niyong matago kasi baka wala kayong pakialam kung anong nangyari sa kanya! Ano ang isasagot natin sa pamilya ni Bea pag sila'y magsuspetsiya na kung ano ang nangyari ha?!"

"Kaya nga itatago muna natin diba?!" Sambit ni Ryle. "Para hindi sila mabigla! Isasabi naman natin ang totoo pag nalaman na natin ang tunay na nangyari sa kay Bea. Kung nag suicide nga ba talaga siya, O pinatay siya sa isa sa atin dito!" Patapos na paliwanag niya.

"May point si Mayor guys! Makinig nalang tayo para wala nang kaguluhan ang mangyayari pa!" Dagdag na sabi ni Cristopher.

"Anong kaguluhan pinagsasabi mo, Cristopher?" Pagtatakang tanong ni Renz.

"Kaguluhan! Mga pagtatalo natin ngayon! Diba kaguluhan tawag dito?" Paliwanag ni Cristopher na parang nanginginig ang tinig.

Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok na si Miss Donna, At ang lahat ay nagsiupuan ng maayos at nanahimik nalang.

"Oh.. Ba't ang tahimik niyo?" Tanong ng guro na nagtataka kung bakit napakatahimik ng klaseng pinakamaingay sa buong campus. "Okay... So, I want you to take out your books and open page 19." Tugon niya.

Sinunod ng lahat ang utos ng kanilang guro at kinuha nila ang mga libro nila.

"Ano kaya totoong nangyari sa pagkamatay ni Bea?" Tanong ni Kai sa kanyang isipan.

Sa kalagitnaan ng klase, Nagpaumanhing lumabas si Illie para pumunta sa CR para umihi.

Pagpasok niya sa Girls Bathroom, Nakikita pa niya ang ibang bakas ng dugo sa sahig ng 3rd Cubicle at bigla nalang siyang pumunta doon.

Class Murderer (Completed)Where stories live. Discover now