Chapter 50

326 7 5
                                    

Another dedication for this chapter. I would like to thank this person for supporting and sending in some feedbacks and comments upon the story. Thank you, kylerjazz . 😊

-----------------------------------------------------------

Bitiw

Tammy's POV

Several weeks have passed magmula nang mag-break kami ni Cloud. Malungkot pero kinakailangan kong bumangon at magpakatatag. Inaamin ko, mahirap subalit pinipilit kong hanapin ang rason para muli akong ngumiti. And one of the reasons that I found was this girl infront of me na kanina pa ako binabato ng tanong.

"I hate Kuya! I hate him so much!" Paulit-ulit nitong angal bago pa man kami makarating sa lugar kung nasan kami ngayon. "I mean, how can he do such a thing?! Bakit sya nakipag-break sa'yo? At sya pa talaga ang nakipag-break, ha? Nakakababae din sya, e! Haist!"

Tila nag-transform ito sa isang dragon na walang tigil sa pagbuga ng apoy, o kaya naman ay bulkan na panay ang pagsabog. Sa lagay ko ngayon, kahit malungkot ako, hindi ko parin mapigilang mapangiti at matawa nang dahil sa kanya.

"What? Tatawanan mo nalang ba ako, Ate Tammy? Wala ka bang planong bawiin si Kuya Cloud?" Tanong pa nito.

"Sapphire Jean, masyado ka pang bata para problemahin ang problema namin. Tapos na yung nangyari. Alam mo kung anong kailangan nating gawin? Accept it." Sambit ko bago sinipsip ang natitirang laman ng inuming aking iniinom.

"Accept it? Just how can I? Kuya broke up with you and what happened next? Bumalik sya dun sa bruhang nilalang na 'yon! Hay naku, kung ako talaga sa'yo hindi ako papayag." Saad pa nya na wari ko'y naiinis na din sya sa desisyong ginawa ko. Still, natawa nalang ako.

"Bakit parang ikaw pa yung nagagalit kaysa sakin?" Biro ko dito.

Humalukipkip ito at sumandal sa kanyang upuan bago muling nagsalita. "Oh Ate Tammy, if you only knew how happy I am na naging kayo ni Kuya. It's you who I want for him, no one else."

Hearing those words make my heart flutters. Nakakatuwang pakinggan pero nakakalungkot isipin na hindi na iyon mangyayari.

"Baka ako nga yung gusto mo para sa kanya pero hindi naman talaga ako yung pinipili ng tadhana para sa kanya." Paliwanag ko dito.

"Yeah, whatever with that f*cking destiny."

"Watch your words, little lady." Suway ko dito.

"Okay, sorry. But my point is, nakalimutan na ba ni Kuya kung paano sya niloko ng babaeng 'yon? That's way too unforgivable!" Singhal pa nito na tila ayaw papaawat sa mga reklamo nya. Ano nalang mangyayari sa batang 'to kapag sya ang hiniwalayan?

"People change, Sapph. Malay natin, nagbago na din si Nicole para sa Kuya mo." Ginagawa ko ang lahat para maliwanagan si Sapph sa mga bagay na kailangan pa nyang intindihin. Ito ay para narin hindi puro negatibong bagay ang pumasok sa isip nya. I don't want her to hate other people dahil lang sa nangyari samin ni Nicole. Kung posible, hindi ko hahayaang masangkot ang kahit na sino sa problema ko.

"I can't believe that a person like you exist. How can you be so kind kahit na ikaw na ang naaargabyado dito?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Ngumiti nalang ako dahil ako mismo sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit ako ganito. Nagkibit-balikat nalang ako at muling tumingin sa kanya. "But you're right. People do change. Parang si Kuya lang."

Agad nyang nakuha nang buo ang atensyon ko nang sabihin nya iyon. "What do you mean?" Tinanong ko sya.

"He had a lot of changes in himself. Madalas syang wala sa bahay. Hindi na palaimik at palangiti. Hindi pa makausap nang matino, parating umiiwas." Kwento nya sa mga bagay na napansin nya sa kanyang kapatid. Maging ako ay nagtaka sa aking nalaman dahil alam ko na hindi sya ganun. He won't change himself because of certain people or things around, that's what I know.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now