Chapter 57

338 8 5
                                    

Hard to Accept


Third Person's POV (Author)


"Sinong may gawa nito?" Malamig na tanong ni Cloud sa kanyang pagkatulala sa lapida na naglalaman ng pangalan ng babaeng pinakamamahal nya. "ANONG IBIG SABIHIN NITO!!?" Napasigaw ito kasabay ng mabilis na pagpatak ng kanyang mga luha. Napatayo sya at humarap sa kanyang mga magulang at kapatid. Hindi na din napigilang mapaluha ni Sapph at ng kanyang ina. Yakap ng kanilang ama ang kanyang kapatid habang naglakad naman palapit sa kanya ang nanay nya.

"Cloud, anak, I'm sorry kung hindi agad namin nasabi sa'yo. Nag-aalala kasi kami dahil kakatapos lang transplant mo." Sambit ni Sowee.

"What's the meaning of this, Mom? Bakit nababasa ko ang pangalan ni Tammy do'n?" Umiiyak na tanong ni Cloud. Kahit nabasa nya ang pangalan nito sa lapida, hindi parin magawang paniwalaan ni Cloud ang bagay na nasa kanyang isip ngayon.

"Wala na si Tammy, anak." Bumuhos sa pagitan nilang dalawa ang matinding pagluha at paghikbi.

"NO! Hindi totoo yan! Buhay si Tammy! Buhay sya! Ang totoo nan, pupuntahan ko pa nga sana sya ngayon sa bahay nila, e." Hindi parin ito naniwala sa kabila ng pagtatapat ni Sowee. Mabilis nyang pinahid ang kanyang mga luha at hinarap ito. "Tammy is alive, Mom. Baka nasa bahay nila sya. Pupuntahan ko sya." Isinantabi ni Cloud ang sinabi ng nanay nya. Humakbang ito ng isa palayo ngunit pinigilan sya ng kanyang ina.

"Cloud, wala na si Tammy. Makinig ka samin!"

"No, Mom. Nasa bahay lang sya." Walang emosyong sagot ni Cloud na tila desidido sa pagpunta sa bahay ng kanyang kaibigan.

"Cloud, maniwala ka samin. Wala na sya.." Pawang pagmamakaawa ang ipinapakita ng kanyang ina sa kanya subalit pilit syang nagpupumiglas sa kapit nito.

"Let me go, Mom. I need to see her. Hindi nakakatawa 'tong ginagawa nyo sakin." Malamig na sagot ni Cloud.

"Sya 'yong donor mo!!" Hindi na napigilang isiwalat ni Sowee ang lahat at dito na natigilan si Cloud. Nilingon nito ang kanyang ina at tila nagulat sa kanyang narinig.

"What?" Ang tanging tanong na lumabas sa bibig ni Cloud.

Hinawakan ni Sowee ang tigkabilang pisngi nito habang patuloy sya sa pag-iyak. Pinilit na itigil ni Sowee ang kanyang paghikbi para maipagtapat nya nang maayos ang buong nangyari. "Listen to me, Cloud. Wala kaming alam sa ginawa ni Tammy. Oo, sinabi nya na gusto nyang maging donor dahil ayaw ka nyang mamatay kaya agad naming tinawagan ang mama nya para pauwiin sya ng Pilipinas. Nalaman nalang namin 'to pagkatapos ng operasyon mo. Sinadyang hindi sabihin samin para maituloy nya ang pagdo-donate nya ng puso nya sa'yo." Kwento ni Sowee sa totoong pangyayari ngunit patuloy na umiiling at hindi naniniwala si Cloud.

"No.... Tell me this is not true. Buhay pa si Tammy, buhay pa sya...." Hindi na kinaya ni Cloud ang mga sinasabi sa kanya kaya nanghina na ang katawan nito at bumagsak na sa sahig ang kanyang tuhod.

"We tried to stop her, Cloud. Maniwala ka, sinubukan namin. But this is what she wants. Tammy wants you to stay alive kasi mahal ka nya. I'm really sorry, Cloud. Hindi din namin alam na mangyayari 'to." Hindi napagod sa pagpapaliwanag ang kanyang ina. Alam nila na ganito ang mangyayari kapag nalaman ni Cloud ang tungkol sa ginawa ni Tammy kaya hindi nila masisi ang kanilang sarili sa pagiging makasarili nila sa pagsasabi ng totoo.

Kumawala sa kapit ng kanyang ina si Cloud at lumapit sa puntod ni Tammy. Humiga siya at mahigpit na yumakap sa madamong lupa kung saan nakaratay ang mga labi nito. Dito nya ibinuhos lahat ng sakit at lungkot nya sa pangyayaring sadyang hindi nya inaasahan.

"TAMMY!!!!" Malakas nitong isinigaw ang pangalan ng taong nagbigay ng pangalawang buhay sa kanya. Hindi makayanan ng mga magulang at kapatid ang kanilang nasisilayan ngayon. Masakit sa kanila ang pagkawala ni Tammy subalit mas matindi ang sakit at pangungulilang nararamdaman ngayon ni Cloud.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now