Chapter 48

276 13 4
                                    

The Hardest Decision

Tammy's POV

Masakit. Sobrang sakit. Ngunit lahat ng sakit na iyon ay akin na lamang iniyak. Iniyak hanggang sa maubos ang tubig sa aking mga mata. Hindi ako natulog. Hindi din ako pumasok sa trabaho ngayon. Tanging pagkukulong lamang sa kwarto ang alam kong gawin ngayon. Staying still while looking at the view outside the window.

"Tammy?" Biglang nagising ang natutulog kong diwa nang kumatok si papa sa pinto ng kwarto ko at tawagin ako. "Anak?" Inulit pa nito nang hindi ako sumagot sa unang beses ng tawag nya.

"Ma?" Sambit ko sa malabong tono ng pananalita dulot ng baradong ilong ko dahil sa walang tigil na pag-iyak. Pinahid ko ang lahat ng luhang banayad na tumutulo sa aking mata sa takot na baka mahalata ako ni mama. "Bakit po?"

"Hindi ka ba papasok? May sakit ka ba? Okay ka lang ba?" Sunud-sunod nitong tanong. Hindi man nya sabihin, alam kong nag-aalala na din sya sakin.

"Masama po ang pakiramdam ko." Tanging sagot ko habang pinipigil ang paglabas ng malakas na hikbi sa aking bibig.

"Gusto mo bang dalhan kita ng pagkain dyan?"

"Hindi na, Ma. Wala pa akong gana." Sagot ko naman sa tanong nya.

Mas lalo akong nagiging emosyonal ngayon na nag-aalala sakin si Mama. Pakiramdam ko nakakaawa ako. Makalipas ang ilang segundo, narinig kong bumaba na ng hagdan si Mama. Huminga ako nang malalim at pinatok-patok ang dibdib ko dahil sa paninikip nito. Kahit anong pigil ko sa pag-iyak, pilit paring lumalabas ang mga luhang iyon sa aking mata. Wala akong ibang magawa ngayon kundi ang umiyak.

Hanggang sa narinig ko ang malakas na pagtunog ng telepono ko sa aking tabi. Kinuha ko iyon na para bang ayokong sagutin. Lalo pa't pangalan at litrato ni Cloud ang aking nakikita. Sinagot ko parin iyon at dahan-dahang inilapit sa aking tenga.

[Tammy?] Pambungad nito. Lalo akong naiyak nang marinig ko ang kanyang boses. Hindi ko magawang magsalita habang iniisip ang mga pangyayari. [Tammy, nandyan ka ba?]

Huminto ako sa pag-iyak at huminga nang malalim. "Cloud..." Sagot ko.

[Nasa school ka ba ngayon?] Tanong nito. Patukoy sa eskwelahan kung saan ako nagta-trabaho bilang guro.

"Hindi ako pumasok. Bakit?" Naging matatag ako sa bawat pagsagot at hindi hinayaang bumuhos ang aking emosyon.

[Ha? Bakit? May problema ba?] Kalmadong tanong nito sa kabilang linya.

"Hindi ko din alam." Matapat kong sinagot ang kanyang tanong kahit na alam kong hindi nya ito maiintindihan.

[Your voice seems so husky. Okay ka lang ba?]

"Yes." Labag sa kalooban kong sagot kahit na kabaliktaran ang kasagutan nito. Lumipas ang ilang segundo at wala na akong ibang salitang narinig mula sa kanya. Dito ko na nilakasan ang loob ko. "Cloud?"

[Tammy, may sasabihin sana ako sa'yo.] Bigla nitong sabi kaya bigla akong kinabahan nang sobra. Alam kong ito na 'yon. Dito na nya tatapusin ang lahat pero hindi ko hahayaang mangyari 'yon.

"Cloud, pwede mo ba akong puntahan sa bahay ngayon? May sasabihin din ako." Sambit ko habang marahang pumapatak ang luhang kanina pa nagbabadya sa aking mata.

[Okay. Pupunta na ako.] Aniya at agad na binaba ang telepono. Inalis ko narin ang telepono sa aking tenga at buong lakas na tumayo mula sa pagkakaupo ko sa aking kama.

Ito na siguro ng tamang panahon.... Sambit ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin. Sandali akong pumunta sa banyo para maligo at matapos iyon ay inayos ko ang aking sarili. Hindi ako naglalagay ng kolorete sa mukha pero kailangan ko ito ngayon para takpan ang kahit na anong bakas ng sakit, pagod at puyat na naranasan ko.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now