Chapter 29

293 8 0
                                    

Big Revelation


Cloud's POV



Malalakas na hiwayan at kanya-kanyang sigaw ang maririnig sa buong gymnasium. Today is our big day. Ito ang laban na pinakahihintay ng lahat. Napuno ang bawat upuan sa bleachers ng mga manunuod. Nahati ang mga ito sa dalawang panig. Ngayon ang araw ng muli naming pagtutuos laban sa del Primo Red Jaguars.

Kasalukuyan kaming nakikipaglaban para sa sinusungkit naming tropeyo. Lamang ang grupo namin ng sampung puntos at ngayon ay nasa last minute na ng 4th quarter ng game. Dahil dito, mas nangibabaw ang sigawan ng mga taga-suporta ng Chrisford Blue Eagles.

"GO KUYAAAA!!!"

"GO KUYA CLOUD!!"

"GO KUYA CAL-CAL!!"

Sa kabila ng halo-halong sigawan na halos hindi na namin maintindihan, narinig ko parin ang cheer ng kapatid ko na si Sapph at si Mia kapatid ni Calvin. Nasa unahang parte ng bleachers ang mga ito. Habang wala pa sakin ang bola, sinulyapan ko sina Sapph. Agad akong napangiti nang makita ko si Tammy sa tabi nya. Nakangiti din ito sakin.

I miss her smile...

"Cloud!" Narinig kong tinawag ako ni PJ. Sa paglingon ko, pinasa nito sakin ang bola mula sa loob ng three-point line. Mabuti nalang at naging alerto ako kaya mabilis ko itong nasalo. Sa mismong three-point line, tinalon ko iyon at inihagis ang bola sa ring.

Sandaling tumigil sa paghinga ang lahat habang hinihintay na pumasok ang bola sa ring. Kasabay ng pagbagsak ng paa ko sa sahig at pag-tunog ng buzzer ang pag-shoot ng bola. Halos mabingi ang lahat sa lakas ng sigawan nila.

"BLUE EAGLES! BLUE EAGLES!" Paulit-ulit na isinigaw ng mga tao nang malamang panalo na kami.

Unang lumapit sakin si Marco na kaibigan ko at team captain ng Red Jaguars. "Congrats." Bati nya.

"Salamat." Sabi ko naman.

Bumagsak ang mga blue confetti habang nagpapakasaya kami. Naging back to back champion kami sa taong ito. Masaya ang lahat. Lalo na ako na dalawang tropeyo ang nasa kamay. Isa sa para sa pagkapanalo ng team at ang isa naman ay para sakin na hinirang nila bilang Most Valuable Player.

Nagulat ako nang yakapin ako ng kapatid kong si Sapph na bumaba ng bleachers. "Congrats, Kuya. Sabi ko sayo mananalo ulit kayo, e." Sabi nito. Niyakap ko ito nang mahigpit. Nakita ko rin si Calvin na kasama si Mia. They were so proud of us, their kuyas. "We should celebrate. Saan mo gusto, kuya?"

"You decide." Sabi ko naman. "Si Ate Tammy mo?" Tinanong ko ito kasi napansin ko na wala si Tammy sa tabi ko para batiin ako at ang buong team. Kadalasan kasi sya ang nauunang bumati samin. Tinuro naman ito ni Sapph hanggang sa nakita ko sya sa bleachers na nakatayo habang nakatingin sakin. Inaya ko ito na lumapit sakin pero tumanggi sya. Nagtaka ako pero nawala ang pagtataka ko nang may mahigpit na yumakap sa bewang ko.

"Congrats, babe!"

Nandito si Nicole kaya iniiwasan nya ako.

"I'm so proud of you!" Maligayang sabi ni Nicole. Naramdaman ko pang hinalikan ako nito sa pisngi. "You're the best!" Sabi pa nya.

"Am I?" Nakangiti ko namang tanong.

"Of course, you are!" Siguradong sagot nito.

Inayos na namin ni Nicole ang lahat. Nagkasundo na kami sa mga bagay-bagay para maging maayos ang relasyon naming dalawa. Sana lang talaga wala nang mangyari para masira kami.

"CONGRATULATIONS, CHRISFORD BLUE EAGLES!!!" Anunsyo ng MC kasabay ng mas lumalakas na sigawan ng mga taga-chrisford university.

Kahit hindi ito ang home court namin, may hinandang video presentation ang admin ng Chrisford para sa pagkapanalo namin. Ang videong ito ay nag-flash sa malaking white screen gamit ang projector. Sinimulan naming panuorin ang ilang kuha namin mula sa ibat-ibang laro hanggang sa makarating kami ng finals. Despite of having too many competitors, we were still given the chance to stand out.

Two Steps BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon