Chapter 18

286 8 1
                                    

Doubt


Cloud's POV

"Miss ko na 'to." Sabi nya habang kumakain ng fries na inorder nya.

Sadyang hindi maalis sa isip ko ang mga nakakapagtaka at kakaibang bagay na napapansin ko ngayong araw, pamula nang magkita kami ni Nicole. Nakalimutan kong si Tammy ang hinahanap ko kanina. Sa paghahanap ko sa kanya, si Nicole ang nakita ko. Inisip ko nalang na coincidence ang nangyaring iyon. Subalit ang sitwasyon ngayon, sadyang nakakapang-isip.

Bakit nasabi ni Nicole na paborito ko ang pagkaing iyon kapag kasama ko sya, gayong hindi naman ito kumakain madalas ng fries?

Sa mga ganitong pagkain, kami ni Tammy ang nagkakasundo. Nicole hates fast foods kaya hindi ko din maintindihan kung bakit dito nya naisipang pumunta. Nagbago na kaya ang mga gusto nya ngayon? Gusto ko syang tanungin pero alam kong magugulat sya at magtataka kapag tinanong ko sya tungkol sa iniisip ko.

"Babe." Tinawag ko sya na agad naman syang napatingin sakin.

"Bakit?"

"Can you tell me the things that you know about me?" Sambit ko. Sa una nalito sya kung bakit ko ito pinapagawa sa kanya pero sa huli, pumayag din sya. Ito lang ang tanging paraan ko para maliwagan ako sa mga nangyayari.

"Una, gusto mo ang mga pagkain na may flavor na vanilla, kasi sabi mo dito kayo pinaglihi ni Tita Sowee nung pinagbubuntis nila kayo ni Sapph. Pangalawa, favorite color mo ang blue kagaya ni Tita. Pangatlo, mahilig ka sa sa cold drinks rather than hot ones. Pang-apat, sa sunny-side up egg, ayaw mo ng luto ang yolk. Pang-anim, you hate it when you eat alone kaya mas pinipili mo nalang na hindi kumain at magpalipas ng gutom. Pang-pito, favorite mo si Ed Sheeran at Selena Gomez. Pang-walo, favorite superhero mo si Flash. Pang-siyam, takot ka sa butiki." Nang sabihin nya 'yon, agad syang napatawa. Ang alam ko natatawa din ako sa tuwing maaalala ko ang bagay na 'yon pero ngayon hindi ko magawa dahil seryoso akong nakikinig sa kanya. "Pang-sampu, you like shirts with quotes in it than any art designs."

"Just give me 15 of them." Pinutol ko ang kanyang pagsagot. Huminto sya sandali ngunit sa paglunok nya ng pagkain sa bibig nya ay nagpatuloy sya.

"Pang-labing isa, minsan ka nang nagalit kay Tito Patrick nang saktan nya ang mommy mo. Pang-labing dalawa, nang mga panahong nasasaktan ang mommy mo, palihim kang umiiyak at nagpakatatag ka para sa inyong dalawa. Pang-labing tatlo, you want to marry a girl like your mom. Pang-labing apat, you hate it when you cry, because you feel weak. Pang-labing lima, you don't want to get hurt 'cause you know you're not that strong to overcome the pain."

Hindi ito tumingin sa aking mga mata habang sinasabi nya ang mga bagay na 'yon. Nakatutok lang sya sa pagkaing kanyang kinakain at walang humpay sya sa pagkagat ng fries. She sounded so sure. Hindi ko naman maitatanggi na tama ang lahat ng mga sinabi nya. Pamula sa una hanggang sa huli. Ang ika-una hanggang ika-sampu sa kanyang sinabi ay aminado kong sinabi sa iba. Most of the people who knows me ay alam din ang tungkol do'n. Subalit ang huling limang nabanggit nya, isang tao lamang ang pinagsabihan ko no'n. Only one person knows those things about me. At ang taong 'yon ay ang taong pinakamalapit sakin, ang aking matalik na kaibigan, si Tammy.

Paano nalaman ni Nicole ang tungkol sa mga bagay na 'yon?

Nais kong malaman ang kasagutan sa tanong na bumubulabog sa isip ko subalit may pumipigil sa akin. Ang pagdududa sa aking isipan ay idinaan ko na lamang sa ngiti sa aking labi. Hindi na kami nag-usap pa nang mga sumunod na oras. Hanggang sa natapos na kaming kumain, nanatili kaming tahimik. Hindi ako masyadong nakakain dahil sa bagay na pilit tumatakbo sa isipan ko. Maya-maya pa'y nagpasya kaming umuwi na. Inihatid ko sya sa town house na tinutuluyan nila ni Tammy.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now