Chapter 24

297 11 3
                                    

Cloud's POV

"CLOUD!!"

Sa nananahimik naming sitwasyon, isang malakas na pagsigaw ng pangalan ko ang narinig ko mula sa labas ng classroom.

"CLOUD!"

"CLOUD!!"

Tatlong beses kong narinig na tinatawag ang pangalan ko. Sinubukan kong hanapin kung nasaan ang taong tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko makita. Kahit mga kaklase namin nagigimbala na ng bwisit na 'yon.

"CLOUD!" For the fourth call, pumasok ang taong kanina pa iniiyak ang pangalan ko, si Jiro. Lumapit ito sakin, pagod na pagod habang hinahabol ang hininga. "Cloud.."

"Ano ba 'yon!? Imikin mo na kasi hindi puro pangalan ni Cloud ang iniimik mo!" Suway ni Calvin na nasa tabi ko.

"Alam mo na ba?" Tanong nito.

Napailing ako nang wala sa oras. "Paano ko malalaman, eh wala ka pa namang sinasabi sakin? Ano ba 'yon, ha?"

"Si... Si Tammy tsaka yung girlfriend mo pinatawag sa office!"

"Ano?"

Napatayo ako nang wala sa oras. Walang pagdadalawang isip akong tumakbo palabas ng classroom. Sinundan ako nina Calvin at Jiro. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para mabilis na makarating sa office. Nang makarating ako dito, naglakas loob akong pumasok, gayon din sina Calvin at Jiro.

Nandito ang presidente ng school at ang dean ng Educ Department at dean ng HRM Department. Sa harap ng presidente, may dalawang upuan. Ang isa ay ang kinauupuan ni Nicole habang ang isa naman ay nananatiling bakante.

"Babe." Sinalubong ako ni Nicole at mahigpit itong yumakap sakin. "Ipapasuspend nila ako." Aniya na parang nagsusumbong.

Nabaling sakin na bagong dating ang atensyon ng presidente.

"Mr. Romero, anong ginagawa mo dito? You have no business here." Sambit nito. "Same as with you two." Pagpapatukoy nya kina Calvin.

"But Ma'am, witness po kami sa nangyari. Pwede po naming masagot ang mga katanungan n'yo." Sagot ni Calvin sa kanya.

"This has something to do with me. Ako ang dahilan ng naging away nila kaya sa makatuwid, kasali ako sa issue na 'to." Sabi ko naman.

Mukha namang nakumbinsi namin ito kaya hinayaan nya kaming manatili sa loob. Pinahiwalay ko si Nicole sa pagkakayakap nya sakin at inutusan itong umupo.

"Where is Ms. Fuentebella? Bakit wala pa sya?" Masungit na tanong ng presidente nang mapansing wala pa si Tammy.

"Papunta na daw po." Sagot ng dean ng education department.

Sa ilang sandali naming paghihintay, narinig naming bumukas ang pinto. Iniluwal nito ang isang babaeng nakasuot ng sumbrerong pamilyar sa akin at ang isa ay si PJ. Ang sumbrero'ng ito ay yung ginamit namin nang manalo kami sa regional tournament sa basketball. If I'm not mistaken, ang numero 3 sa sumbrerong iyon ay nagpapatunay na pagmamay-ari ito ni PJ.

Bakit sila magkasama?

"Pasensya na po nahuli kami." Ani Tammy. Sandaling nagtama ang aming mga mata bago sya naupo sa katapat ni Nicole. Samantalang si PJ na kasabay nyang dumating ay tumayo sa kabilang banda sa may pintuan.

"What about you, Mr. Morales? Anong ginagawa mo dito?" Binaling naman ng presidente ang atensyon nito kay PJ.

"Hinatid ko lang po si Tammy. I'm just making sure that she's safe 'til she gets here." Saad nito sa kanyang kasagutan.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now