Chapter 54

286 8 0
                                    

Give up

Tammy's POV

Nakaalis ang eroplanong sinasakyan namin ngunit hindi maalis-alis sakin ang maging balisa na tila hindi mapakali sa kinauupuan ko.

"Tammy, relax. Matulog ka nalang muna." Sambit sakin ng katabi kong si PJ. Nagprisinta itong sumama sakin para may mag-aalalay sakin.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni PJ at naisip na magpahinga. Wala pa akong sapat na tulog buhat nang nangyari kagabi. Masyadong mabilis ang pangyayari. Ang inakala kong malakas, nanghihina na pala sa sakit. Bago ko pa man maipikit ang mga mata ko, isang bagay ang naalala ko na sinabi nila sakin bago kami umalis ng Pilipinas.

"Balitaan mo kami. Bring him home safely to us."

Sa mahaba-habang biyahe namin, nagising nalang ako nang lumapag ang eroplano sa airport ng amerika. Agad kami bumaba at nagsimulang maghanap ni PJ. Sinend samin ni Calvin ang address ng ospital na ibinigay sa kanya ni Sapph. Mahigpit na ipinagbawal ng mga magulang nila ang pagbibigay ng impormasyon samin sa takot na mag-alala pa kami. Kaya laking gulat nalang ng mga ito nang pumasok kami sa private room kung saan naroroon sila habang binabantayan ang walang malay na si Cloud.

"Tammy? Anong ginagawa nyo dito?" Gulat kaming tinanong ni Tita Sowee. Bakas sa kanyang mukha ang pagbuhos ng matinding luha sa kanyang mga mata. Namumugto ang mga mata nito at bahagyang namumutla ang labi.

Tumayo si Sapph at lumapit sa kanyang ina. "Mom, I'm sorry. I told them that we're here."

"What? Sapph...." Pagsasabihan Sana ito ni Tita pero pumagitna sa kanila si Tito Patrick.

"Let them be, Sowee. Alam naman nating si Tammy ang kailangan ngayon ni Cloud." Ani Tito. Bumuntong hininga si Tita at tumango rin matapos nito.

Hinayaan nila akong lumapit kay Cloud. Marami na ang kung anu-anong aparato na nakasaksak sa katawan nito. Umaalingawngaw ang normal na tunog kanyang life line sa matahimik na silid kung nasaan kami. Hindi ko mapigilang mapaluha sa bawat paghakbang ko papalapit sa kanya. Seeing him in a condition like this makes me feel weaker and weaker.

"Ang mabuti pa maiwan na muna namin kayo." Suhestiyon ni Tito na sinang-ayunan din nila. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto, agad akong umupo sa upuan sa gilid ng kama nya.

Nanatili ako sa tabi nito hanggang sa lumipas nang lumipas ang bawat oras.  Hindi ko magawang makaramdam ng gutom at antok. Buong magdamag ay sa kanya lamang ako nakatingin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Nagbabakasakali akong gumising ito at gusto ko sa paggising nya, ako ang una nyang makikita.

"Tammy," pumasok si PJ sa loob at lumapit sakin. "Kumain ka na muna. Kanina pa walang laman yang tiyan mo." Aniya. Marahan akong umiling at tumanggi sa utos nya.

"Ayoko. Wala akong gana." Sabi ko.


"Pero Tammy, hindi naman pwedeng ganyan. Nangako ako sa mama mo na hindi kita pababayaan dito. Baka mamaya ikaw pa ang magkasakit nyan." Nag-aalala nitong sabi sakin. "At tsaka tingin mo matutuwa si Cloud kung nakikita man nya ang ginagawa mo ngayon?"

Napangiti ako sa kalungkutan. "Salamat sa alok mo, PJ. Pero sabihin mo sakin. Paano ko magagawang kumain kung nakikita ko si Cloud na nagkakaganito?"


Hindi nakaimik si PJ. Narinig ko din itong bumuntong hininga hanggang sa naramdaman ko ang pagkapit nya sa balikat ko.


"Fine. Pero kapag nagutom ka o may gusto kang kainin, sabihan mo lang ako." Sambit nya na tinanguan ko lamang. Maya-maya pa'y lumabas na ito ng kwarto at muli akong naiwan kasama si Cloud.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now