Chapter 22

279 9 1
                                    

Truth Reveals

Tammy's POV



Isang oras bago magsimula ang klase namin nang pumunta ako sa cafeteria kung saan sinabi ni Nicole na magkikita kami. Malakas ang tibok ng puso ko habang tinatahak ko ang daan patungo sa cafeteria. Limang hakbang mula sa pintuan ay huminto ako. Huminga ako nang malalim. Nitong umaga, napagisip-isip ko na mas lalong magiging mali kung itatago ko pa kay Nicole ang tungkol sa nangyari samin ni Cloud. Napagdesisyunan kong umamin nya. Haharapin ko lahat ng galit na ibibigay nya sakin. I'll face all the consequences. I will beg for her forgiveness.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sa gitnang parte ng cafeteria nakita kong tahimik na nakaupo si Nicole habang nakatingin sa kawalan.

Kanina pa ba sya?

Lumapit ako dito. Nang agad nya akong napansin ay mabilis din syang tumayo. Kinuha ko yung phone nya sa bulsa ko para ibigay sa kanya. Ngunit sa pagbalik ko ng tingin ko sa kanya, isang malakas na sampal ang sumalubong sakin. Nabitiwan ko yung phone dahil dito.

Masyadong malakas ang sampal nya sakin kaya ganun nalang iyon nang marinig ng ibang estudyante na ngayon ay nakatingin lahat samin. Napahawak ako sa pisngi kong namumula dahil sa sobrang sakit at hapdi dahil sa sampal nya.

"Nicole..."

"F*ck you, bitch. Ang kapal ng mukha mong kausapin pa ako. After what you did?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Nagulat ako at mas lalong lumakas ang kabang nararamdaman ko. Alam na kaya nya?

"Ano? Nagulat ka? Do you have any idea kung anong ikinagagalit ko sa'yo? Why I slapped you so sudden?" Tanong pa nito ngunit hindi ako makasagot. Takot na takot na ako. "Sabagay, sino ba namang makakalimot sa isang gabing talagang in-enjoy mo ang boyfriend ko?"

At dito ko nakumpirma na tama ang hinala ko. Alam na nga nya.

"N-Nicole, magpapaliwanag ako. Please, makinig ka sakin." Sambit ko sa kanya pero umikot lang pataas ang mga mata nito.

"What? Sige nga! Care to explain to me kung anong nangyari? In details ha? I want to know how you taste every part of my boyfriend's body? Masarap ba sya?" Punung-puno ng galit at sarkasmo ang mga tanong ni Nicole sakin. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan.

"Nicole, please maniwala ka. Hindi ko sinasadya----" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang muli kong maramdaman ang nag-iinit nyang palad sa mukha ko.

"SHUT THE F*CK UP, TAMMY!!" Malakas na sigaw nito na dinig sa buong cafeteria. "Tinatanong kita! Masarap ba yung boyfriend ko!?"

"Nicole, please mag-usap naman tayo nang mahinahon. 'Wag ganito, 'wag dito...." Sinusubukan ko syang pakalmanhin pero sya mismo ang umiiwas sa bawat paghawak ko sa kanya.

"No! Dito tayo mag-uusap! And don't you even dare to ask me na kumalma ako dahil hindi mo ako mapapakalma. Bakit? Nahihiya ka ba sa ginawa mo? Bakit ka nahihiya? Sinadya mo naman 'yon, diba? Yung magpapakalasing hanggang sa maakit mo si Cloud. Is that it? O baka naman, sinadya mong humiling na maging ako para may mangyari sa inyong dalawa?"

"Hindi, Nicole. Hindi ganun yun."

"Then what!?"

Gossips start to spread all over the place. Halos lahat ng tao ay nakatutok samin na para kaming nasa isang telenovela. May ilan pang estudyante ang pumasok sa loob dahil sa narinig nilang sigawan. Mas lalong dumami ang taong nabulabog namin. Maging mga service crew ng cafeteria ay naging aware sa away namin.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now