Chapter 42

283 10 0
                                    

Multimedia update: Sapphire Jean Villanueva Romero

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Training

Tammy's POV

"Fuck you, Cloud!" Inis na sinalubong ng mura ni Kean ang boyfriend ko. Kakarating lang namin ng school nang madatnan namin ang mga ito sa labas ng Engineering building kung saan sila madalas tumambay.

"Sinasabi ko na nga ba at hindi magandang ideya 'yon." Singhal naman ni Tyler.

"Kumusta nga pala ang date?" Tinanong ko ang mga ito pero sadyang mga wala sila sa mood kaya hindi nila ako sinagot. Imbis ay nagsihalukipkip lang ang mga ito at nagsiiwas ng tingin. Tanging si PJ lang ang nag-react gamit ang thumbs down nya. "Owkay... Ano bang nangyari?" Medyo nahihiya kong tanong dahil una sa lahat, kundi naman dahil sakin ay hindi nila iyon gagawin.

"Nalagas lang ang pera ko sa dami ng gustong ipabili ng impaktang babaeng 'yon. Anong tingin nya sakin? ATM machine?" Bulaslas ni Kean sa saloobin nya.

"Tangina yung akin feeling girlfriend agad. Napakaselosa at nagawa pa akong sampalin nang may lumapit saking ibang babae na kaklase ko naman no'ng high school. Napaka-obsess! Tangina!" Reklamo naman ni Tyler sa naka-date nya.

"Yung sakin sobrang ingay! Magmula nang umalis kami ng meeting place, wala syang tigil sa kadadaldal nya. Nakakairita, sobra! Layasan ko nga." Ani Ron.

Lahat halos ng narinig ko sa kanila ay puro reklamo. Parang gusto ko nang umalis sa lugar na iyon pero hindi naman ako makaalis dahil sa hawak ni Cloud ang kamay ko. It's me who's to blame. Kung hindi naman ako niligawan ni Cloud, hindi naman mangyayari sa kanila 'to.

"Kayo lang ata 'tong minalas, e. Ako? Hindi man ako nag-enjoy no'ng date namin, nag-enjoy naman ako sa palabas nya pagdating ng gabi." Pilyong kwento naman ni Jiro sa naranasan at nangyari sa kanya sa date nila ng napili nya.

"Ang baboy mo talaga." Inis kong sabi.

"Hey, Cal! Ikaw? Ang tahimik mo ata." Binaling namin ang atensyon namin kay Calvin na ngayon ay walang kaimik-imik.

"Kung yung kay Ron, maingay, yung sakin naman sobrang tahimik. Ang pabebe pa. I was holding her hand pero pinalo nya yung kamay ko at iniwas yung kanya." Kwento nito samin.

"Edi iniwan mo din?" Tanong sa kanya ni Ron na halos hindi naiiba ang karanasan sa kanya.

"Nope. I called someone na pwedeng magpanggap na girlfriend ko. In the end, lalo syang nawalan ng sasabihin."

"Sino namang pinakilala mong girlfriend mo?" Tanong ko naman. Alam kasi namin na isa sa mga babaerong player ng Blue Eagles itong si Calvin pero nakapagtatakang wala parin itong girlfriend buhat no'ng 4th year high school sya.

"Cloud's sister, si Sapph."

"Damn you! Kaya pala nawala si Sapph bigla sa lakad nila nina Mom at Dad." Gulat na reaksyon ni Cloud matapos marinig ang sinabi ni Calvin.

"Well, I got slapped by her anyway." Biglang bawi sa inakala naming matagumpay na plano ni Calvin.

"By who?" Curious na tanong ni Ron dahil dalawa halos ang nakasama ni Calvin nang araw na 'yon.

"By Sapph, of course." Sagot nya kaya tinawanan ito ni Cloud.

Knowing Sapph? Alam kong matagal na silang hindi magkasundo si Calvin. Parati silang nagbabangayan.

"What about you, PJ? Hindi ka nagku-kwento samin simula kahapon? Anong nangyari sa date mo?" Mula sa kanya, pinasa ni Calvin ang atensyon kay PJ.

"Disaster." Sambit nya. Napabagsak ang balikat naming lahat. I knew this would happened. Mukhang si Jiro lang ang nag-enjoy sa kanila. "A beautiful disaster." Biglang bawi ni PJ kaya napaangat kaming lahat ng tingin.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now