Chapter 4

468 9 0
                                    

Switch

Tammy's POV

Kaba ang tanging nararamdaman ko hanggang sa makarating ako ng bahay. Nakaupo ako sa kama ko habang mahigpit na nakayakap sa malambot kong unan. Mula sa pwesto ko, tinititigan ko ang kwadernong aking sinulatan ng aking hiling. Napaisip ako bigla.

Tama ba 'tong ginawa ko? Tama ba yung hiniling ko?

"Hala!!" Sa sobrang kabado ko, hindi ko mapigilan ang sarili kong ibaon ang mukha ko sa unan. Sa aking lubhang pag-iisip, biglang sumagi sa aking isipan ang pagkawala ng internet connection kanina habang naghihintay sa mensahe ng admin.

Dinampot ko ang cellphone ko mula sa side table para maki-connect muli sa WiFi ng mahal naming kapitbahay. Matapos iyon ay binuksan ko ang messenger ko para bisitahin ang conversation naming naudlot kanina. Isang mensahe muli ang natanggap ko at iyon ay mula sa kanya. Ang mensaheng hinihintay ko kanina pa.

[Pens are not made with eraser. Hindi sya kagaya ng lapis na pwede mong burahin once na nagbago ang isip mo o magkamali ka. So my last reminder for you is....] Sinimulan kong basahin mula sa mensahe kung saan naputol ang usapan namin kanina. As I scrolled it down, nakita ko na ang karugtong ng mensaheng ito.

[Becareful on what you wish for, 'cause you might get it.]

Isang matinding paglagok ng laway ang nagawa ko. Ang kabang nararamdaman ko kanina ay mas lalong nadagdagan. Natatakot ako. Bakit pakiramdam ko parang malalim ang ibig nyang sabihin dun sa huling mensahe nya?

I wish I was her...

I wish I was her...

I wish I was her...

Paulit-ulit na ume-echo sa isipan ko ang hiling kong iyon.

"Imposible naman yun diba? That wish is not valid. Walang mangyayari sa hiling kong 'yon." Natataranta kong sabi sa sarili ko. Para na akong baliw na pati sarili ko ay kinakausap ko na. "Hindi, hindi! Snap out of it, Tammy. Kalokohan ang lahat ng 'to. It's just a simple notebook. Walang magic yan!" Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na walang powers ang kwaderno para mapakalma ko ang aking sarili.

Napasulyap ako sa orasan sa tabi ng kama ko. Mariin akong napapikit nang malamang maga-alas dose na ng hating gabi pero gising parin ako. Nagpatuloy ako sa pag-iisip na alam ko namang wala ding mangyayari. Hanggang sa dinapuan nalang ako ng antok at bumagsak ako sa kama ko.

The next thing I now is when I woke up. Nagising ako sa di ko kilalang lugar. I was in a room full of pinks. Kinuyumos ko ang mga mata ko sa pagbabaka-sakaling nama-malik mata lang ako. But I'm not.

Mula sa aking pagkakahiga, tumayo ako. Inuli ko ang mata ko sa buong kwarto. Malawak ito, kahit medyo makalat. Malaki ang bintana at may magandang kurtina. Even the clock beside my bed was different.

Pink? Kailan pa ako nahilig sa pink? Pinapinturahan kaya ito ni Mama habang natutulog ako?

Yung bed ko, lumaki. Bumili ba sya ng bago?

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now