Chapter 12

271 11 1
                                    

Confrontation

Cloud's POV

Wala ako sa wisyo para sumali sa training namin ngayon. Suot ko ang lumang jersey namin pero wala ako sa court. Tinanong ako ng coach namin kung bakit hindi ako nagpra-practice, ngunit mas pinili kong magsinungaling. Sinabi kong masama ang pakiramdam ko kahit hindi naman.

Early this morning nang mag-text ako kay Tammy. Tinanong ko sya kung sasamahan nya ako sa training namin but she said no. Sabi nya busy sya pero nagulat ako nang makita ko syang kasama ang ilan sa mga kaklase nya sa coffee shop malapit sa school.

Bakit kailangan pa nyang magsinungaling sakin? Ayaw na ba nya akong kasama? Napapagod na ba sya? Ilan lamang iyan sa mga tanong bumabagabag sa isip ko pero kahit isa do'n hindi ko masagot. Maybe she is, hindi nya lang sinasabi sakin.

Even my own girlfriend refused to come with me here. Tinawagan ko sya at tinext pero ni isang sagot o isang reply, wala akong natanggap. I know there's something wrong between the two of us. Sa ilang beses nyang sinabi sakin na busy sya kaya hindi nya ako masamahan. Gusto ko syang tanungin kung kailan ba sya magkakaroon ng time para sakin pero alam kong mali. Kailangan kong intindihin si Nicole. I know her, baka busy lang talaga sya. Kaya sa tuwing kailangan ko ng karamay, nandyan si Tammy. Sya 'yong inaasar ko, sya 'yong kinukulit ko. Kaya gusto ko din sana syang makasama ngayon. But she's not here.

Huminga ako nang malalim at iniyuko ang aking ulo. Inaamin ko, nakakalungkot. I miss the both of them pero wala sila ngayon para samahan ako.

Sandali kong ipinikit ang aking mga mata. Subalit sa pagbukas ko, isang pares ng paa na tanging foot socks ang suot ang nakita ko. Iniangat ko ang aking tingin hanggang sa nakita ko si Nicole na nakatayo sa harapan ko.

"Hi!" Bati nito sakin habang malawak na nakangiti. "I'm here!"

Napatayo ako sa gulat. I never expected for this. Akala ko hindi sya pupunta, yet she was here and I was wrong. Dahil do'n, unti-unti akong napangiti at nabawasan kahit papaano ang lungkot na aking nadarama.

"Laro ka na." Sambit nya. Tumango naman ako at mabilis na bumaba patungo sa court.

"Coach, maglalaro na po ako." Paalam ko sa coach namin. Napataas naman ang kilay nito na waring nagtataka.

"Akala ko ba masama ang pakiramdam mo? Masama yan kung ipipilit mo pa." Saad nya pero umiling ako.

"Okay na po ako." Nakangiti kong sabi pero pumayag na din sya.

Bago ako magsimula sa pag-eensayo, tumingin ako sa direksyon kung nasaan si Nicole. Kumaway ito nang magtama ang aming mga mata. Isang kindat ang naging sagot bago inihagis sakin ni PJ ang bola. Mula sa mga oras na 'yon, naging ganado ako sa paglalaro. Panay ang puri ng coach namin dahil sa patuloy na pagpapasok ko ng bola sa ring.

Nang matapos ang practice namin, bumalik ako sa kinatatayuan ni Nicole. Pinulot ko sandali ang bag ko sa gilid bago pumunta sa kanya.

"Ang galing mo!" Puri nya. Pawis na pawis ako pero napansin kong pinagpapawisan din sya. Pinahid ko iyon gamit ang towel ko bago ko pinahid sakin.

"Bakit pinapawisan ka?" Tinanong ko sya.

"Tumakbo ako papunta dito." Mabilis nyang sagot.

"Tumakbo ka?" Akala ko nabingi ako pero hindi. Napaisip ako dahil do'n. Hindi naman ganito si Nicole. Mas pipiliin na nyang ma-late kaysa sa pagpawisan sa pagtakbo. Anong pumasok sa isip nya at tumakbo sya? "Para sakin ba?" Nagbabakasakaling tanong ko.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now