Chapter 60

481 12 6
                                    


The Letter





Cloud's POV



Hindi ko lubos maintindihan ang nais iparating ni Tammy sa bilin nya kay PJ. Sa di malamang dahilan, pinapunta ako nito sa bahay nila. Hindi ko pinagdalawang isipan na sundin ito. Kaya kahit palubog na ang araw ay tinahak ko ang daan patungo sa kanila.

Napahinto ako sa paglapit sa may gate nang pumasok sa isip ko ang insidente sa pagitan namin ni Alex, ang kaisa-isang kapatid ni Tammy. Nag-aalangan akong kumatok dahil alam kong hindi na ako dapat pumupunta dito. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanila pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Yet, I took the courage of pressing the doorbell. Hindi ko din alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko para gawin iyon. Mga ilang minuto akong nanatili sa labas bago bumukas ang gate. Tila kumabog nang malakas ang dibdib ko nang makita ko si Tita sa harapan ko.

"Cloud?" Gulat na reaksyon nito nang makita ako.

"Magandang hapon po, Tita..." Binati ko ito. Halata sa mga mata nya ang madalas na pag-iyak. Masasabi kong sariwa pa sa isip namin ang nangyari at tila napakahirap nitong kalimutan.

Maya-maya pa'y binuksan na nya nang tuluyan ang gate at ngumiti sa akin. "Pasok ka." Aniya na ikinagulat ko.

"Po?"

"Pinapunta ka ni Tammy, diba?" Tanong nito na parang may alam sya dahilan ng ipinunta ko dito. Gayunpaman, tumango nalang ako at pumasok sa loob.

Nakakapanghina ngayong nakikita ko ang itsura ng loob ng bahay nila. It's too quiet and it feels so empty. Parang kulang sa enerhiya. Ngunit imbis na pansinin ang mga bagay-bagay, nagpatuloy ako sa pag-akyat sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Naglakad ako patungo sa dulong parte kung saan naroroon ang kwarto ni Tammy. Pinauna kong maglakad si Tita at tila nag-aalanganan pa akong pumasok sa loob. Hindi ko kasi gaanong napapasok ang silid na ito.

Bago pa man buksan ni Tita ang pinto, kumuha na ako ng pagkakataon para humingi ng tawad.

"Patawarin nyo po ako, Tita. Dahil sakin nawalan kayo ng anak. Buong buhay ko pong tatanawin na utang na loob ito sa pamilya nyo."

Natigilan sya at sandaling tinitigan ang mukha ko. Umiling ito sa di pagsang-ayon sa sinabi ko hanggang sa muli ko nanamang nakita ang kanyang ngiti.

"Hindi, wala kang dapat ihingi ng tawad dahil wala ka namang kasalanan. Sobra ka lang talagang mahal ng anak ko." Sambit nya sa kabila ng lungkot sa kanyang mga mata. At kagaya ng sinasabi sakin ng iba, iyon din ang sinabi nya sakin.

Pagkatapos no'n ay iniwan na nya ako sa tapat ng nakabukas na pinto. Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob. Sa ikalimang hakbang palang, namuo ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang ilang litrato sa pader at side table nya.

Maalikabok na ang ilang parte ng kwarto at halatang hindi pa ito ginagalaw nina Tita buhat nang mawala sya. Ilang ala-ala ang nagbabalik sa aking isipan sa tuwing inililibot ko ang aking tingin sa buong silid.

Wala namang kakaiba sa kwarto kaya nagtataka ako kung bakit ba talaga ako pinapunta dito ni Tamary. Subalit isang bagay ang pumukaw ng atensyon ko. Isang kahon na nakaultaw sa ilalim ng kanyang kama. Kinuha ko iyon. Hindi ko alintana ang pagdikit ng alikabok sa mga kamay ko. Hinipan ko pataboy ang alikabok at nabasa ko ang 'Memories' na nakasulat sa kahon.

Naupo ako sa kanyang kama at binuksan ang kahon. Sa pagbukas ko, bumungad sakin ang ilang gamit, bulaklak, papel at isang scrapbook.

 Sa pagbukas ko, bumungad sakin ang ilang gamit, bulaklak, papel at isang scrapbook

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Two Steps BehindWhere stories live. Discover now