Chapter 6

351 6 1
                                    

Ang girlfriend ko at ang Bestfriend ko



Cloud's POV




"Cloud." Narinig kong tinawag ako ni Dad.

"Yes, Dad?" Tanong ko naman. Mahigit kwarenta anyos ang tatay ko pero kailanman, hindi kumupas ang kagwapuhan nya kagaya ng dati. Dyan ata ako nagmana, e. Well, my mom was beautiful, too.

Ang dad ko ang pinakasikat na teenage star noong kabataan nya. Walang hindi nakakakilala sa kanya no'n. I remember when I accidentally saw his photo in my mom's things. Kaya naman no'ng una ko palang syang nakita, naghinala na ako na sya ang tatay ko. And I was right. He really is. Laking tuwa ko naman no'ng nalaman kong sya talaga ang tatay ko. I also remember the times na halos mawalan na ako ng pag-asang mabuo ang pamilya namin. I almost hate my dad that time when he made my mother cry. However I felt their love for each other kaya hindi ako sumuko. And now, narito kami. Masayang magka-kasama. Si Dad, si Mom, ako at ang baby sister kong si Sapphire Jean.

"Where's Tammy?" Tanong nya. Nagtaka ako kasi umaga palang ngayon pero yung bestfriend ko na ang hinahanap nya. Well, he used to see her around the house. Madalas kasi si Tammy dito. "Hindi mo ba sya kasabay?"

"Dadaanan ko pa sya sa bahay nila, Dad. Bakit? May kailangan ka ba sa kanya?"

"Wala naman. Nasanay lang ako na nakikita ko kayong magkasama. You, two, looked good together." Aniya. Umiral nanaman ang pagiging no.1 supporter nya ng love team namin.

"Dad, bestfriend ko si Tammy. Si Nicole ang girlfriend ko. And besides, sigurado namang hindi ako gusto ni Tamary. Yun pa?" Sagot ko naman. State the obvious kung baga.

"Paano mo naman nasabi? At tsaka ikaw ba? Kailanman, hindi mo ba nakita ang ganda ni Tammy?" Tanong nito. Parati nalang syang ganyan. Inuudyok kaming dalawa sa isa't isa. Tinatawanan ko nalang ito minsan.

"Well, she's cute. But I don't like her." Sambit ko. Nag-pout si Daddy na animo'y nalungkot sa sinabi ko.

Ganito kami. Sabay kaming tumigil ni Dad sa pag-aartista. It was 13 years ago simula nang tumigil ako. At the age of 7, nag-focus nalang ako sa pag-aaral ko. Hindi naman kami nagsisi sa naging desisyon namin. We have the peaceful life that we want. Though minsan, may ilan paring lumalapit at nanggugulo samin.

"Kuya, can you please sign these?" Kagaya nito. Lumapit sakin ang kapatid ko at isinambulat sa pagmumukha ko ang mga pictures ko na fully developed. Nagsimula sya sa pagkain ng tinapay na para bang hindi sya nakikisuyo imbis ay nag-uutos.

"Sapph, binebenta mo parin ba 'tong mga autographed photos ko?"

"Sayang pera, Kuya." Katuwiran nito.

"Kailan ka pa nagkulang sa pera? At talagang wala akong porsyento, ha?" I asked sarcastically. Sinimulan kong permahan ang mga litratong iyon. Ilan lang ang mga litratong 'yon sa mga palihim na kuha sakin ni Sapph. Nagulat nalang ako nang makita ko ang isang di inaasahang kuha ko sa litrato. "Wow, pati pagtulog hindi pinalampas ha?"

"Well, nagkakahalaga lang naman yan ng limang daang piso." Sabi nya. Sabay na nanlaki ang mga mata namin ni Dad nang mapatingin kami sa kanya. Patuloy lang ito sa pagkain.

"Seriously, sinong bibili nito? Sobrang mahal." Angal ko.

"Kung hindi ko alam baka yan pa ang pag-agawan nila. You're not cheap Kuya, even your photos are not." Sambit ng kapatid ko na ikinatuwa ko naman. I didn't know na ganun sya ka-proud sakin.

"Mana ata sakin ang Kuya mo." Kung proud si Sapph, mas naging proud si Dad.

"At sino namang may sabi?" Biglang pasok ni Mom sa dining room bitbit ang niluto nya para sa umagahan namin. "Sakin kaya nagmana si Cloud."

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now