Chapter 58

343 8 8
                                    

Realized



Author's POV


Agad na isinugod si Cloud sa ospital dahil sa insidente. Hindi mapakali sa pag-aalala ang kanyang mga magulang at halos ma-trauma naman ang kanyang kapatid na nakasaksi ng dami ng dugong nawala sa kanyang katawan. Nakita pa ni Sapph ang ilang piraso ng bubog na ginamit ni Cloud para sugatan ang kanyang pulso. Because of too much depression, tinangka niyang patayin ang kanyang sarili.



"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak natin." Umiiyak na sabi ng kanilang ina sa kanyang sarili.


"It's my fault, I'm sorry. Hindi ko dapat sya pinaghigpitan." Sambit naman ng kanilang ama.


Nanatiling tahimik si Sapph hanggang sa sunud-sunod na dumating ang kanilang mga pinsan at kaibigan. Kasama din dito ang mga Tito at Tita nilang sina Yanna, Jaise, Trixie at Renz.



"Kumusta na si Cloud?" Tanong ni Renz sa pamilya nila na agad namang sinagot ni Patrick.


"Wala paring balita." Aniya.



Lumapit sina Calvin at Marco kay Sapph. Nakaupo si Sapph sa gilid nang tanungin sya ni Calvin. "Anong nangyari?" Tanong nya.



"He just committed suicide." Naiyak na sagot ni Sapph.



"What? Why?" Nagulat si Marco sa kanyang narinig.


"He knows the truth. Sinabi na nina Mommy sa kanya ang nangyari kay Ate Tammy." Sambit pa nito kaya natahimik sina Calvin. Alam din nila na hindi agad matatanggap ni Cloud ang tungkol dito pero hindi sumagi sa isip nila na babalakin ni Cloud na kitilin ang kanyang buhay dahil sa pangyayaring 'yon. "Ayaw nyang umalis sa tabi ni Ate Tammy. Hindi sya kumakain at nagpapahinga. Parati syang umiiyak. Nag-aalala lang naman kami na baka sumama ang kondisyon nya. Walang pang kalahating taon nang magawa yung transplant kaya hindi pa namin sigurado kung okay na sya. Dad hired some security guards para masigurong hindi muna sya makakalabas ng bahay." Dagdag pa ni Sapph sa kwento nya sa buong pangyayari.


Ngayon lang din ito nalaman nina Calvin. Hindi na sila nagawang balitaan ng pamilya ni Cloud sa sobrang abala sa pag-aasikaso sa kanya.



"This is worse than I've expected. Mahal talaga ni Cloud si Tammy." Natutulala sa pagkagulat si Calvin nang sabihin nya ito.


"Let's just hope and pray na walang mangyari sa kanya or else mapupunta sa wala lahat ng sakripisyo ni Ate Tammy." Saad naman ni Yuki na nasa likod lang pala ni Marco. Sinang-ayunan nila lahat ito.



Sandali silang natahimik nang dumating pa ang Tita Bianca nila at ang asawa nito. Lumapit si Marco at humalik sa mga ito.



"How's Cloud?" Agad nyang tanong sa anak na si Marco.

"Hindi pa namin alam, Mom. Sana lang walang mangyaring masama sa kanya." Sagot naman ni Marco.


"What the hell happened?" Hindi maiwasang mainis ni Bianca dahil narin sa pag-aalala sa pamangkin. Inilayo sya ni Marco at sinabi sa kanya ang bawat ditalye ng mga nangyari.



"Is Cloud really your son, Sowee? Kasi feeling ko anak ko sya. Namana ata nya sakin yung pagiging baliw sa pag-ibig." Biglang nagsalita si Trixie bilang may karanasan din sa ganitong pangyayari. Walang nadala sa biro nya kaya wala masyadong pumansin nito.


But then, Renz just spoke up. "Magkaiba naman kayo ng sitwasyon ng pamangkin ko." Katuwiran nito.



"Okay, I get it. Alam ko na kung saan pupunta ang usapan na 'to. So stop na." Agad itong huminto nang maramdaman nyang mahahalwat nanaman ang nakaraan nila ni Patrick.



Two Steps BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon