Chapter 31

316 10 0
                                    

Karma


Tammy's POV



Tatlong araw na ang lumipas magmula nang mangyari ang insidente sa Gymnasium ng del Primo University. Naging malawak ang usap-usapan tungkol sa kaganapang ito na kumalat kahit sa iba pang universities at academies. Dumadaan sa matinding kontrobersiya at isyu ang Chrisford dahil sa nangyari. Halos mamroblema nang sobra ang president ng school dahil dito.

Laman ng bawat usapan, sa personal man o sa social media sites ng Chrisford University, ang nakakagulat na balita tungkol kina Cloud, Nicole at PJ. Mas lalo pa itong lumala dahil sa hindi pagpapakita nilang tatlo sa school. Hanggang ngayon tanong parin ng karamihan kung bakit nangyari ang bagay na 'yon at paano.

Marami ding nagbalak na tanungin ako sa nangyari pero sino ako para sumagot? Hindi ko nalang pinapansin ang mga ito na umaasang makakasagap ng balita mula sakin.

"Get your hands off me!!" Napalingon ako sa aking narinig. Isang babaeng malakas na sumisigaw. "Ano ba!?"

Agad kong hinanap ang pinanggagalingan ng sigaw na iyon. Ilang metro na di kalayuan sa aking nilalakaran ay nakita ko ang nagpulong na grupo ng mga babae. Hindi ko alam kung saang departamento sila nagmula pero ang bulto ng isang babae sa gitna nila ang umagaw ng atensyon ko. Nang lumapit pa ako, nagulat ako nang makita ko si Nicole.

Tumakbo ako papalapit sa kanila at tinulak ang mga ito palayo kay Nicole.

"Tigilan nyo na sya!" Singhal ko habang nakaharang kay Nicole.

Sandali kong nilingon si Nicole sa likuran ko. Nagulat ito nang makita ako sa harapan nya. Ngunit mas nagulat ako sa aking nakita. Marumi ang kanyang uniporme dahil sa mantsa ng hilaw na itlog at putik, sira ang manggas na bahagi ng kanyang blouse at laylayan ng kanyang palda, at halos masira na din ang kanyang bowtie. Nakikita ko rin ang ilan pang bakas ng pananakit sa kanya ng mga ito. Ang namumulang pisngi at ilang bahagi ng kanyang katawan at ang magulo nitong buhok na tila sinabunutan nila.

Binalik ko ang tingin ko sa mga mapang-aping nilalang na ito at matalim silang tiningnan.

"Look who's here... Ang malanding kaibigan ni Cloud." Lumapit ang isa sa kanila sakin para sabihin ito. Marahil sariwa pa sa ala-ala nila ang isyu sakin dati.

"Tumigil na kayo, please." Pakiusap ko sa mga ito pero malalakas na halakhak lang ang binigay nila sakin.

"At sino ka para sundin namin?" Sumbat nya. "Move away, b*tch! Wala na kaming isyu sa'yo kaya sya naman." Aniya habang nakaturo kay Nicole.

"Hindi ba kayo naaawa sa kanya??" Tanong ko sa mga ito.

"Damn you, Tammy! 'Wag ka ngang magpakabayani! I'm not asking for your help so get out of here!" Sigaw ni Nicole pero hindi ko ito pinakinggan.

"Ah ganun? So ayaw mong umalis? Fine! Edi idadamay ka na din namin." Sambit ng pinuno ng mga babaeng 'to.

Umatras sila nang kaunti at inilabas ang ilang itlog na plano nilang ibato samin. Inalis ko lahat ng takot ko at hindi ko umalis sa harap ni Nicole. Ilang sandali pa'y pinakawalan na ng mga ito ang mga itlog sa kamay nila at sabay-sabay nilang binato samin.

"Take that!"

Pareho lang kaming tinamaan pero karamihan ng bilang dito ay sa akin napunta. Masakit ang bawat pagbasak ng itlog na tumatama sa balat ko pero hindi ko ito ininda. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata habang hinihintay silang matapos.

Hanggang sa tumahimik ang paligid at wala na akong naramdamang sakit. Sa pagmulat ng aking mga mata, laking gulat ko nang makita ko si PJ sa harapan ko. May mga kasama din itong security guards na marahil ang dahilan kung bakit nawala nang parang bula ang mga babaeng iyon. Tinulungan ng mga security guard si Nicole para makatayo. Habang si PJ naman ay lumapit sakin para punasan ang mga tumutulong hilaw na egg white sa buhok ko mula sa nabasag na itlog sa aking ulo.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now