Chapter 37

370 10 1
                                    

Author's Note: One portrayer revealed. See the photo above or beside to see Paul John Morales.
Next time nalang po ulit yung iba.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Mine

Tammy's POV

Magmula pa kahapon ay naging tulala na ako. Hindi ko parin lubos maintindihan ang nais iparating ni Cloud. He said he'll take the risk once I shoot the ball on the ring. Nagawa ko naman. Pero ano yung risk na sinasabi nya? Bago pa man 'yon, niyakap na nya ako patalikod at bago nya ako iwan sa gym, hinalikan pa nya ang noo ko.

"For Pete's sake! Ano ba talagang gusto nya!?" Hindi ko mapigilang sumigaw sa sobrang gulo ng pangyayari. Mabuti nalang talaga at tapos na ang discussion namin at nasa labas na ang professor namin. Hinihintay lang naming ma-dismiss ang klase sa pagbalik ng aming propesor. May ilang napatingin sakin, ang iba naman ay walang pakialam.

Hanggang sa......

"Okay class, you may go." Anunsyo ng prof namin na ikinatuwa ng lahat maliban sakin.

Wala sa katinuan kong inayos ang mga gamit kong nakakalat sa mesa ko. Dahil sa sobrang tulala ko, hindi ko na namalayan na nalaglag na pala yung iba kong gamit sa sahig. And since marami akong kaibigan dito, sa sobrang dami, walang tumulong sakin para kunin ang mga iyon. Kaya naman kanya-kanyang kusa nalang ng pagpulot.

Pagkaayos ko ng gamit ko, isinakbit ko ang bag ko sa aking balikat. Lumabas ako ng classroom without knowing kung gaano ka-crowded sa labas. Parang may namimigay ng NFA rice sa dami ng tao.

"Excuse me po." Sambit ko sa bawat taong nakaharang sa dinadaanan ko. Hindi ganun kadaling makaalis sa sobrang siksikan. "EXCUSE ME!!!!" Dahil mainit ang ulo, napasigaw nanaman ako. Now their attentions are all on me. Napapayuko nalang ako habang binibigyan sila ng peace sign sa kamay ko.

Nagdire-diretso ako sa paglalakad hanggang sa medyo lumuwag ang daan. Matapos kong lampasan ang sangkaterbang tao, ngayon alam ko na kung bakit sila nananatili sa tapat ng classroom namin.

 Matapos kong lampasan ang sangkaterbang tao, ngayon alam ko na kung bakit sila nananatili sa tapat ng classroom namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.















Jean Cloud Romero is here.

The way na sumandal sya sa pader habang nakapamulsa, hindi na ako magtataka kung bakit hindi umaalis ang ilan sa mga kaklase ko sa kinapwe-pwestuhan nila ngayon. Haist, this guy is getting too much attention from them, including me.

Nag-flashback sa isipan ko lahat ng nangyari kahapon. Nagsimula nanamang mangamatis ang mukha ko kaya nagdesisyon akong tumakbo na. Ngunit bago pa man ako makaalis, napansin na agad nya ako.

"There you are." Aniya at lumapit ito sakin.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Nangangatal kong tanong sa kanya. Hindi naman sa hindi ako sanay na nandito sya sa harapan ko ngayon, madalas naman syang napunta sakin kapag tapos na ang klase at lunch break na. Naninibago lang talaga siguro ako at nagtataka.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now