Chapter 19

266 9 0
                                    

Temptation


Cloud's POV

Hindi mawala-wala sa isip ko ang tungkol sa sinabi sakin ni Nicole kami. Ang pabor na hiningi nya sakin. Naghiwalay na kami't lahat ng landas kagabi subalit hindi ko sya natanong kung anong problema. Wala akong maisip na dahilan para palayuin nya ako kay Tammy. Imposible namang may alitan sila dahil nakatira sila sa iisang bahay ngayon. At base sa mga nakikita ko kapag magkasama sila, mukha naman silang close. Pero bakit hihingi ng ganung klaseng pabor si Nicole sakin na kahit kailan ay hindi ko naman magagawa?

"Dude, problema?" Kasama ko ngayon si Calvin pero pati sya nababahala sa pagkatulala ko at sa malalim kong pag-iisip.

"Si Nicole." Matipid kong sagot nang tanggapin ko ang inaalok nya saking soda.

"Magkaaway nanaman kayo?" Sumunod na tanong nito habang nginunguya ang potato chips na hawak nya.

"Hindi ko alam. She asked me to stay away from Tammy." Hindi ko na din napigilang i-open kay Cal ang problema ko.

"Tssss, girl problems." Ngumisi ito na para bang hindi na bago sa kanya 'to.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sira ka ba? Malamang nagseselos yung girlfriend mo sa bestfriend mo." Aniya.

"Bakit naman sya magseselos kay Tammy? Magkaibigan lang kami no'n." Depensa ko naman.

Tumawa lang si Calvin nang sabihin ko 'yon. "I hope you're not blind to see that you're too close to her." Saad nya bago lagukin ang natitirang laman ng soda nya. "Eh kung minsan nga mas napapagkamalan pa kayong mag-jowa ni Tammy. Aminin mo, mas close ka sa kanya kaysa kay Nicole."

Hindi agad ako nakaimik. Hindi ko maikakaila na tama sya. Mas malapit ako sa kaibigan ko kaysa sa sarili kong katipan.

"I see nothing wrong with that. Matagal na kaming magkakilala ni Tammy. Mas nauna syang dumating sa buhay ko. We even grew up together. Anong problema nya do'n?" Medyo iritado kong tanong.

Napataas naman ng dalawang kamay si Calvin matapos akong pakinggan. "I don't know. Ang dapat mong tinatanong dito ay si Nicole hindi ako. Hindi naman ako ang syota mo, e." Napahilamos nalang ako sa mukha ko habang iniisip ang napakababaw na problemang ito. "Siguro ang mga mata mo walang nakikitang mali pero sa mata ba nya? Iba ang nagagawa ng selos, Cloud."

"Selos, tsss." Hanggang ngayon hindi parin ako makumbinsing selos ang dahilan ng lahat ng 'to.

"Talk to her para malinawan ka." Suhestiyon ni Calvin na tingin ko namang ay tama. Iyon lang siguro ang solusyon para matapos na ang problema ko. I'll ask her but not Tammy. Labas na dito ang kaibigan ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at matapos ay lumabas ng silid namin. Isang oras nalang bago madismiss ang huling klase namin sa araw na 'to pero wala akong balak tapusin iyon. Hindi na ako makakapaghintay.

Mula sa building namin, tinahak ko ang daan papunta sa department nila. May ilang napapatingin sakin. Hindi ko alam kung dahil ba sa nagtataka nila dahil may ibang course na nakapasok sa building nila o dahil ako si Cloud Romero. Pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Sa pagtungo ko sa ikatlong palapag, sakto namang nakita kong kakatapos lang ng klase nila. Ngunit hindi ko sya makita sa loob.

"Shania!" Tinawag ko ang isa sa mga kaibigan nya. Agad naman ako nitong napansin kaya mabilis syang lumapit sakin kasama pa ang isa nilang kaibigan na si Lanie.

"Hi, Cloud! What's up?" Tanong nya.

"Nasaan si Nicole?" Imbis na sagutin ang pangungumusta nya, tanong rin ang aking ibinigay sa kanya.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now