Chapter 53

317 8 2
                                    

Follow


Tammy's POV



Nakatulala, walang imik at walang kibo. Nasa labas parin kami ngayon ng emergency room kung nasaan si Cloud. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Calvin. Cloud is sick and how come I didn't know about it? Bakit hindi ko nakita sa mukha nya? Was he pretending to be strong all this time?

"Tammy, I think you should go. Baka hinahanap ka na sa inyo." Sambit ni Calvin na ilang beses na akong inaaya pauwi pero patuloy din ako sa pagtanggi. Mahigit tatlong oras na din ako sa ospital kasama sya ngunit sadyang wala sa isip ko ngayon ang umuwi.

"Hindi ako uuwi." Pagmamatigas ko.

"CALVIN!" Isang pamilyar na boses naman ang pumukaw sa atensyon namin. Nagmamadali itong lumapit sa amin kasama pa ang iba naming kaibigan na naiwan sa party. "Where's Cloud?" Agad nitong tanong kay Calvin.

"Nasa loob parin sya, Nicole. Wala parin kaming balita hanggang ngayon." Sagot naman ni Calvin.

Tila naging balisa at napahawak sa kanyang noo si Nicole nang marinig ang sinabi nito. Umikot ang tingin nito hanggang sa ako'y kanyang makita. Medyo nagulat sya pero sa kalaunan ay naging kalmado narin ang tingin nya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Malumanay nitong tanong sakin.

"Alam mo ba?" Kahit hindi ko pa nasasagot ang kanyang katanungan, nagawa kong ibato sa kanya ang tanong na gusto kong sabihin. Napansin ko kasi na parang may Alam sya sa nangyayari. Ni hindi man Lang nito tinanong kung anong nangyari kay Cloud.

"I already told Tammy everything. Wala na tayong dapat pang itago sa kanya." Ani Calvin kaya napatingin ang mga kaibigan nya.

"Ano bang nangyayari dito? Anong nangyari kay Cloud? At tsaka ano 'yong tinatago nyong dalawa ni Nicole?" Inis na tanong ni Kean bilang walang alam din sa nangyayari.

"Sasabihin ko sa inyo mamaya. Now is not the right time." Kalmado itong sinagot ni Calvin.

"When is the right time, then?" Ngunit binara ni Ron ang naging sagot nya.

"Tell us now, Cal." Utos pa ni Tyler kaya wala nang ibang nagawa si Calvin kundi ang bumuntong hininga at sumandal sa pader na nasa likod nya.

"Cloud was diagnosed with heart failure. Ito yung totoong rason kung bakit sya umalis sa team." Panimula ni Cloud. Namilog ang mga mata nila nang marinig ito. Maging sila ay nagulat at hindi din agad naniwala sa sinabi ni Cal. Natahimik ang lahat habang napapaisip. Thinking about the times when they experienced arguments and hard times with Cloud. Hindi man nila sabihin pero nababasa ko ito sa kanilang itsura at pag-iisip. Sino ba naman ang hindi makokonsensya at magsisisi? Nagalit sila sa taong buong akala nila ay nagbago at tinalikuran sila. "Bukod pa do'n, ito din ang dahilan..... kung bakit nya hiniwalayan si Tammy."

Walang isang segundo nang mapatingin kami sa kanya, lalo na ako. Nalaman ko lang na may sakit sya pero hindi ko lubos aakalain na ito ang dahilan ng paghihiwalay namin. Napatingin ako kay Nicole na ngayon ay umiiyak at hindi magawang tumingin sakin nang diretso.

Narinig ko nalang ang marahas na pagtama ng kamao ni Kean sa pader. "T*angina!" Napapamurang sigaw nito. "Bakit hindi agad nya sinabi satin?!" Tanging galit at pagsisisi ang nararamdaman nito ngayon.

Sa pagkatulala ko, naramdaman ko ang paghawak ni Nicole sa kamay ko.

"Tammy, let's talk." Aya nya. Hindi ako makasagot at hindi ko maigalaw ang katawan ko.  Bago pa man ako makaangal, hinatak ako ni Nicole palabas ng ospital.

Parang wala ako sa sarili kung maglakad na pati direksyon kung saan ako pupunta ay hindi ko alam. Mula sa emergency room, tumigil kami sa harap ng mismong building ng ospital. Nakatulala parin ako, knowing na iyong sakit pala ni Cloud ang dahilan kung bakit sya nakipag-break sakin.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now