Chapter 30

326 13 0
                                    

Hurt


Sapph's POV

"Ano ba!? Hindi ba man lang natin hahanapin si Kuya?" Kanina ko pa ito iniingit sa kanila pero tila wala silang pakialam habang nakaupo lang sila sa sofa namin. Bakas sa mukha ni Mommy ang pag-aalala kay Kuya Cloud. Agad naming sinabi ang nangyari sa kanila nang pumunta kaming magkakaibigan at magpi-pinsan sa bahay. Nagbakasakali kaming dumiretso si Kuya Cloud dito pero nabigo kami nang malamang wala sya dito.

"Calm down, Sapph. Sinundan naman sya ni Tammy." Sagot ni Calvin na kalmadong nakaupo sa tabi ng kapatid nyang si Mia.

"Papaano ako kakalma? Hindi pa sila nakakauwi. Isa pa, galit si Kuya ngayon. Baka kung anong magawa nya."

"Kilala natin si Tammy. Alam nating hindi nya pababayaan ang kuya mo." Katuwiran pa ni Cal. Kahit papaano naisip ko, tama sya. Knowing Ate Tammy, hindi nito matitiis si Kuya. Kaya naman mas gusto ko ito para kay Kuya kaysa sa bruhang Nicole na 'yon.

We're supposed to be celebrating by now. Pero dahil sa nangyari, napurnada ang lahat. Sinira ito ng bruhang Nicole na 'yon. I knew it! I knew I was right all along. Alam kong may tinatago ang babaeng 'yon. Kutob ko nang hindi sila tatagal ni Kuya. Nasaksihan ko kung paano nya awayin ang kapatid ko para sa napakababaw na dahilan. Pero ganun nalang sya kamahal ni Kuya kaya hindi nya ito natitiis.

Balak ko na sana syang sampalin at saktan kanina pero masyado nang nakakaawa ang kalagayan nya kanina. Isa pa 'yong PJ na 'yon. Akala mo kung sinong kaibigan pero traydor din pala.

Kaya eto kaming lahat. Naghihintay ng balita at tawag mula kay Kuya o kay Tammy man lang.

"Pero hindi naman siguro si Ate Tammy ang nagpalabas ng video na 'yon, diba?" Biglang tanong ni Mia.

"What? Of course not, Mia." Sagot ko.

"Kilala natin si Tammy. Alam nating hindi nya kayang gawin 'yon." Sabi pa ni Kuya Marco ka kanina'y nananahimik lang din sa tabi. Sumang-ayon ang lahat sa sinabi nya.

"Kumain muna kayo." Lumabas si Manang Esme mula sa kusina dala-dala ang hinanda nyang meryenda para samin. Kanina pa kasi kami hindi kumakain. Pero sino ba naman ang magkakaganang kumain sa ganitong sitwasyon?

"Arrrgg! I swear, yari talaga sakin yung Nicole na 'yon pag nagkita kami!" Inis kong sabi nang isalampak ko ang sarili ko sa bakanteng upuan.

"Hush, pinsan!" Pinatahimik ako ni Yuki sa pamamagitan ng pagsamuwal ng cookie sa bibig ko. Wala sa oras ko itong nabatukan dahil do'n. "Chill lang kasi." Natatawang sabi nito. "Babalik din naman si Kuya Cloud, e. Hindi naman yun bata."

"Whatever. Palibhasa kasi hindi mo kapatid yung niloko ng b*tch na girlfriend nya."

"Sapph, watch your words." Suway naman sakin ni Dad kaya agad na napatikom ang bibig ko.

Natahimik kaming lahat pagkatapos no'n. Sa mga sandaling 'yon, narinig naming tumunog ang phone ni Daddy.

"Si Tammy." Sabi nya samin. Walang pagdadalawang isip nya itong sinagot. "Hello, hija?" Panimula nito. Maya-maya pa'y biglang kumunot ang noo nya. "Nasaan kayo?" Sumunod nyang tanong. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila pero ayokong makigulo pa. "Sige, pupunta na kami." Pagkasabi nya no'n ay binaba na nya ang phone nya.

Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Mommy nang makausap ni Dad si Ate Tammy. Agad itong tumayo nang matapos ang usapan nila.

"Nasaan daw si Cloud?" Tanong nito kay Dad pero parang ayaw nitong iparinig samin kaya hininaan nya ang kanyang boses. All I heard is some sort of.....bar? I'm not sure. "Halika na." Aya ni Mommy at tumango naman si Daddy.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now