Chapter 20

277 8 4
                                    

I'm sorry...


Nicole's POV


"Saan mo ba ako dadalhin?"

"Tumahimik ka nalang, pwede?"

Inis na inis ako habang kinakaladkad ko palabas ng campus itong si PJ. Hinintay kong matapos ang klase nya na hanggang 7:30pm. And guess what? Pinagtitinginan ako ng ibang tao sa department nila. Sus, hindi naman maganda ang mukhang gamit ko, so why would they bother?

"Nicole, baka may makakita satin." Medyo kabadong sabi nitong si PJ. Palingon-lingon ito sa paligid habang naghahanap ng kung sinumang kakilala nya para maiwasan namin. Tsss, kailan pa sya naging duwag?

"Shut the f*ck up, baby boy. I'm using Tammy's face kaya hindi sila mag-iisip nang masama." Sinabi ko para hindi na sya mag-alala pa.

Nakarating kami ng parking lot pero parang napipilitan parin itong sumama sakin. Nakapamulsa sya habang ako naman ay hinahanap ang kotse nya.

"Where's your car?"

"Bakit?" Naguguluhang tanong nito.

"Take me to your condo." Utos ko dito.

Kumunot ang noo nya sa sinabi ko. "Anong gagawin mo sa condo ko?" Para itong imbestigador na kanina pa ako binabato ng tanong. Napa-head bang nalang ako sa sobrang slow nya.

"Wala nang tanong-tanong! Bilis na!" Singhal ko. Kahit may pagdadalawang isip, hinanap parin nito ang kotse nya. Pinatunog nya ang kotse nya at agad itong binuksan. Hindi ko na sya hinintay pa na pagbuksan ako. Kusa na akong sumakay do'n. Actually, nauna pa nga akong pumasok sa loob ng sasakyan. Nanatili ito sa pagtayo nya habang hindi makapaniwala akong tinitingnan mula sa labas. "What? Hindi ka ba sasakay?"

Wala na din itong nagawa kundi ang sumakay. Ini-start nya ang sasakyan hanggang sa nakaalis na kami ng school. Malayo-layo din ang condo nya sa school namin kaya medyo natagalan ang biyahe namin.

Kahit habang nagmamaneho, hindi parin nito maiwasang lingunin ako. Hindi ko nalang ito pinansin. Hindi ko naman kasalanan kung kahit iba ang mukha ko, ganun parin nya kung ibigay ang atensyon nya sakin. Alam ko hanggang ngayon ay nagtataka parin sya kung bakit ko sya biglang hinatak pasama sakin.

Nang makarating kami sa condo'ng tinutuluyan nya, agad akong bumaba ng sasakyan para pumasok sa loob. Hinintay ko sya at pagkatapos nyang mag-park ay dumiretso na kami sa unit nya. I can't wait 'til he open his door kaya ganun na lamang ako kung makalapit sa kanya.

Nang buksan nya ito, nauna na akong pumasok sa loob. I dropped my bag on the chair bago tinanggal ang yellow coat ng uniporme namin. Nasa kwarto nya ako kaya sumunod sya sakin.

"Ano bang gagawi-----" Hindi ko na sya pinatapos sa kanyang pagsasalita nang sunggaban ko agad sya ng halik. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat. What's with him? Nagulat nalang ako nang ilayo nya ang katawan ko sa kanya. "Anong ginagawa mo?"

Kagat labi akong tumingin sa kanya. All I have to do is to seduce him hanggang sa pumayag sya sa gusto ko.

"Just kiss me, okay?" Sabi ko bago ko pinagpatuloy ang paghalik sa kanya. I can't feel his lips kissing my mine. Parang ako lang ata ang humahalik. Medyo naiinis ako kaya mas diniinan ko pa ang paghalik na para bang masusugatan ko na ang labi nya. I know I'm harsh but I need to do this.

"Nicole, ano ba?" Muli, nagpumiglas ito. "Bakit mo ba 'to ginagawa?"

"Diba sabi tutulungan mo ako para makabalik sa katawan ko? This is the only way, PJ!" Singhal ko sa kanya.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now