Chapter 49

303 11 6
                                    

Author's Note: Sorry if I failed to do my promise last time. Hindi po ako nakapag-update before new year's eve due to some conflicts. Belated Merry Christmas and Happy New Year, guys! Hope this chapter will satisfy your thirsts and cravings for updates. But before anything else, I would to dedicate this chapter to KittyRhainee . Thank you for your non-stop support from the very first story (TCD and TMD) up to this.

-------------------------------------------------

PJ's POV

Labis ang pagkagulat ko sa balitang aking narinig. Hindi ako lubos makapaniwala sa aking nalaman. Ito ang dahilan kaya nag-atubili akong umalis ng bahay. Tumakbo ako palabas at kinuha ang susi ng aking sasakyan. Dapat ay papasok ako ngayon sa trabaho ko ngunit hindi ko na nagawang maghanda para sa pagpasok ko dahil sa ibang bagay na kailangan kong gawin.

Naghiwalay na sina Tammy at Cloud ayon kay Ron.

Mabilis kong ipinarada ang aking sasakyan sa harapan ng school kung saan nagtra-trabaho bilang guro si Tammy. Sa gate palang ay agad akong hinarang ng isang guwardiya na nagpatigil sakin sa balak kong pagpasok sa loob.

"Pasensya na po, Sir. Hindi pa po kayo pwedeng pumasok hangga't hindi pa tapos ang klase." Sambit ng guwardiya habang nakaharang sa aking dadaanan.

"Kuya may kailangan lang po akong kausapin. Very urgent po." Sabi ko naman dito na halos magmakaawa na ako.

"Pasensya na po talaga, Sir, pero mahigpit pong ipinagbabawal ng head ng school ang pangangambala sa mga estudyante at mga guro lalo na't oras pa ng klase. Maghintay nalang po kayo." Katuwiran naman nito at pinanindigan ang kanyang trabaho.

"Anong oras po ba ang tapos ng klase nila?" Tinanong ko ito dahil hindi na ako makapaghintay pa.

"Twelve noon, Sir." Sagot naman nito. Iniangat ko ang aking braso at tumingin sa aking relo. Napahilamos ako sa aking mukha nang mapagtanto kong alas nueve palang ng umaga.

"Can't I just get inside? I mean it's very urgent. I just really need to talk to my wife." Desperado na akong makapasok sa loob para makausap si Tammy kaya kinailangan ko nang magsinungaling.

Namilog naman ang mata ni manong sa sinabi ko. Obviously, wala pa naman sa itsura ko ang may asawa na kaya nagtataka siguro sya. Pero anong magagawa ko? Wala na akong ibang maisip na idadahilan para payagan na nya akong pumasok sa loob ng compound nila.

"May asawa na po kayo, Sir?" Hindi makapaniwala nitong tanong.


"Not actually, more like she's my fianceè." Sabi ko nalang.


"Sige po, Sir. Pero siguraduhin nyo lang po na madali lang kayo. Malalagot po kasi ako kapag may nakakita sa inyo."

Para akong nabuhayan nang biglang magbago ang isip nito. "Salamat, manong."

"Sige, Sir. Ingat nalang po." Paalala pa nito bago pa man ako makapasok sa loob.

Humakbang ako papasok at tinakbo ang daan patungo sa silid kung saan naroroon si Tammy. Kabisado na namin ang eskwelahang ito dahil sa paminsan-minsan naming pagbisita sa kanya kasama pa ang kaibigan naming si Cloud. Naging maingat ako sa pagdaan ko sa bawat silid para hindi ako makita ng mga ibang guro at ibang empleyado pa ng school.

Konting hakbang mula silid na aking patutunguhan, nakita ko ang ngiting madalas kong makita sa kanya noon. Kung titingnan ang kanyang mukha, parang walang nangyari, parang wala syang pinagdadaanan. But I know those smiles were fake. Alam ko ang totoong ngiti ni Tammy.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now