Chapter 46

298 10 0
                                    

Regrets

Tammy's POV



"Hey," isang mahinang pagtapik sa aking balikat ang aking naramdaman. Abala ako sa paglasap ng sariwang hangin mula sa karagatan ngunit napalingon ako nang di oras para malaman kung sino ang gumawa no'n. And as I turned my head around, I saw PJ. "You okay?" Tanong nito. Kahit nag-aalala ay nanatili syang nakangiti. Tumango nalang ako at muling binaling ang tingin ko sa tubig dagat na patuloy na umaagos sa aking paa. "Iniisip mo parin yung nangyari kahapon, tama ba ako?"

Yeah, it happened yesterday. Lumipas na ang magdamag pero hindi parin mawala-wala sa isip ko ang paglapat ng labi ni Cloud sa labi ni Nicole.

"Hindi mo naman maaalis sakin yun, e. It bothers me so much." Tamad kong sagot kasabay ng pagbagsak ng aking balikat.

"I can't blame you. You're Cloud's girlfriend so you have the right to be jealous." Sambit ni PJ.

"Jealous? Yun ba ang tamang sabihin sa nararamdaman ko ngayon?" Tanong kong puno ng kuryosidad.

"Yes? Maybe? I don't know. All I know is you're upset because you think Cloud kissed his ex. Anyone could get mad when such thing happens. So don't think about it too much. Normal lang na magalit ka." Saad nya. Kahit papaano nababawasan ang bigat na dinadala ko ngayon may nakakausap ako. His words give so much comfort to me. Hindi ako nagkamali sa pagtanggap sa kanya bilang kaibigan ko.

"Madamot ba ako? I mean, hindi ko naman sinasabing mali yung ginawa ni Cloud. He saved Nicole and we all should be thankful to him because of that. Masaya dapat ako diba? Kasi naging hero yung boyfriend ko. Pero bakit parang gusto kong magtampo? When I saw what he did, I wanna slap Nicole's face. Gusto ko syang pagalitan at gusto kong sabihin na akin yun. Those lips were mine. I know I'm being so greedy. Am I that bad?" Gusto kong maluha sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong mawala lahat ng bigat sa puso ko.

"Believe it or not, I understand you. You're just jealous and a little bit threatened, I guess. Kasi alam mo na ex-girlfriend ni Cloud si Nicole. Cloud loves you so much." Sabi nya at sandaling huminto sa pagsasalita para alisin ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. "Look Tammy, no choice lang siguro si Cloud. Maybe he was scared so he did it. There's nothing wrong with saving someone's life. In fact it's good. Nagkataon lang talaga siguro na si Cloud ang nakakita kay Nicole. And if I were in his position, malamang ganun din ang gagawin ko. You have to help someone while you can kasi baka pagsisihan mo kapag hindi mo 'yon ginawa. So don't be mad, okay? Just understand the situation. Cloud loves you so much. Iyon nalang ang isipin mo."

"Tama ka. Masyado na siguro akong nagiging isip bata." Lahat ng sinabi ni PJ, sinang-ayunan ko. Laking pasalamat ko nalang talaga at nagkameron ako ng kaibigan na katulad nya, na tinatama ako sa mga panahong nagkakamali ako. "Salamat, PJ."

"Anything for you." Nakangiti naman nyang sagot sa pasasalamat ko.

Kasama sya, sabay naming pinanuod ang pag-agos ng tubig dagat papunta samin at pabalik. Naglakad-lakad din kami sa tabi ng isla para magkwentuhan. We've missed a lot of things from each other. Ito nalang siguro yung oras namin para makahabol at makapag-usap muli.

"Tonight," at nang matapos naming baybayin ng tabing dagat, muli itong nagsalita. Mabilis kong binaling ang atensyon ko sa kanya. "there will be a party. You should come."

"Party? Anong klaseng party?" Tanong ko.

"More like a club party." Sagot naman nya.

"Can I wear pajamas?" Sumunod kong tanong na nagpatawa sa kanya nang sobra.

"Baka magmukha kang batang naligaw sa party. You could wear something else. Anything that you are comfortable with." Sambit nya. Ngumiti ako at tumango. Matapos 'yon ay naghiwalay na kami ng landas patungo sa kanya-kanyang kwarto namin.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now