Chapter 7

335 7 0
                                    

Maling Hiling

Tammy's POV

"Pahiram ng phone ko."


"You mean your cheap phone? I left in your house. Ang pangit at mukhang hindi ko naman mapapakinabangan yun." May halong panlalait na sagot nya. Napapairap nalang sa ugali nyang 'to. Mabuti nalang talaga at mahaba ang pasensya ko. If not, baka kanina ko pa nilayasan 'tong babaeng 'to.


"Samahan mo ako sa bahay."


"Bahay mo naman yun, bakit hindi nalang ikaw?" Masungit na tanong nito.


"Gusto mong mapagkamalan akong trespasser? Sa itsura kong 'to, tingin mo makakapasok ako nang basta-basta?" Sumbat ko naman. Gusto ko lang ipaalala sa kanya na katawan nya 'tong gamit ko at nagkapalit kami ng katauhan. In case she forgot.



"Iyang mukha kong yan? Mapagkamalang trespasser? Ghad! Just how?" Mukhang hindi pa sya tapos sa pag-iinarte nya. "Okay fine! But first, let me have my phone."



"Bakit?" Taka kong tanong.



"I'm bored! I want to check on my social media accounts kaya akin na." Aniya. Tinanggal ko sa pagkakasakbit sa balikat ko ang bag nya at binigay ito sa kanya. Agad nyang hinalwat ang laman nito para mahanap yung phone nya. "Hey! Dalhin mo nga 'tong bag mo. I can't stand using that cheap bag. Hindi bagay sa beauty ko." Matapos nyang sabihin 'yon ay hinagis nya sakin ang bag ko. What's so cheap on this? Ang cool kaya! "Ay wait!" Isusuot ko na sana yung bag nya nang bigla naman nya akong pigilan.


"Ano nanaman?" Medyo iritado kong tanong.


"I forgot, you're using my face and my body nga pala. Mas hindi pala bagay sa mukhang gamit mo yang cheap na bag mo. Akin na yan!" Binawi nya ang bag ko mula sakin at ibinalik naman sakin ang bag nya. "Wear this. Mas titiisin ko nang suotin 'tong cheap bag mo kaysa naman magmukhang cheap ang beauty ko."



Napabuga nalang ako ng malakas na hininga sa ere habang pinapakinggan ang mga sinasabi nya. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang ugali nitong taong 'to. Pasalamat sya't girlfriend sya ng bestfriend ko. Kundi, baka hindi na ako nakapagtimpi sa kanya.


"Tara na." Inaya ko na syang umalis. Napatingin sya sakin tapos biglang kumunot yung noo nya.


"You look awful. Ano bang ginagawa mo sa mukha ko? Bakit wala kang make up?" Saad nito. At talagang mas inuna pa nya yung mukha nya ha? Hanep talaga.



"TARA NA SABI EH!" Hindi na ako nakatiis at hinablot ko na sya. Palabas na kami ng school. Sa totoo lang, may klase pa kami mamayang hapon pero mukhang mas kailangan pa naming pumunta sa bahay para makahanap ng solusyon. Solusyon para makabalik na kami sa kani-kanyang katawan.



In twenty minutes, nakarating na kami sa bahay. Sa bahay ko mismo. Ako na mismo ang nagbukas ng gate kasi mukhang abalang-abala sya sa pagfa-facebook nya. Pumasok ako sa loob at kung hindi ko pa sya hihilahin papasok ay hindi sya uusad.


"Hey, hands off!" Singhal nito na hindi ko naman pinansin. Pagkapasok namin ng bahay, nagulat ako nang maabutan ko si mama na nasa sala habang nanunuod ng TV.



"Oh, Tammy. Sino yang kasama mo?" Tanong nito. Gusto kong sumagot pero wala naman sakin ang katawan ko. Kinailangan ko pa syang sikuhin dahil parang wala syang balak tumigil sa kagagamit nya ng phone nya.


"What?!" Inis nitong bulong sakin pero nanatili ang tingin ko kay mama. Napansin naman nya iyon kaya napatigil sya sa pagkukutingting ng phone nya. "Oh! Hi... Mama! This is.... This is Nicole! My...ahmm, friend?" Tinitigan ko sya nang masama kasi mukhang nag-alangan pa syang sabihin na kaibigan nya ako.



Two Steps BehindWhere stories live. Discover now