Chapter 39

310 7 0
                                    

Multimedia update: Hadley Nicole Villadiego ^___^

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

PJ's POV

Nitong umaga, nagmadali akong sumakay sa aking sasakyan. Alas siete na ako nagising at tingin ko huli na ako. Halos ilang beses ko pang nalaglag sa sahig ang susi ng sasakyan sa sobrang pagmamadali ko.

Hindi ako pwedeng mahuli... Sambit ko sa isipan ko.

Sa loob ng sampung minuto, nakarating ako sa patutunguhan ko. Nagawa kong patakbuhin ang kotse ko kahit na anong layo ng condo ko sa bahay nila.

Subalit isang kanto nalang mula sa kanilang bahay, napagtanto ko na sayang lang ang pagod ko. I saw Cloud's motorcycle infront of Tammy's house. Pumunta ako do'n para sunduin sya pero nawala sa isip ko na si Cloud na nga pala ang dapat na nasa tabi nya mula ngayon.

Sandali akong napaubob sa manibela habang iniisip kung gaano ako katanga para magmadaling pumunta sa lugar na ito. Umatras ako at pinatakbo ko ang sasakyan patungo sa kabayanan. Pinarada ko ito sa tapat ng maliit na gusali na matagal ko nang iniiwasan. Pumasok ako sa loob ng gusaling ito. Nagulat ang Tita kong may-ari ng gusaling ito nang makita nya ako.

"Paul, napadaan ka?" Tanong nito matapos akong yakapin.

Ngumiti lang ako at tumango. "Tita, gawin nyo na po." Sambit ko. Tumango din ito at ngumiti pabalik.

Mamayang hapon pa ang klase ko pero may usapan kami nina Calvin na magkita-kita ng alas nueve ng umaga sa tapat ng Engineering building. Para saan? Hindi ko din alam. Mahigit isang oras akong nabatad sa upuan kung saan ako nakaupo. Matapos iyon ay nagdesisyon akong dumiretso na sa Chrisford.

Sa parking lot palang, naging agaw atensyon na ako. Halos lahat ng madaanan ko napapatingin sakin. Normal lang naman 'tong ginawa ko para sa isang tao pero dahil kilala ako bilang varsity player ng basketball, malamang magtataka talaga sila sa makikita nila. Hanggang sa makarating ako sa tapat ng Engineering building, naging usap-usapan ako.

Sa ilang hakbang na layo ko, nakita ko ang grupo ng mga kapwa ko manlalaro at isang babaeng nakatalikod. I'm pretty sure that it's her.

"Sorry, late ako." Nakangiti kong bungad sa kanila.

Napalingon silang lahat sakin but they all have the same reaction. Ang mga titig nila, parang hindi sila lubos na makapaniwala sa kanilang nakikita.

"PJ?" Takang reaksyon ni Kean.

Napataas lang ang parehong kilay ko habang nakatingin sa kanila. Ilang sandali pa'y lumingon na din sya sakin pero gaya nila, ganun din ang naging reaksyon nya.

"PJ?"

"Hi, Tammy." Binati ko sya pero di ko pinansin ang gulat nyang reaksyon. "What's up?" Binaling ko ang atensyon ko sa mga kaibigan ko.

"Dude, your hair!" Ani Tyler.

"Bakit pinakulayan mo ng itim yan?" Sumunod na nagsalita si Calvin.

"Bagay ba?" Tanong ko naman habang hinahagod ang bagong kulay kong buhok.

"Bagay ba?" Tanong ko naman habang hinahagod ang bagong kulay kong buhok

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Two Steps BehindWhere stories live. Discover now