Chapter 13

293 10 1
                                    

Boyfriend

Tammy's POV



Pagkatapos ng nangyari nang araw na 'yon, nag-isip ako. Mukhang mali itong ginagawa namin ni Nicole. Dahil sa pag-iwas namin kay Cloud, pati relasyon nila naapektuhan na. Kaya naman napagdesisyunan kong itigil na ang paglayo sa kanya. Labag man sa pinag-usapan namin ni Nicole, pero ito ang tingin kong kailangan kong gawin. I just can't forget the look on his eyes while he's asking me if I don't like him anymore. Syempre kung ako mismo, si Tammy, ang tatanungin nya, of course I'll say no. Matagal ko na syang gusto. I'm sure ganun din si Nicole.

Hindi ko alam na ganun na pala ang pinagdadaanan ng kaibigan ko sa relasyon nila. Kaya pala ako ang madalas nyang kasama. Sabi nga nila the best gift you can give to anyone is time. Ngunit sa sobrang busy ni Nicole, mukhang nakakalimutan na yata nyang may boyfriend sya. Nasaksihan ko iyon nitong mga nakaraang buwan. Monthsaries and even their last anniversary, hindi nila gaanong nace-celebrate. Ilang beses nang nag-effort na maghanda si Cloud para sa date nila ni Nicole. Minsan nga ako pa ang nag-aabalang ayusin ang lahat. Well, I think that's what really friends are for. But Nicole kept on refusing to come. Kaya sa huli, sa akin nanaman sya magpapasama. Gigimik o kakain sa labas.

I can feel the sadness when Cloud was asking me. Hindi ko maiwasang maiyak dahil alam kong nasasaktan sya. Ayokong nasasaktan ang kaibigan ko kaya mula ngayon, hindi na ako lalayo sa kanya. Since ako ang nasa katawan ni Nicole, ibibigay ko sa kanya ang oras na hinihingi nya. Hindi man ako ang girlfriend nya, pero gagawan ko na ng paraan. Bahala na si Batman, si Superman o kahit ang kamukha kong si Wonderwoman. I need to save their relationship. Sa ngayon wala nang mas mahalaga pa sakin kundi ang kaligayahan ni Cloud at ang relasyon nila ni Nicole.

Pansamantala lang 'to, Tammy... Gumawa ka ng paraan para maayos silang dalawa...

At para simulan ang dapat kong gawin, nagmadali akong lumabas ng classroom namin nang i-dismiss na ng professor ang klase. Tumakbo ako papunta sa Engineering building at nag-abang sa lobby nila. Nakasandal ako at sinamantala ang pagkakataon. Hindi ko pinalampas ang free WiFi sa department na 'to.

Sa limang minuto ng pagtayo, napansin ko ang ilan sa mga kaklase nya na bumababa ng hagdan. Tapos na ata ang klase nila. Una kong nakita ang bwisit na si Jiro bago ang isa sa mga kaibigan nya na si Calvin Reyes. Sa likod nila, do'n ko na nakita ang taong hinihintay ko. Ako na mismo ang lumapit sa kanila. Agad akong napansin ng mga kasama nya pero sya nakatungo lang habang naglalakad.

"Nicole!" Tinawag ako ni Calvin. Kung hindi pa ako tinawag nito, hindi pa iaangat ni Cloud ang tingin nya sakin.

"Kumusta?" Tanong ko kay Calvin.

"Haven't seen you in a while. Ayos lang ako. Ikaw ba?" He asked me back.

"Ayos lang din." Nakangiti ko namang sagot. Mula sa kanya, napunta ang atensyon ko kay Cloud na ngayon ay nakatingin lang din sakin. "Hi, b-babe." Kahit na naiilang parin ako na tawagin syang ganun, kailangan kong tiisin at sundin ang endearment nila. Sa mukha nya parang gulat parin sya na nasa harapan nya ako ngayon.

"Uhm, Nicole, we'll go ahead. Tara Jiro." Inaya na ni Calvin si Jiro paalis. Pumayag naman si Jiro at naglakad na sila palabas ng building. Sandali ko silang sinundan ng tingin at matapos iyon ay binalik ko na ang atensyon ko kay Cloud.

"So ano? Lunch?" This time, ako naman ang nag-aya sa kanya. Hindi ako sanay sa mga eksena ng mga mag-syota pero nabigla ako nang ngumiti ito at umakbay sakin.

"Wala ka bang ibang gagawin?" Tanong nito sakin. Tumingin ako sa kanya bago umiling. "Nice, so diretso na tayo sa cafeteria?"

"Nope. Nauumay na kasi ako sa mga luto do'n kaya....sa labas nalang ng campus. Maraming karinderya do'n." Masigla kong sabi sa kanya. Bigla nalang kasi akong nag-crave sa mga luto sa labas ng campus. At tsaka isa pa, hindi kami pwedeng makita ni Nicole na magkasama. So I rather choose to eat outside para less ang problema.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now