Chapter 27

309 7 0
                                    

Closeness


Tammy's POV



"Pangit! Hoy, pangit!"

Masarap at mahaba pa sana ang tulog ko pero sadyang walang ugali 'tong kapatid ko. Kanina pa ito nag-iingay sa labas ng kwarto ko. Katok nang katok at sigaw nang sigaw. Ang unan na sinasandayan ko ay napunta na sa tapat ng tenga ko para lang hindi ito marinig.

"HOOOY ATE! GUMISING KA NA DYAN! NANDYAN NA YUNG SUNDO MO!"

Walang naitulong ang unan na ginamit ko dahil mas nilaksan pa nito ang sigaw nya na halos umabot na sa kapitbahay namin. Patuloy ko sana itong dededmahin pero nagulat ako sa sinabi nya.

Ako? May sundo?

Mabilis sa alas quattro akong napabangon.

"Si Cloud ba yun?" Tanong ko sa sarili ko.

Sya lang ang alam kong sumusundo sakin kaya hindi ako nagdalawang isip na lumabas ng kwarto. Walang ayos-ayos akong bumaba ng hagdan. Ang alam ko may usapan na kami na didistansya ako sa kanya pero anong ginagawa nya dito?

Haist! Cloud Romero, hindi ka talaga marunong makinig.

Sa huling baitang ng hagdan namin, sakto namang napahikab ako. Nanubig pa ang mga mata ko dahil dito. Sa sandaling pagmulat ng aking mga mata, mabilis itong nanlaki. Mabilis na humarang ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko nang maalala kong wala nga pala akong suot na bra at tanging pares ng pajama lang ang meron ako. Hindi naman ito bakat o silag sadyang maarte lang siguro ako. Wala naman pating uumbok dito dahil parang itong sobrang pinaliit na version ng chocolate hills.

"Anong ginagawa mo dito!?" Sigaw ko nang makita ng mga mata ko si PJ na nakaupo sa sofa namin. Ang akala kong si Cloud, si PJ pala. Aminado akong nadismaya ako dahil hindi sya yung inaasahan kong susundo sakin. Ngunit ang pagtatakang nararamdaman ko ang mas nangibabaw sakin.

"Ang cute mo." Panay ang pagtawa nito habang nakatingin sakin. Nawala na din sa isip ko na bagong gising ako kaya ganun nalang siguro nya napansin yung magulo kong buhok na parang pinasabugan ng bomba at yung panis na laway sa gilid ng labi ko.

"Tumigil ka nga! Ano bang ginagawa mo dito?" Suway at tanong ko sa kanya.

"Sinusundo ka." Matipid nitong sagot.

"Bakit? Nagpapasundo ba ako? Kaya ko namang pumasok mag-isa ah!" Katuwiran ko dito.

Sya nga pala, inatras ko na ang desisyon kong pagda-drop out sa school. Since wala naman ata silang balak na aprubahan iyon. Nagsasayang lang ako ng oras kaya titiisin ko nalang ang pambubully sakin ng mga kapwa ko estudyante sa school. Lilipas din naman 'yon. Sooner or later, kapag nanawa sila, titigilan din nila ako. And about the punishment, ang dapat na two weeks suspension ay pinalitan nalang nila ng one day community service.

"Your safety, remember?" Sabi pa nito. Napaikot nalang ang mga mata ko sa sobrang kakulitan nya.

"Anak, gising ka na pala." Narinig ko si mama na kakalabas lang ng kusina. "Kumain na muna kayo bago umalis." Inaya kami nito pero mas inuna kong umakyat sa taas at bumalik sa kwarto ko para maligo at magbihis ng PE Uniform namin.

Pagkatapos kong maligo, bumaba narin ako. Naabutan ko silang kumakain na sa mesa kaya kumain narin ako. Kumuha ako ng tinapay at pinalamanan ito ng ham with mayonnaise na niluto ni mama.

Na-distract ako sa madalas na pagtitig nina mama at Alex kay PJ kaya napakunot ang noo ko. Bigla kong naisip na hindi ko pa nga pala ito napapakilala sa kanila kaya ganun nalang sila kung makatingin.

Two Steps BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon