Chapter 5

420 7 0
                                    

Her body and mine

Tammy's POV

"Who the hell are you!?" Nakakabiglang tanong nito habang mahigpit na nakahawak sa braso ko. Sa kapit nya palang, pakiramdam ko may balak syang durugin ang buto ko. "Sino ka at bakit na sa'yo ang katawan ko?" Mapanindak pa nitong tanong.


Nakakagulat ang bigla nyang pagsulpot sa paligid ko, pati narin ang pagtatanong nya. Ngunit mas nagulat ako sa aking nasisilayan ngayon. Ang taong nasa harap ko, ang taong humablot sa braso ko, ang taong tinatanong ako, ay ang mismong katauhan ko.

"N-Nicole?" Nangangatal kong sabi habang nanginginig ang buong katawan ko. Don't tell me si Nicole ang nasa katawan ko ngayon?

"Yeah and you're using my body. Sino ka ba?" Mataray nyang tanong.

"Nicole, a-ako 'to! S-Si Tammy."


"Tammy? Shen Tamary? Ang may-ari nitong katawang 'to?" Gulat na tanong nya habang nakaturo sa katawan ko na ngayon ay gamit nya. Tumango lang ako. "DAMN!"


Then, this really means na kaming dalawa ang nagkapalit ng katauhan. Pero bakit? Paano?

"Bakit nangyari 'to? At paano?" Kagaya ng tanong ko sa isip ko, iyon din ang bumabagabag sa kanya. "Nagising nalang ako dito sa loob ng katawan mo. I was in your house at bumungad sakin ang nanay mo. Pero bakit ikaw? Bakit ako? Bakit tayo?" Litong-lito nyang tanong.


"Hindi ko din alam, e." Nanlulumo kong sagot.


"How am I supposed to get my body back?" Halatang-halata ang pag-aalala sa mukha nya. "Paano tayo papasok nito? BSHRM ako, samantalang ikaw, err...education? There's no way na papasok sa course ng pagtuturo, yuck!"


"Grabe ka naman. Hindi ko din alam kung paano nangyari 'to. Kagaya mo, nagising nalang din ako sa katawan ng ibang tao, sa katawan mo. Pero sa tingin ko, wala pa tayong magagawa. Sa ngayon, ang kailangan mo nalang munang gawin ay magkunwaring ako habang ako ay magkukunwaring ikaw." Suhestiyon ko sa ideyang pumasok sa isip ko.


"What!? I can't live with a body like this!" Angal pa nya.

"Kailangan mo! No choice tayo sa ngayon, okay? Subukan nating isipin kung saan nagsimula ang lahat ng 'to. Pero kailangan parin nating pumasok sa klase natin."

"Fine! But we have to find solutions immediately." Aniya. "Anyway, anong schedule ng mga klase mo ngayon?" Tanong nito.

"Bakit mo natanong?"


"Obviously, papasukan ko yung mga klase mo ngayong araw. Alangan namang pumasok ka sa klase mo gamit ang katawan ko?"

"Ay, oo nga. 8:30 ang first class ko sa room 306." Sambit ko.


Tumingin ito sa wrist watch na suot nya pero pagmamay-ari ko. "Tsss, pati relo mo ang cheap." Panlalait pa nito. Pinaningkitan ko nalang sya ng mata dahil sa sinabi nya. Ang laki din ng problema nya sakin, 'noh? "It's already 10:27. Two hours ka nang late. What's your next class?"

"Literature, third class namin, 11:00 ang start nun."


"Okay. 11:30 ang unang klase ko. Sa second floor ng building namin, room 203." Sinabi naman nya ang schedule nya. Hindi ko na alam ang schedule nya after pero tingin ko susunod nalang ako sa mga kaklase nya.



"Siguro 'wag nalang muna tayong makipag-usap sa ibang tao. Delikado na baka mabuking tayo." Paalala ko sa kanya. Mas maganda na sigurong sa aming dalawa nalang muna ang problemang 'to.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now