Chapter 47

285 9 2
                                    

The Answer




Tammy's POV

Hindi ako natulog. Magdamag akong gising habang pinagmamasdan ang nakatalikod nyang katawan sakin habang sya ay mahimbing na natutulog. Banayad na tumutulo ang luha ko habang iniisip kung ano ba ang gusto nyang iparating sa mga sinabi nya. Galit ba sya kaya nya nasabi 'yon? O seryoso talaga sya sa sinabi nya?

This morning, we will leave the resort and travel back to our city. Subalit parang nakakaramdam ako ng pagsisisi na pumunta pa kami dito. I should've follow his decision na mag-celebrate nang sya lang ang kasama.

"Tara na." Malamig nitong sabi sakin nang ayain nya akong lumabas na ng kwarto. Tumango lang ako at binitbit ang bag ko.

I admit, I want him to say sorry pero wala akong narinig pamula pa kanina paggising nya. Did he really mean what he had said? Sana lang talaga hindi....

"Ayos ka lang?" Bago pa man ako makasakay ng kotse, kinumusta na ako ni PJ. Sa lahat ng mga kasama namin, sya lang ang nakasaksi ng bawat pangyayari. Bilang sagot, tumango nalang ako kahit hindi naman talaga maayos ang lagay ko.

"Hey Tammy! Pasabay ulit!" Narinig ko ang matinis na boses ng sumigaw na si Nicole. Lumapit ito samin at akmang bubuksan na ang pinto sa likod ngunit mabilis syang pinigilad ni PJ.

"No, you'll come with me." Sambit ni PJ. Hindi na nito hinintay ang sagot ni Nicole at kusa na nyang kinaladkd ito papunta sa kotse nya.

Walang sumabay samin. Gayunpaman, naging sobrang tahimik ng buong biyahe namin hanggang sa makarating kami sa syodad. Ni hindi ko sya nakitang ngumiti o tumingin man lang sakin. Tanging sa kalsadang aming tinatahak lamang nakatutok ang kanyang atensyon.

"Ihahatid na kita sa inyo para makauwi na din ako." And finally, he spoke up. But the coldness of his tone was still there.

"Sige." Iyon nalang ang nasabi ko. Hanggang sa nakarating na kami ng bahay at naibaba ko na lahat ng gamit ko mula sa kotse. Tinulungan nya akong ipasok ang mga iyon sa loob ng bahay. Sakto lang dahil wala si mama. Si Alex lang ang naiwan pero alam kong busy 'yon sa computer games.

"I have to go." Paalam ni Cloud kaya agad akong napalingon sa kanya. Hindi na nito hinintay ang sagot ko at kusa na syang tumalikod para maglakad.

"Cloud..." Bigla ko itong tinawag sa pagbabakasakaling maitanong ko sa kanya ang tungkol sa sinabi nya kahapon. Lumingon ito at tumingin sakin. Mabilis kong napansin ang lungkot sa kanyang mga mata na nagpaurong sa dila ko sa mga dapat kong sasabihin. "....nevermind." Sabi ko sabay ngiti.

Tumango lamang ito at nagpatuloy sa paglalakad nya palabas ng bahay.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naranasan ko ang lamig ng pakikitungo nya sakin. Maraming nagbago sa paglipas ng bawat araw na umabot sa isa hanggang tatlong buwan. Nawawala ang mga ngiti sa aming mga labi at ang sinasabing tamis ng aming pag-iibigan. Pag-iibigan pa nga ba kung ituturing?

Dumalang ang madalas na pagsundo nya sakin mula sa bahay. Hanggang sa nagkatrabaho na ako. Lumimit ang oras na inilalaan namin para sa isa't isa. Nagta-trabaho ako habang sya naman ay nag-aaral pa. Maging ang mga mensaheng kanyang ipinapadala sakin na sadyang bumubuo ng bawat araw ko ay tila hindi ko narin natatanggap. Ang ilang minutong pagtawag nya sakin ay hinahanap-hanap ko narin.

We date but only during our monthsaries. Hindi na kasing dalas ng dati. Minsan ay ako pa ang nagpapaalala sa kanya sa tuwing makakalimutan nya ang bawat okasyong iyon. Gayon narin ang lubusang pagtataka ni Mama sa hindi nya pagbisita sa bahay.

Everything's changed.

I'm trying my best to ignore those situations that may lead to fights and severe arguments. Hindi ako nagtatanong. Hindi ko alam kung paano magtatanong, kung saan ko dapat simulan para ako'y maliwanagan. Pero higit sa lahat, takot akong marinig kung anuman ang posible nyang isagot sa mga katanungan ko. Dahil do'n, nanatili na lamang akong tahimik. Nagpapanggap na bulag at manhid sa mga nangyayari.

Two Steps BehindTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang