Chapter 44

280 9 0
                                    

Vacation


Tammy's POV


Mabilis na lumipas ang bawat araw. Tinupad ni Cloud ang pangako nya na babawi sya sakin. Bagamat hindi kami parati nagkikita dahil minsan ay wala sya dahil sa kanilang training, naging maayos parin ang takbo ng aming relasyon.

Hanggang sa sumapit ang araw na pinakahihintay naming lahat. Ang araw ng aming pagtatapos. Wala nang mas sasaya pa sa araw na 'to habang pinapanuod ako nina Mama na umaakyat ng entablado habang tinatanggap ang aking diploma.

"Fuentebella, Shen Tamary. Bachelor of Science in Secondary Education major in English, Suma Cum Laude."

Malalakas na hiyawan mula sa aming departamento at sa ilang kakilala ko sa eskwelahan ang aking narinig dahil sa anunsyong iyon. Ang sarap sa pakiramdam kapag alam mong maraming tao ang proud sa nakamit mo. Now in the four years that I have been through, I can say tat everything is worth it.

I got everything I need na datirati ay pinapangarap ko lang. Ang diploma, ang magsuot ng itim na toga, ang titilong laude at higit sa lahat, si Cloud.

Inuli ko ang aking paningin bago pa man ako bumaba ng stage. Ngunit nawala ang ngiti ko nang hindi ko sya nakita. Wala sya sa bleachers ng gym kung saan nakaupo ang mga bisita at magulang ng mga nagsipagtapos. Tanging si Mama at si Alex lang ang nakita ko.

Natapos ang pagtanggap ng diploma. Napanuod ko rin ang pag-akyat sa entablado nina Kean, Tyler at PJ. Gayon na din si Nicole. Masaya ako para sa aming lahat. Finally, we can proceed to our next journey. Next year sina Cloud naman ang gra-graduate.

But where the hell is that guy, anyway?

Dumating ang hapon at tapos na ang aming pagdiriwang. Malaya naming inihagis ang aming graduation cap sa ere.

"Congrats, pangit." Binati ako ng kapatid kong pinakamagalang sa lahat. Pinisil ko ang pisngi nito na agad naman nyang ikinainis. "Haist! Ano ba!?"

"Thank you, Alex. College ka na next semester. Goodluck sa'yo."

"Tsss! No need to remind me. I know I'll be better than you." Mayabang na sabi nito.

"Really? 'Wag puro sabi! Patunayan mo!" May paghalakhak kong sabi.

"You'll see."

Mula kay Alex, bumaling ang atensyon ko kay Mama na halos mamula na ang mga mata dahil sa pangingilid ng kanyang luha. Mabilis ko syang niyakap. I can't thank her enough para sa lahat ng ginawa nya para sakin at kay Alex.

"Thank you, Ma. I love you." Sambit ko habang nakayakap sa kanya.

"I love you din, anak. I'm so proud of you." Hindi na nito napigilang mapaluha sa sobrang saya. Ganito talaga siguro ang nararamdaman ng lahat ng mga magulang kapag napagtapos nila ang kanilang anak.

"I will get a job and work hard for you and Alex."

"ATE TAMMY!!!!!" Naudlot ang drama namin ni Mama nang marinig ko ang malakas na pagsigaw ng isang pamilyar na boses sakin. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Mama at hinanap ang may-ari ng boses na iyon. Mula sa likuran ko, nakita ko si Sapph na tumatakbo papalapit sakin. Humarap ako sa kanya at agad naman akong sinunggaban ng yakap nito. "Congratulations, Ate Tammy! You made it!" Bati nito.

"Thank you, Sapph."

"Here." Inilabas nito ang isang paper bag mula sa kanyang likuran. Nagulat ako nang makita ko ang regalo nya bagamat hindi ko pa nakikita ang laman nito. "Congrats!"

Two Steps BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon