Chapter 33

321 9 0
                                    

Recollection pt.2


Cloud's POV



9:44 pm.

Inatasan na ang lahat na matulog at magpahinga mula sa mahabang biyahe. Pero dahil hindi pa ako nakakaramdam ng antok, naisipan kong lumabas nalang muna. Naglakad-lakad ako sa ilalim ng malalaking punung kahoy. Tanging lagaslas ng mga dahon ang aking maririnig. May ilang liwanag mula poste na sapat na para makita ko ang aking nilalakaran.

This is what I need. Fresh air and have my own time alone.

Sa paglasap ko ng sariwang hangin, nakarinig ako ng maingay na pagkaluskos ng mga dahon na nagkalat sa simento. Hindi ako lumingon kahit alam kong may tao sa likuran ko.

"Cloud..." Naalimpungatan ako sa pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

"Anong kailangan mo?" Malamig kong tanong na kasing lamig ng simoy ng hangin na lumalapat sa aking mga balat.

"Can we talk?" Malumanay nyang tanong. Mahirap para sakin ang kausapin sya. Mahirap kalimutan ang ginawa nya pero hinayaan ko ang sarili kong lingunin sya.

"Anong gusto mong pag-usapan?" Tanong ko sa pagharap ko sa kanya.

"I want you back, Cloud." Her tears began to fall as soon as she speaks. "Please, come back to me."

"Para saan pa, Nicole?" Walang emosyon ko itong tinanong. "You fooled me. Niloko mo ako. Pinaniwala mo akong mahal mo ako. Ano pang dahilan para bumalik ako sa'yo?"

"I have loved you, Cloud. Sa maniwala ka't sa hindi, minahal kita. At hanggang ngayon, mahal parin kita." Sambit naman nito.

Tumikhim ako bago muling tumingin sa kanya. "What about, PJ? Hindi mo ba sya minahal?" Patuloy kong tanong na hindi nya agad nagawang sagutin. Marahan akong napatawa. "I'm sure you did. Naging boyfriend mo din sya, diba?"

"He made me so happy, Cloud. Si PJ ang nandyan sa tabi ko nang mga panahong kasama mo si Tammy."

Naramdaman ko nanaman ang inis sa muling pagdamay nya sa isang taong nananahimik sa isyu namin.

"Bakit ako? Hindi ba kita napasaya? For once in your life, hindi ka ba lumigaya nang maging tayo? I did everything, Nicole. I did everything to make you happy kasi mahal kita. If you only knew how happy I am to see your smile whenever you're with me. But my efforts will always be not enough for you. Parating may kulang."

"Nagseselos ako. I was your girlfriend so it's normal for me to get jealous. Babae ako, Cloud at akin ka. Natural ipagdadamot kita sa iba. Kahit pa sa kaibigan mo." Katuwiran nito.

"Naunang dumating sa buhay ko si Tammy. Sana alam mo 'yon. I can't just avoid her like what you want me to do."

"Kahit na! Ako ang girlfriend mo, Cloud! Si Tammy, bestfriend mo lang! There will always be a difference between the two of us. Pero bakit pakiramdam ko sya lagi ang priority mo at hindi ako?" Hindi ako nagulat nang tumaas man ang boses nito. Alam kong dadating kami sa ganitong sitwasyon. At kahit anong gawin ko, alam kong mahihirapan kaming intindihin ang isa't isa.

"You were always been my priority. Hindi ko alam kung bakit hindi mo nakikita 'yon." Gayunpaman, kung ano ang ginawa ko at alam kong tama, iyon ang sinasabi ko.

"You gave her most of your attention. At ako? I've got the least. That's why I search for someone who can give much attention that I need." Aniya.

"That's why you ended up with him? Ganun ba?" Inis kong tanong dito pero hindi ito nagsalita. "Bullsh*t! Was that even an excuse para gaguhin mo 'ko!?" Sa huli, hindi ko narin napigilan ang galit ko. I know it's been how many days since nung tapusin ko ang relasyon namin pero hanggang ngayon parang hindi ko parin ito malimutan. Sariwa pa ang sugat sakin ng nakaraan.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now