Prologue

1.2K 25 7
                                    

One-sided Love

Hindi lahat tayo sinu-suwerte sa pag-ibig kaya nagkameron ng ganyang status. Yung sa pagitan nyong dalawa, ikaw lang ang nagmamahal, ikaw lang ang kinikilig sa mga bagay na wala naman pala talagang kahulugan para sa kanya, at higit sa lahat, mag-isa kang nasasaktan.

Madalas ang ganitong estado sa mga magbe-bestfriend. Katulad namin. Ako at ang childhood bestfriend ko na kilala ko na mula ulo hanggang paa. Alam ko na kung ano ang kailangan nya bago pa nya sabihin.

"GO ROMERO!! KAYA MO 'YAN!!"

Madalas akong ganyan. Sumisigaw at patuloy na nagche-cheer sa kanya sa gitna ng nag-iinit na laban sa basketball. He's the team captain at sya ang parating nahihirang na MVP o Most Valuable Player.

Ilang sandali pa ay nagtawag ng foul ang referee laban sa kalaban nila. Ito ay dahil sa maduming paraan nila ng paglaban para lang matalo nila ang team ng bestfriend ko. Pumwesto sya sa free throw line at dinribble ang bola bago ito pinasok sa ring. Malakas ang naging sigawan ng buong tao sa loob ng gym nang mas lalong lumaki ang lamang nila laban sa kabilang team. Dismayado ang player ng mga kalaban habang sinisilayan ang bawat pagpasok ng bola sa ring na hatid ng bestfriend ko.

"WOOOH!! ANG GALING MO CLOUD!!" Manghang-mangha ako sa galing nya bagamat maraming beses ko na syang napanuod sa mga laro nya.

Agad syang napalingon sakin na patuloy sa pagsigaw. Ngumiti sya kasabay ng pagtawag ng time out ng kalaban. Naglakad sya pabalik ng upuan ngunit hindi naalis ang titig nya sakin. Ganun din naman ako. Sumenyas sya sakin na bumaba ng bleachers na agad ko namang ginawa. Lumapit ako sa kanya at agad na kinuha ang towel sa bag nya. Inabot ko ang tubig sa kanya habang pinupunasan ko ang pawis nya sa likod at sa mukha. Sa itsura kong 'to, mapagkakamalan akong girlfriend nya which is napaka-imposible talagang mangyari. I'm not his girl.

"Ang galing mo, grabe!" Puri ko sa kanya. Patuloy ako sa pagtutuyo ng pawis nya, gayong sarili kong pawis na tumutulo sa mukha ko ay hindi ko mapunasan.

"The game is almost over. Wala parin sya?" Tanong nya sakin. Napatingin ako sa nalalabing oras ng laban nila. Almost one minute nalang bago matapos ang game.

"Wala parin eh. Pero nabasa ko yung text nya sa'yo. Sabi nya, susunod daw sya." Saad ko pero hindi mawala ang lungkot sa kanyang mga mata. Inilahad nya ang kanyang kamay sakin at mabilis kong binigay ang cellphone nyang kanina pa nasa akin. Binuksan nya iyon at nakita kong binuksan nya rin ang messages nya. Her name was the first person you can see on the list of his conversation. Binuksan nya iyon at ini-scroll up habang binabasa ang ilang mensaheng sinend ko sa babaeng iyon. Napangiwi na lamang sya nang mabasa ang kaisa-isang reply nito.

Nang tumunog ang buzzer, tumayo sya at hinagis ang phone nya papunta sakin. Mabuti nalang talaga at nasalo ko iyon.

Engot talaga. Paano kung nabagsak yung phone nya!? Sambit ko sa aking isipan.

Bumalik sya sa court para ipagpatuloy ang laban habang ako naman ay bumalik sa bleachers para tapusin ang panunuod sa laban nila. Sa natitirang limampung minuto ay wala na ding nagawa ang kalaban nila. Sa huli ay sila parin ang tinanghal na panalo. As expected by the majority of audience, including me, kung baga. Mabilis akong bumaba habang inaayos ang salamin kong muntik nang malaglag. Lumapit ako sa kanila at isa-isa silang binati ng congratulations.

"Thanks, Tammy." Iisa ang naging sagot nila.

Naging masaya ang sigawan nila lalo na't nakamit na nila ang inaasam nilang trophy. Nahagip ako ng paningin ng bestfriend ko. Lumapit ito sakin at marahas na isinuot ang sumbrero sya sa ulo ko. Inabot nya sakin ang trophy nya as MVP at hinayaan akong ako ang magdala nito.

"Congrats, boss." Bati nya sakin na para bang may nai-ambag ako sa pagkapanalo nila.

"Engot! Ikaw dapat ang sinasabihan ko nan." Sambit ko nang hilamusin ko ang mukha nya gamit ang kamay ko.

"Ang baho ng kamay mo!" Angal nya.

"Mas mabaho ka! Amoy kang araw! Amoy pawis!" Katuwiran ko naman kaya hinatak nya yung pulsuhan ko at nilapit ako sa kanya. Particularly, sa kili-kili nyang pawis na pawis. Gayunpaman ay nararamdaman ko narin ang katawan nyang ubod ng sexy.

"Mabaho pala, ha? Sige, amuyin mo ang mabaho!" Tawang-tawa ito habang pilit na pinapaamoy sakin ang kili-kili nya. Ako naman 'tong si kunwaring nagtataklob ng ilong pero ang totoo, mabango parin talaga sya kahit tagaktak na sya ng pawis.

"Cloud!!" Mabilis kaming napahinto sa pagkukulitan nang biglang dumating ang babaeng kanina pa nya hinahanap. Lumapit ito sa kanya at mabilis na sinunggaban ng yakap. Ilang hakbang ang nagawa ko palayo sa kanila. I should know my place by now.

Kahit na nagtatampo sya, hindi nya parin naitago sa sarili nya ang tuwa nang makita ang babaeng pinakamamahal nya.

"Congrats, babe! I knew you'd won." Bati ng girlfriend nya. Matapos nyang batiin ay binigyan pa nya ng halik sa labi ang bestfriend ko.

"Woah!"

"Nice one, cap!"

Kasabay ng hiyawan ng kanyang mga kagrupo ang mariin na pagpikit ng mga mata ko. Ngumiti nalang ako at nagkunwaring masaya para sa kanila.

"Dinner with me?" Tanong ng bestfriend kong si Cloud sa babaeng kaharap nya ngayon.

"Of course! We should celebrate!" Excited na sabi ng girlfriend nya. Sandali akong nahagip ng paningin nito na ikinagulat ko naman. "Oh, hi Tammy!" Bati nito sakin.

"Hi!" Matipid ko namang bati kasama ng matipid kong ngiti.

"We'll go ahead, ha? Congrats ulit!" Paalam pa nya nang ipulupot nya ang braso nya sa baywang ni Cloud.

Hindi sabay-sabay na nagpaalam ang mga ka-team ngunit sinulyapan ito isa-isa ni Cloud bilang paalam sa kanila. Ako ang huli nyang nakita at tumango lang sya sakin.

"I'll see you around, boss!" Aniya bago umalis. Tumango lang ako habang pinagmamasdan silang maglakad palabas ng gym. Hanggang sa nawala na sila sa paningin ko.

Perks of being the bestfriend. Perks of being scared to admit my feelings for him. Perks of being a coward. Hanggang ganito lang ako.

He's my man, but I'm not his girl. I'm just his bestfriend. But in this situation, I wish I was her.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now