Chapter 14

262 8 0
                                    

Jack Frost

Tammy's POV

"Boyfriend?"

Sa una iisipin mong naka-rugby lang 'tong si PJ. Sabihin ba naman na boyfriend ko sya, este ni Nicole? Tingin ko nasobrahan 'to sa pagsinghot ng white paint. Yan tuloy, parehong buhok at utak na ang namumuti. Haist...

"Ikaw, boyfriend ko? Okay ka lang?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa marahang pagtawa.

"At ngayon tinatanggi mo na ako? Bakit? Masyado na bang naging sweet sa'yo si Cloud nitong mga nakaraang araw kaya sya na ang pinipili mo?" Inis pa nyang tanong. Napahinto ako sa pagtawa dahil sa tono ng pananalita nya, mukhang hindi sya nagbibiro at seryoso sya. Nawala ang sarkasmo at ngiwi sa aking mukha. Humakbang muli ito papalapit sakin habang ako naman ay bahagyang napaatras dahil sa ginawa nya. Nagulat nalang ako nang bigla nyang hablutin ang braso ko at marahas itong hinawakan. "Tingin mo ba basura ako na ganun mo nalang kadaling itapon? I don't belong to any of your trashes, Cloud does. I deserve you more than he does so better leave him now."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nyang iyon. Anong karapatan nyang maliitin si Cloud? He's way better than this white hair guy.

"Alam ko namang mahal mo ako. Mas mahal mo ako kaysa sa kanya, diba?" Sabi pa nya. Dahan-dahan nyang inilalapit ang mukha nya sa mukha ko pero agad akong umilag.

"Bitiwan mo nga ako!" Sigaw ko. Itinulak ko ito dahilan ng pagkakabitaw nya sakin. "Hindi kita boyfriend!" Singhal ko pa bago ko tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

Nagmadali akong tumakbo palayo sa park. Hindi ako nag-abalang lingunin si PJ para malaman kung sinusundan nya ba ako. Dire-diretso lamang ako sa pagtakbo hanggang sa makasakay ako ng taxi. Dumapo ang kamay ko sa dibdib ko dahil sa sobrang hingal ko sa pagtakbo.

Napagdesisyunan kong umuwi na. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang sinabi ni PJ sakin. Na boyfriend sya ni Nicole. Pero paano? Paanong mangyayari 'yon kung sila pa ni Cloud?

Hindi kaya....

"Hindi! Imposible!" Nasapok ko ang sarili ko nang may ilang bagay na pumasok sa isip ko na posibleng dahilan kung bakit nasabi ni PJ ang mga nasabi nya. May isang bagay akong naiisip pero imposible, sobrang imposible. "Mahal nila ang isa't isa." Sambit ko sa sarili ko.

Mahal na mahal ni Cloud si Nicole. There's no way na lolokohin ni Nicole ang bestfriend kasi alam kong mahal din nito si Cloud. Tingin ko nasisiraan lang ng ulo 'yong si PJ. Paano nya nasasabi 'yon? Madalas silang magkasama ni Cloud at isa pa ito sa mga kaibigan nya. Kaya imposible talaga.

Habang patuloy ako sa pag-iisip, muli ko nanaman ang nakakabiglang pag-vibrate ng phone sa bulsa ko. Mariin akong napapikit nang aking makita ang parehong numero na pagmamay-ari ni PJ.

[We're not done yet. I will not let you go that easily.] Ayon sa mensahe.

"Baliw na sya!" Hindi ko napigilang mapasigaw. Gayon na din ang biglaang paglingon sakin ng taxi driver sa salamin dahil sa ginawa ko. Napayuko ako nang wala sa oras. Hindi ko sya nireplyan. Inalis ko lahat ng mga negatibong bagay sa isip ko.

Hanggang sa nakarating ako sa bahay. Bukas ang mga ilaw kaya sigurado akong nauna na sya saking umuwi. Pumasok ako sa loob. Tahimik at walang kaimik-imik. Sa aking pagtapak sa may pinto, hindi ko sya nakita. Wala sa sala, wala sa kusina at ganun narin sa dining area. Marahil nasa kwarto nya ito.

Umakyat ako. Imbis na sa kwarto ko ako dumiretso, sa katabing kwarto ako pumunta. Sa kwarto ni Nicole. Kakatok na sana ako pero napansin kong bahagya itong nakabukas. Binuksan ko pa ito nang kauntian at sinilip ang loob. Bukas ang ilaw subalit walang tao sa loob. Walang pagdadalawang isip akong pumasok. I may not respect her privacy but I just want to know the truth.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now