Chapter 26

306 10 7
                                    

Two Threats

Nicole's POV


"Gosh, Nicole! I can't believe it."

"Meaning to say, all this time yung weird na bestfriend ni Cloud ang nakakasama at nakakausap namin? No way, yuck!"

Kinuwento ko sa dalawang kaibigan kong 'to ang nakakainis na pangyayari sa buhay ko. If I were in their place, magugulat din ako. Unfortunately, dahil sa katangahan ni Tamary, nadamay pa ako. But in the end, sino bang nasira? Hindi ba sya din? Tsss, tanga talaga.

"I had enough, girls. 'Wag nyo nalang ipaalala dahil naiinis ako sa tuwing maiisip ko kung paano ako nakatagal sa katawan nung babaeng 'yon." Suway ko sa dalawang ito. Napatawa lang sila. Kahit sila hindi ma-imagine na ginagamit ko ang katawan ng babaeng 'yon. So eeww..

"But you said na may nangyari kina Tammy at Cloud. Does that mean na katawan nya ang gamit mo?" Tanong pa ni Shania.

"Unfortunately." Matabang kong sagot.

"Oh sh*t!" Napamurang hinampas ni Lanie ang desk nya. "Kawawa ka naman, Nicole. You lost your virginity without even enjoying that moment." Sabi pa nito kaya lalo akong nainis.

"Well, that's okay. Si Cloud naman 'yon. Aangal pa ba ako? Ang mahalaga sa ngayon, nakuha ko na ang katawan ko, nasira si Tammy sa mata ng mga tao at finally, she will leave this school. So.. Goodbye, Shen Tamary." I then said while waiving my hands.

"Goodbye, jealous heart." Ani Lanie.

"Goodbye, problems." Sabi naman ni Shania.

Nag-apir pa ang mga ito. Natutuwa lang ako kasi naiintindihan nila ako. Iisa kami ng iniisip. Tammy is my severe problem here kaya masaya ako na mawawala na sya sa landas namin ni Cloud. And another good things is, nawala ang parusa sakin ng school na suspension dahil sa katangahan nya sa pag-ako nya ng kasalanan ko.

The thing that happened in the cafeteria? That was all an act. Yes, I got mad at her. I detested her. Pwede ko naman syang awayin nang kami lang ang magkaharap. Pero mas masaya kung makikita at mapapanuod ng mga tao kung paano ko sya ipahiya. I want everyone to know how flirt she is. And when I asked her if she likes my boyfriend. Wala itong naisagot sakin, meaning to say, meron talaga. I knew I was right all along. Pinipigilan ko lang lumabas ang sungay ko dahil kaibigan sya ni Cloud. Pero sinagad nya ako. Pasensyahan nalang dahil sya ang napuruhan. She messed with the wrong woman.

"I heard na sinaktan sya ng mga fan ni Cloud dito sa school. Gosh, ang scary nila." Saad ni Lanie.

"May kinalaman ka ba dun, Nicole?" Tinanong ako ni Shania. Kinuha ko lang ang shake sa mesa ko at ininom ito. Binaling ko ang tingin ko kay Shania at ngumisi dito. Mabilis naman nyang nakuha ang ibig kong sabihin kaya tumawa lang sya. "You really are a devil, Nicole."

"C'mon, girls! Do I have to state the obvious? Sino pa bang gagawa no'n?" Sabi ko sa mga ito.

Yes, yung ginawa sa kanya nung mga fans ni Cloud, kagagawan ko din. I discovered that fanpage of Cloud, exclusive for the students od Chrisford University. I posted in there and tell them what happened between Cloud and Tammy. Malay ko bang ganun sila ka-alerto at kabilis kumilos. I just laughed at her the moment when I saw her messed up hair. Hiniling ko nga na sana nakita ko yung buong pangyayari.

"Pero maiba tayo. Diba na-kwento mo na may muntik na ding mangyari sa inyo ni Papa PJ?" Shania whispered then we all giggled.

"Yeah, but unfortunately walang nangyari. Masyadong matino ang gago at panay ang pagtanggi."

"Ayt, sayang naman. Ganti mo na sana yun kay Tammy kung nagkataon." Nanghihinayang na sabi ni Lanie.

"I don't care. Basta ang mahalaga, tapos na kami ni PJ." I said then took a sip on my drink.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now