Chapter 40

347 8 1
                                    

I'm Yours

Tammy's POV

"Dalaga na ang anak ko.~~"

Walang humpay sa pagkanta ang mama ko pamula nung araw na sinabi ni Cloud na nililigawan nya ako. Sobrang saya ni Mama na halos umabot na sa punto na araw-araw na nya akong tinutukso at inaasar. More like, mas masaya pa sya kaysa sakin. Lalo pa kapag pumupunta si Cloud dito tuwing umaga para sunduin ako at ihatid ako sa school. Walang tigil si Mama sa mapanukso nyang mga tingin saming dalawa. Hindi ko naman sya masisisi dahil aware sya sa feelings ko kay Cloud noon pa. Sa bawat araw na nandito sa bahay si Cloud, parang ayaw na itong paalisin ni Mama. Parang sobrang saya nya 'pag nandito ito kaya nga minsan tine-text nya pa ito para lang bumisita sa bahay.

"First love never dies~~ Nanananana~~" at hindi parin ito maawat.

"MA!!" Sigaw ko dito. Nabibingi na kasi ako sa kanya.

"Bakit??" React naman nito. "Masaya lang ako para sa'yo anak. Pinatunayan mo lang sa lahat na kaya mong makabihag ng isang napakagwapong sirena." Saad pa nito.

"Ma naman! Ano bang tingin mo sakin? Dugong sa dagat? Haist!" Inis at kanina pa ako nag-aalma sa kanya pero hindi nya ako pinapansin basta masaya sya.

"Nasaan si Cloud? Papuntahin mo sya dito."

"Ma, hindi pwede! Sabado ngayon. Hayaan mo na muna sya dun sa kanila. Hindi naman pwedeng araw-araw syang nandito." Katuwiran ko para lang matigilan ito.

"At bakit hindi?" Tanong nito habang nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang tigkabilang bewang.

"Basta hindi pwede." Nagmatigas parin ako at hindi pumayag sa gustong mangyari ni Mama.

Okay lang namang pumunta si Cloud dito pero nakakapagod ding kiligin minsan. Yung tipong simpleng ngiti nya lang sa'yo, bibilis na ang tibok ng puso mo? Daig ko pa ang nag-jogging. At pakiramdam ko, ang dami-dami kong dugo sa tuwing lumalabas ang mala-rosas na kulay pula sa buong mukha ko. Para din akong nilalamig sa biglaang pagtayo ng mga balahibo ko. Minsan hindi pa ako mapakali at parang natatae ako lagi. Ganun ang epekto sakin ng isang Jean Cloud Villanueva - Romero. Kaya mas maganda kung wala munang Cloud sa araw na 'to.

"Ate kong pangit!" Hindi pa nakuntento ang tadhana at lumabas pa ang kapatid kong ubod nang mapagmahal sakin. Tinaasan ko lang ito ng kilay dahil hindi ako makaimik sa dami ng laman ng bibig ko. "Nag-text sakin yung maingay na kapatid ni Kuya Cloud. Hindi ka daw sumasagot sa mga tawag nya at pinapasabi nya na nandyan daw sya sa labas ng bahay."

"Ha???"

Nagmadali akong umakyat papunta sa kwarto nang sabihin iyon ni Alex. Kinuha ko ang phone kong naka-charge sa sulok at nagulat ako sa dami ng miscalls at text messages ni Sapph. Sa sobrang taranta ko, dinial ko na ang number nya para matawagan sya mismo.

[Hello, Ate Tammy? Nasaan ka?] Bungad ni Sapph nang sagutin nya ang tawag ko.

"Nasa bahay ako, Sapph. Bakit? May problema ba?"

[Wala naman. Pinapasundo ka lang sakin ni Kuya. May instant game daw kasi sila laban sa Red Jaguars. He wants you to be there, so I volunteered myself to fetch you up.] Aniya. Namilog ang mga mata ko at napatingin ako sa kalendaryo. Patapos na ang sem at kakatapos lang game nila tapos may laro ulit ngayon? [Hurry up! The game will start soon.]

"Ah oo, sige!"

Agad kong binaba ang phone ko. Tumakbo ako sa banyo at dali-daling naligo. Ligong uwak yata yung nangyari sakin kaya sobrang bilis kong natapos. Sa damit na sinuot ko naman, kung ano nalang ang mahila ko sa drawer ko. Simpleng pants, white v-neck shirt at yung white shoes kong adiddas. Hindi ko na din nagawang balikan ang natitira kong pagkain sa sobrang pagmamadali ko. Ultimo pagpupulbo ko halos hindi na pumantay ang kulay sa mukha ko. May makapal habang ang ibang parte ay sobrang nipis naman. Hindi na din alintana sakin ang tumutulong tubig galing sa basa kong buhok.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now