Chapter 41

314 9 3
                                    

Date


Tammy's POV


"One order of BFF bundle and two orders of McSundae?" Kinumpirma ng crew ang order namin. Tumango lang ako pero obvious naman na kay Cloud sya nakatingin at hindi sakin. Minsan hindi ko din maiwasang paningkitan ng mata dahil sa sobrang irita.

"Gusto mong mag-maskara ako?" Mukhang nabasa naman ni Cloud ang nasa isip ko kaya nagbigay ito ng suhestiyon. "You look so pissed. Pasensya ka na, ha? Masyadong gwapo boyfriend mo, e." At nagyabang pa ito.

"Magbago din minsan. Ang kapal, e." Sumbat ko naman na tinawanan nya lang.

Pagkarating na pagkarating ng order namin, humanap agad kami ng magandang pwesto sa second floor. Sunday ngayon kaya hindi nakapagtatakang marami-rami ang tao dito sa fast food chain. Malapit din kasi ang pwesto nito sa simbahan kaya pagkagaling ng mga tao sa simba, dume-diretso sila dito.

Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang maging opisyal ang relasyon namin ni Cloud. Hindi parin ako makapaniwala na sya na yung matatawag kong boyfriend at masasabi kong akin talaga. Ano bang nagawa ko para matupad nang ganito ang pangarap ko? I guess I was too good to people kaya nabiyayaan ako nang sobra.

Sa loob ng mga nakalipas na araw, ngayon lang namin naisipang mag-date. Date na parang kagaya lang ng dati no'ng magkaibigan palang kami. I didn't ask for a famous restaurant. Makasama ko lang si Cloud, kahit saan pwede na ako.

"Hahahaha!" Sa gitna ng katahimikan namin, nagulat ako nang bigla itong tumawa nang malakas. Napakunot nalang ang noo ko habang pinapanuod syang tumawa habang nakatingin sa phone nya. "I owe them a lot." Sabi pa nya.

"Ano ba yan?" Hindi na nakaya ng kuryosidad ko at tinanong ko na sya sa pinagkakaabalahan nya.

"Here, take a look." Aniya sabay harap sakin ng phone nya.

Pagharap palang nito, nakita ko na agad ang mga nakapilang basketball players ng Blue Eagles. Nasa gitna si PJ at si Calvin habang hawak naman ni Ron ang microphone. Naka-live sila ngayon sa Facebook at obvious na maraming nanunuod sa dami ng bilang ng views. Tila hindi maipinta ang mukha ng ilan sa kanila habang ang iba naman ay nananatiling walang emosyon ang mukha.

"Ano 'to?" Naguguluhan kong tanong.

"Raffle draw." Simpleng sagot naman ni Cloud habang kumakain ng fries.

"Para saan?"

"Para sa ginawang pabor ng mga nanuod nung game namin last week laban sa del Primo Red Jaguars."

"Pabor?"

"Well, remember the Human LCD? Para pumayag ang mga estudyante na gawin 'yon, they have to get something in return."

"At anong kapalit?"

"A date with the Blue Eagles." Sambit nya. Namilog ang aking mata dahil sa hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.

"Are you serious?"

"Yeah." Matipid nitong sagot habang patuloy na pinapapak ang fries. "Kinuha nila yung mga pangalan ng mga nagparticipate. Kung sinuman ang mabubunot nila, yun ang makakadate nila ngayong araw." Paliwanag nito.

"Bakit nyo ginawa 'yon? Obvious naman na ayaw ni Calvin. Mukhang napilitan nga lang silang lahat." Inis kong sabi. Hindi ko alam na ganito pala ka-effort yung ginawa nya. Akala ko naman bukal sa puso ng mga estudyante ang maghawak ng illustration board.

"What should I do? Hindi ko naman kayang mag-isa yun, e. At tsaka isa pa, pabor dyan sina Ron at Jiro dahil single sila pareho." Katuwiran ni Cloud. Minsan selfish din 'tong lokong 'to. Magawa nya lang ang gusto nya, di bale na yung iba. Haist.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now