Chapter 17

261 10 0
                                    

She knew

Nicole's POV

A person full of lies...

Nanginig ang buong kalamnan ko nang marinig ko ang huli nyang sinabi. Alam ko masyado akong nagpa-easy easy nitong mga nakaraang linggo. Hindi ko inisip ang mga sikreto kong maaaring malaman ni Tammy. She has my body and she's free to know everything about me.

"Nicole."

"What!?" Iritado akong napalingon sa taong tumawag sakin. Nawala sa isip ko na nasa ibang katawan ako. Kaya naman nagulat ako sa nakita ko sa aking paglingon. "P-PJ?"

"So it's true." Sabi nya matapos humalukipkip. "Ikaw nga si Nicole."

"Nagkakamali ka. Hindi ako si Nicole." Pagtanggi ko naman.

"Kung ganun, bakit ka lumingon nung tinawag kitang 'Nicole'?" Tumaas ang kilay nito. Sa itsura palang nya alam kong naghihinala na sya.

"Nalito lang ako kasi kausap ko si.... Nicole kanina." Sagot ko naman.

"Really?" Hindi ko sya nakumbinsi sa sagot ko kaya mas lumapit pa sya sakin.

Damn this guy! Ano bang problema nya?!

"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita yung mukha ko? Si Tammy ako!" Pinagpipilitan ko sa kanya ito pero hindi ko sya magawang paniwalain.

"Yeah, I think so. Based on your physical features, si Tammy ka nga. But the way you move, your gestures and your languages, I know you are Nicole." Nangatuwiran pa ito bagamat nagulat ako sa mga sinabi nya.

Paano nya nalaman?

"I'm with you for several years already, Nicole. Kilala kita, lalo na sa bawat kilos mo. Kung hindi mo alam, nasa loob din ako ng gym kanina. I was there the whole time. I was watching you and Tammy while you were doing your work out. Nagtataka lang ako. How come na ang taong hindi mahilig mag-gym, na parati lang nanunuod sa iba habang nag-eexercise, sanay gumamit ng treadmill. Pero si Nicole na halos gym expert na? Nadulas sa treadmill? Parang may mali..." Mukhang nabasa nya ang tanong sa isip ko kaya sinabi na nya ang kailangan kong malaman. Nagpatuloy ito sa pag-iimbestiga nya dahil sa kanyang paghihinala.

Matalino ka, PJ. Napansin mo lahat. Isa ito sa mga dahilan kung bakit kita pinatulan...

"Are you stalking us?"

Marahan itong napatawa. "Why would I stalk my own girlfriend? Nagkataon lang na nandun ako. At base sa nakita at naobserbahan ko, mukhang tama nga ang sinabi ni Tammy." Aniya. Nanlaki ang mata ko nang madawit bigla ang pangalan ni Tammy sa usapan. "You can't fool me. Right, Baby girl?" Tinukso pa ako nito.

"Anong sinabi ni Tammy?" Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Huwag nyang sabihin sakin na sinabi ni Tammy na nagkapalit kami ng katauhan?

"There, you admitted it. Ikaw nga si Nicole."

"Darn it, PJ! Tell me! Anong sinabi sa'yo ni Tammy!?"

"That she was not you." Direkta nitong sinagot ang tanong ko. "It's hard for me to believe it before pero nang makakita ako ng ilang ebidensya na magpapatunay na nagsasabi sya ng totoo, tsaka lang ako naniwala. Tell me, how did it happen?"

"None of your business, mister." Masungit kong sagot bago sya tinalikuran. Pahakbang na ako palayo nang hatakin nya ako pabalik gamit ang braso ko.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now