Chapter 23

298 7 1
                                    

Saved

Cloud's POV

Something was left uncleared. Kahit nabigyang linaw na ang ibang bagay, may isang bagay parin ang nanatiling makabuluhan. Meaning to say, nagsasabi ng totoo ang taong kasama ko no'ng isang gabi na hindi sya si Nicole at sya si Tammy. Hanggang ngayon, iniisip ko parin ang posibleng dahilan ng naging hiling ni Tammy sa sinasabi nyang wish notebook. I feel like I was missing a piece in a jigsaw puzzle.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, isang malamig na bagay ang dumikit sa balat ng braso ko. Nagulat ako do'n pero paglingon ko, nakita ko si Dad. Inaabot nito sakin ang isang bote ng beer na agad ko namang tinanggap. I think I need this.

"Mukhang problemado ang anak ko ah. Mind if you share your problem?" Tanong ni Dad. Pumayag naman ako kaya umupo sya sa tabi ko. Nasa labas ako ng bahay habang nakaupo sa hagdan.

Uminom muna ako ng kaunti, hindi ko alam kung paano ko sasabihin 'to sa tatay ko.

"So anong problema?"

"Dad...."

"Oh?"

"May nangyari samin ni Tammy." Sinabi ko ito habang iniinom ni Dad ang sarili nyang beer. Ito ang naging sanhi kung bakit kamuntik na nyang maibuga yung beer sa bibig nya. Kahit sino naman siguro magugulat kapag sinabi ko 'yon.

"K-Kayo? N-Ni Tammy?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

Tumango ako. "I don't know that. It'd just happened. Akala ko si Nicole ang kasama ko no'ng gabing 'yon pero sya pala."

"Sandali, ang gulo! Lasing ka ba nang mga panahong 'yon?" Sumunod nyang tanong. Umiling ako dahil hindi naman talaga. "Kung ganun, paano'ng nangyaring napagkamalan mo syang si Nicole? Madilim ba sa pinuntahan nyo?"

Naging mausisa si Dad sa bawat detalye ng mga nangyari. Kinuwento ko sa kanya ang mga bagay na napansin ko simula nang nanibago ako sa kanilang dalawa. Pati narin mismo ang mga sinabi nina Tammy at Nicole ay sinabi ko sa kanya. Katulad ko, naguluhan din sya. Who would easily believe that kind of story? Kahit ako, nahihirapang maniwala. But some part of me is telling me to believe what my bestfriend said.

"Ganun? Tunay pala ang magic? Saan bumili si Tammy no'ng wish notebook na 'yon? Hihiling din ako na sana hindi na ako tumanda." Kahit seryoso ako, nakuha paring magpatawa nito para kahit papaano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa problema.

"Dad, I'm serious here." Medyo natatawa na din ako pero mas nangingibabaw parin ang pagiging problemado ko.

"Okay. But seriously, ma-swerte ka dahil nauna ka kay Tammy."

"Dad, hindi nakakatuwa." Tumawa lang si dad nang sabihin ko 'yon. Tama naman si Dad. Swerte ako kasi kahit hindi ko girlfriend si Tammy, I got her first. "Hindi ko kasi alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi nilang dalawa. Kahit sino siguro, iisipin na napaka-imposibleng mangyari ng ganung bagay. What should I do, Dad?"

"It depends upon you, son. Kaibigan mo si Tammy. She's been beside you for a long time. Sa tingin mo anong rason nya para magsinungaling sa'yo?"

"Pero Dad, hindi ko talaga alam, e. Pakiramdam ko ang gulo-gulo ng lahat ngayon. Basta ang alam ko lang masaya ako no'ng mga panahong kasama ko sya na akala ko si Nicole ang nasa tabi ko."

"Kasi nga kaibigan mo sya. Knowing Tammy, I know she'll do everything para maging masaya ka."

"Kahit na, Dad. Sana sinabi agad nila sakin ang totoo. At ang nakakainis pa, may isang bagay na hindi sinasabi sakin. Marunong na syang maglihim sakin."

"Anak, hindi porket kaibigan mo sya, sasabihin na agad nya lahat ng mga bagay na gusto mong malaman sa kanya. Everyone has their own privacy." Hindi napagod si Dad sa pagpapaliwanag sakin. Bumuntong hininga ako habang iniyuko ang aking ulo. "She needs space, son. Give her some time."

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now