Chapter 21

280 8 1
                                    

Betrayed

Tammy's POV

"TAMMY!!!!"

Nasa kalagitnaan ako ng mahimbing kong tulog nang bigla kong marinig ang malakas na sigaw ni Nicole. Bumangon ako at tumayo para buksan ang pinto ng kwarto kong kanina pa ginagarambal nito. Isang pihit ko pa lang ay mabilis na nya itong tinulak. Mabuti nalang at agad akong nakaatras, kundi baka tinamaan na ako nung pinto.

"Tammy!!!"

Tila sobrang saya nito nang bigla nya akong salubungin ng mainit nyang yakap. Nagulat naman ako kasi nung huli kaming mag-usap, may alitan kami. Anong nangyari?

"Tammy, we're back on our own bodies! Thank God!" Aniya na mas lalo kong ikinagulat.

Agad kong inihiwalay ang katawan ko sa kanya para obserbahan ang sarili ko. Dali-dali akong naghanap ng salamin para tingnan ang itsura ko. She's right, we're back to normal. I can see my own face in my reflection in the mirror. Bawat parte ng katawan ko ay tiningnan ko. I'm really back.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-ngiti.

"How did this happen? Nakahanap ka na ba ng ibang solusyon, Tammy?"

Ngunit ang panandalian lang pala ang ngiting iyon at agad ding napawi nang ibato nya sakin ang katanungang iyon. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay naghihintay na ng kasagutan.

"A-ah.... O-Oo, n-nakahanap ako." Nangangatal kong sabi.

"Good thing! Anyway, thank you so much. I can finally go back to my house."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo. Gusto kong aminin sa kanya ang pagkakamali ko. Pero wala akong tapang para gawin iyon. Nauunahan ako ng takot and I don't know when will this end. Sobra-sobra akong nagsisisi sa ginawa ko. Kung pwede ko lang bawiin ang mga nangyari, gagawin ko pero hindi na pwede. I was too late, and I was wrong. I was wrong the whole time.

"Oh ghad! I missed this!" Walang humpay ang kasiyahan nya ngayon na bumalik na kami sa dati. I have my life back and she had hers.

After a couple of hours, napagdesisyunan na naming umalis na ng townhouse ni Tito Patrick. We've live too long there at tingin ko hindi na ako makakatagal do'n. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa bestfriend ko at sa girlfriend nya. Hindi na rin kami nakapagpaalam kina Cloud dahil narin siguro sa kahihiyang bumabalot sa pagkatao ko ngayon. Nasolusyunan man ang problema namin, pakiramdam ko lalo lang gumulo ang lahat.

Sa ngayon, kasalukuyan akong naglalakad papasok ng village namin. Ngunit hindi mawala-wala sa isip ko ang panibagong problema sa buhay ko. Paano nalang kapag nalaman ni Nicole ang tungkol sa nangyari? Paano kapag nalaman ni Cloud na hindi pala si Nicole ang kasama nya nang gabing 'yon kundi ako?

Everything was a mess. A mess that I don't even know how to fix.

"Tammy?" Isang pamilyar na boses ang narinig kong tumawag sakin. Ilang araw din akong nangulila sa boses na iyon. I know it's my mother. "Tammy, ikaw ba yan?" Nang i-angat ko ang tingin ko, tama ako, si mama nga.

"Ma!" Ang ilang hakbang na distansya namin mula sa isa't isa ay tinakbo ko para muli kong maramdaman ang yakap nya. Nagulat si mama sa ginawa ko. Wala akong pakialam sa kung anumang reaksyon nya. Na-miss ko sya nang sobra.

"Anak, anong problema?" Wala sa oras itong napatanong nang muli nanamang bumuhos ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko. "Bakit ka umiiyak?"

Hindi ko magawang humiwalay dahil alam kong ito ang kailangan ko ngayon. Ang yakap ng aking ina. But I know I need more than this. Gusto kong sabihin sa kanya ang problema ko pero hindi ko magawa. Natatakot ako na baka pati sya madamay sa problema ko. Mas minabuti kong akin nalang muna ito.

Two Steps BehindTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang