Chapter 55

314 9 10
                                    

Everything will be okay



PJ's POV




"Shen Tamary!" Pasigaw kong sinuway si Tammy nang sabihin nitong gusto nyang maging heart donor ni Cloud.

Hindi ko labis matanggap na pati sarili nyang buhay ibubuwis nya para lang sa taong mahal nya. Her feelings went too far. Hindi dapat ganito. Hindi nya kailangang magsakripisyo para sa ibang tao. Hanggang kailan ba nya iisipin ang ibang tao bago ang sarili nya.

Kagaya ko, hindi din sumang-ayon ang mga magulang ni Cloud sa desisyon nya. Subalit ayaw papigil ni Tammy kaya lumabas na ito ng kwarto. Hinabol ko sya at hinarangan sya sa dadaanan nya.


"Tammy, saan ka pupunta?" Tinanong ko ito.

Hindi ako tiningnan nito nang direkta, imbis ay pilit nya akong nilalampasan. "Huwag mo akong harangan, PJ. May kailangan pa akong gawin." Malamig nyang sabi.

"What? Ipapa-test mo yang puso mo?? Snap the hell out of it, Tammy! Hindi mo naman obligasyong isuko ang buhay mo para sa kanya." Singhal ko pa.


"Hindi pwedeng mamatay si Cloud. Kung may pwede mang mawala dito, ako 'yon kaya hayaan nyo na ako." Nagmatigas pa ito at tinabig ang kamay kong nakahawak sa braso nya.



"What about your Mom? Paano si Alex? Hindi mo ba sila iniisip? Paano kami? Paano kaming mga maiiwan mo!?" Halos yugyugin ko na ang isip at katawan nya para magising sya sa katotohanan na hindi biro 'tong pinapasok nya.


"I have to do this, PJ. Marami nang ginawa si Cloud para sakin. It's time for me to pay it back." Katuwiran ni Tammy. Desidido talaga sya sa kanyang gagawin. But I won't let that happened.

"Sigurado naman akong bukal sa puso iyong ginawa ni Cloud. Hindi naman nya sinasabi sa'yo na kailangan mong bayaran kung anuman ang mga nagawa nya. Listen, Tammy...."


"Wala na tayong ibang choice! Wala nang ibang pwedeng magbuwis ng buhay para sa kanya maliban sakin!" Umiiyak nitong sumbat. Para akong pinanghinaan nang makita ko ang luha sa kanyang mga mata. "Nauubusan na tayo ng oras, PJ.... Please, pabayaan nyo na ako."


Tumakbo ito palayo sa akin. Sinundan ko parin sya hanggang sa nakita ko sya sa labas ng ospital. Bawat taong makikita nya ay kinakausap nya at pinipilit itong mag-donate ng puso para sa taong mahal nya. Alam ko at alam nya sa kanyang sarili na nagmumukha na syang tanga sa kanyang ginagawa pero wala akong ibang magawa kundi ang pagmasdan sya at panuorin sya. Dahil ako, kahit sa sarili ko hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kung paano ko sya tutulungan at paano ko tutulungan si Cloud.


Kulang nalang ay mainis at ipagtulakan sya ng mga taong nilalapitan nya kaya agad ko itong nilapitan para hatakin sa gilid. Nagpupumiglas ito sa kapit ko subalit mas hinihigpitan ko pa ang paghawak ko para hindi sya makawala sa bisig ko. Naging sentro kami ng atraksyon ng bawat taong dumadaan sa harapan namin. Hinawakan ko sya hanggang sa maubusan sya ng lakas at hindi na sya makapagpumiglas.


Nakita ko ang dugong dumadaloy sa kanyang braso kung saan nya inalis ang kanyang swero kamakailan lang. Ilang sandali pa'y nawalan na muli ito ng malay. Bumagsak sya sa katawan ko kaya minadali ko syang ipasok sa ospital.


Agad syang ibayad ng nurses habang ako ay naghihintay sa labas ng silid kung nasaan sya. Habang naghihintay, naisip kong pumunta sa kwarto ni Cloud. Sa pagpasok ko, narinig kong nag-uusap ang mga magulang nito. Sobra nang pinanghihinaan ng loob ang bawat isa sa amin.


Ang atensyon namin ay nakatuon sa walang malay na si Cloud. Pababa nang pababa ang blood pressure nito at pahina nadin nang pahina ang pagtibok ng puso nya.


Two Steps BehindWhere stories live. Discover now