Chapter 1

842 19 3
                                    

Hidden Feelings

Nagpaikot-ikot at nagpabalik-pabalik ako sa paglalakad sa harapan ng bahay nila. Mahigit kalahating oras na akong naghihintay ngunit ni anino nya ay hindi pa nagpapakita. Muli kong tiningnan ang oras sa wrist watch ko at hindi na ako nag-atubiling pumasok sa loob ng bahay nila.

Nakakamangha talaga ang pamilya nila. Ang bahay nila puno ng portraits. Naaalala ko tuloy yung love story ng parents nya. Isang celebrity ang daddy nya. Pero sa isang iglap, tinalikuran ng daddy nya ang pag-aartista para sa kanilang dalawa ng mommy nya. Ganun nya ito kamahal. I really admire them.

"Tammy!" Gulat na reaksyon ni Tita, ang mama nya, nang pumasok ako. Dahil kilala na ako dito, hindi na ako kumakatok bago pumasok. Ganun ako kabait.

"Tita, si Cloud po?" Tanong ko habang balisa na sa nagba-badyang oras ng pasok namin.

"Nasa taas pa siguro. Baka natutulog pa yun. Gusto mo ba gisingin ko na?" Tanong ni Tita.

"Ako na po." Nagbolubtaryo ako since nakikita kong busy si Tita sa pag-aalaga kay Sapph, ang nakababatang kapatid ni Cloud.

Hindi pa man nakakasagot si Tita, mabilis na akong tumakbo paakyat ng ikalawang palapag ng bahay nila. Masyadong malawak ang bahay na ito kaya natagalan ako sa pagtakbo bago pa man ako makaabot sa kwarto nya. Pagkapasok ko ng kwarto nya, napatampal ako sa aking noo.

"Tulog parin?" Dismayadong reaksyon ko nang makita ko ang katawan nyang nakahiga parin sa malawak nyang kama pero muntik nang mahulog sa gilid. "Cloud!" Padabog akong lumapit sa kama nya. "Cloud!" Niyugyog ko ang katawan nito para magising ngunit tulog mantika ang walaghiya. "Anak ng teteng naman Cloud! Gumising ka na dyan! Bangon na!"

Nilakasan ko pa lalo ang boses ko para siguradong marinig nya ako at mukhang effective naman. Subalit imbis na bumangon ay nagawa pa nya akong hatakin pahiga. Nagpagulong-gulong kami sa kami na minsan ay nadadaganan nya ako kaya hirapan akong huminga. But I ended up laying on the top of him.

Mabilis na namula ang pisngi ko. Sa sobrang lapit ng mukha ko sa mukha nya, kitang-kita ko na ang singkit nyang mga mata na ngayon ay unti-unti nang namulat. Hanggang sa nagtama ang aming paningin...

"In love ka na?" Mapang-asar na tanong nito.

Agad akong naalimpungatan sa pwesto namin ngayon. Naalala ko na nasa ibabaw nya nga pala ako.

"Anong oras na!? Late na tayo!" Suway ko sa pagbangon ko. "Ang baho mo na pati." Dagdag ko pa.

Sinunod nya ang sinabi ko. Tumayo sya para pumunta ng banyo. Hindi ko mapigilang matawa sa paglalakad nya habang nakapikit ang kanyang mga mata. Sira talaga!

"Oy! 5 minutes ha? Late na tayo!" Utos na may halong paalala kong sigaw mula sa labas ng banyo.

"Paliguan mo 'ko nang madali!" Sigaw naman nya na mabilis na ikinapula ng mukha ko. Hindi agad ako nakaimik. Mabilis talagang lumabas ang kulay kamatis sa balat ko sa tuwing may katangahan syang sinasabi.

"Awan! Paliguan kita ng muriatic acid, gusto mo?" Sagot ko naman. Matapos iyon ay hindi na sya umimik pa. Siguro nagsisimula na syang maligo. Kaya naman napagdesisyunan kong bumaba na at lumabas na ng bahay nila. Makalipas ang kinse minutos, tsaka palang sya sumunod.

"Boss, Tara na!" Aniya habang pinapaikot ang susi ng motor sa kanyang hintuturong daliri.

Umismid naman ako habang patuloy na sumusunod sa kanya. "Ang bagal mo talaga. Nang dahil sa'yo malalate nanaman ako sa klase." Pagsusungit ko sa kanya.

"Engot. Pwede ka namang mag-taxi, diba? Bakit mo pa ako hinintay?" Natatawang tanong nito.

Syempre mahal kita at hindi ako sanay nang hindi ka kasabay! Gets?

Two Steps BehindOnde histórias criam vida. Descubra agora