Chapter 10

310 9 0
                                    

Pag-iwas

Cloud's POV

Nitong umaga, napagdesisyunan kong sunduin sina Tammy at Nicole para isabay na sila papunta ng school. Since parehas lang naman sila ng schedule ng simula ng klase ngayong araw. However, I failed to do what I wanted dahil sarado na yung bahay na tinutuluyan nila. Mukhang nauna nang umalis ang mga ito. Well, wala naman na akong magagawa kaya pumunta na din ako ng school. Pagkarating ko ng campus, sakto namang nakita ko silang dalawa sa di kalayuang lugar mula sakin. Nagmadali akong i-park ang sasakyan ko sa may harapan ng building namin para lumapit sa kanila.

Nakita ko ang pagtama ng tingin sakin ni Nicole. Marahil nakita nya ako pero ang pinagtataka ko lang ay ang pamimilog ng mga mata nya at ang madalian nyang pag-alis.


Anong meron?

"Huy, sandali! Saan ka pupunta?" Narinig kong sigaw ni Tammy sa kanya nang iwan sya nito sa kinatatayuan nya. "Haist!" Nasa likuran na nya ako ngayon. Nang mapalingon sya, nagulat sya nang makita nya ako.

"Cloud, anong ginagawa mo dito?" Tanong nito.


Ano nga bang ginagawa ko dito? Wala naman diba? Gusto ko lang naman silang lapitan para makipag-usap sana habang wala pa kaming klase. Ganun naman madalas ang ginagawa ko diba?


"Bakit parang nagugulat ka?" Natatawa kong tanong dito.

"Ah, wala naman." Bigla nyang kinalma ang sarili nya. Seriously, parati nalang ba syang magiging ganyan kapag makikita nya ako. "Sige, I have to go na. Ikaw rin, you should go to your class." Aniya bago tumalikod sakin. Akmang aalis na ito nang hilahin ko pabalik ang buhok nyang nakalugay. "Aray! Why ba?"


"Sandali nga. Ang dami kong napapansin sa'yo, ha?" Sambit ko. Nilingon ako nito habang nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay.


"Like what, Mr. Romero?"


"First, the way you speak right now. Hindi ko alam kung nahawa ka ba ni Nicole dahil sya na ang nakakasama mo ngayon o ginagaya mo lang sya. Pangalawa, ayan! Nakababa na ang buhok mo ngayon. Madalas naman nakatali yan, diba? Anong nangyari? At ang panghuli, napapansin ko iniiwasan nyo akong dalawa ni Nicole, lalo ka na." Sinabi ko sa kanya ang mga di pangkaraniwang bagay na ginagawa nya ngayon.

"What? Me? Iniiwasan ka? Bakit ko naman gagawin yun?" Tinanong naman nya ako.


"Bakit nga ba? Dahil tinawag mo akong 'babe' kagabi?" Nakangisi ako sa kanya ngayon. Ako naman 'tong humalukipkip. "Si Shen Tamary Fuentebella, na bestfriend ko, tinawag akong babe. May gusto ka ba sakin?" Tanong ko dito na agad na ikinalaki ng mata nya.


Inalis naman nito ang pagkagulat nya sa tinanong ko at mabilis na umaliwalas ang kanyang mukha. "Duh! Ganun lang ako ka-seryoso sa panggagaya ko kay Nicole. Can't you see? I'm good at imitating people. Don't be so mayabang. Tsk!" Katuwiran naman nito na hindi ko masyadong pinaniwalaan. After that, umalis na sya sa harapan ko at naglakad pabalik ng building nila.

Hahabulin ko pa sana sya pero may epal namang umakbay sakin. "Hi captain!" Bati nito.

"Jiro? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Tsss, si Jiro lang pala.


"Nakita kita dito kaya nilapitan kita. Teka, si Tammy ba yung kausap mo kanina?" Biglang bago ng topic nito.


"Oo, bakit?"

"Bakit parang....parang ang ganda nya ngayon. Mas lalo syang gumanda ngayon. Muntik ko na nga syang hindi makilala e." Sabi nya.

Napabalik ang atensyon ko kay Tammy na ngayon ay naglalakad parin ngayon palayo sakin. Medyo malayo na ito pero tama si Jiro. Maganda nga sya ngayon. Sa buhok nyang malayang nakababa at sa light na lipstick na suot nya? Magtataka rin talaga kahit sino.


Two Steps BehindWhere stories live. Discover now