Chapter 38

311 8 0
                                    

Author's Note: Another portrayer revealed. Look above or at the side to see Sean Calvin Reyes.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Settled things


Cloud's POV



"Good morning po, Tita."

"O, Cloud. Long time no see. Kumusta ka na? Bakit ang tagal mong hindi nagpakita?" Agad na tanong sakin ni Tita pagkabukas nito ng pinto. Ngayon lang kasi ako nagpunta dito kaya malamang nagulat sya sa bigla kong pagpapakita.

"Sorry po, Tita. Medyo busy po kasi, e." Sagot ko. Nagsinungaling nalang ako kahit ang totoo, nagka-problema kami noon ni Tammy.

"Halika, pasok ka." Inaya ako nito. Tumango ako at sumunod sa kanya papasok sa loob.

Instead of staying in the living room, mas pinili kong dumiretso sa kusina dahil may naaamoy akong masarap. "Woah! I miss your pancakes, Tita. Ngayon lang ulit ako makakakain nito." Kumikinang ang mga mata ko nang makita ko ang paborito kong pancakes sa mesa na gawa ni Tita.

"Madalas akong gumagawa nyan. Favorite yan ni Alex, e." Kwento ni Tita sakin. Walang pasabi kong kinuha ang maliit na plato at tinidor sa cabinet nila. Kumuha ako ng dalawang pancake at inilagay sa plato ko. Natatawa nalang si Tita habang tinitingnan ako.

"Tita, tingin ko na-miss mo ang pancake monster na katulad ko. Matagal ko ding hindi nasundo si Tammy kaya siguradong wala kang taga-ubos nang mga panahong wala ako." Sambit ko pero umiling si Tita.

"Actually, meron. Madalas ding pumunta ang isa pang kaibigan ni Tammy dito para sunduin sya. Napagkamalan ko ngang boyfriend ni Tammy, e. Gwapo kasi. Tsaka akala ko sya parin ang susundo sa anak ko ngayon." Kwento ni Tita habang kumakain ako. Napahinto ako sa pagkain nang mabanggit nya ang tungkol sa bagay na iyon.

"Sino pong kaibigan?" Out of curiosity, tinanong ko ito.

"Si PJ. Yung gwapong lalaking kulay puti ang buhok. Madalas nyang ihatid-sundo si Tammy noon. Kilala mo ba sya?"

"Kilalang-kilala ko po." Sagot ko. Kahit naiinis na, pinilit ko paring ngumiti. Hindi ko napansin na masyado na palang mahigpit ang kapit ko sa tinidor kaya bahagya itong nabali.

Bwisit ka, PJ! Sumasalisi ka pa? Nag-take advantage ka talaga nang mga panahong wala ako, ha? Sorry but Tammy is mine.

Hanggang sa pagmo-monologo ko, napapangisi na din ako. Hanggang sa nakarinig kami ng yapak mula sa hagdan at pumasok si Tammy sa kusina.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Natatawa parin ako dahil sa pangangatal nya kapag kausap nya ako. It's really cute.

"Tita," tinawag ko ang mama nya na abala sa pag-aayos ng mga platong gagamitin ni Alex at Tammy. "Gusto ko lang pong sabihin na....." Bago ako magpatuloy ng pagsasalita, lumingon muna ako kay Tammy na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin sakin. "....nililigawan ko na po si Tammy----"

Hindi pa tapos ang sasabihin ko pero mabilis na tinakpan ni Tammy ang bibig ko gamit ang kamay nya.

"Ma, kailangan na naming umalis! Mala-late na ako! Bye, Ma!" Paalam nito habang walang pakundangan akong kinakaladkad palabas ng bahay nila. "Ano ba!? Bakit mo sinabi kay Mama?!" Inis nitong tanong habang hinahabol ang kanyang hininga.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now