Chapter 28

293 7 0
                                    

Jealous

Cloud's POV

It's two days before the big game. Abala kaming lahat ngayon sa sunud-sunod na training namin para sa final game namin against del Primo University. We're confident on defeating them once again. Kapag nangyari 'yon, back to back champion na kami this year.

"Let's go team!" Sigaw ng coach namin nang bigyan nya kami ng hudyat para magsimula na sa training.

Pumwesto kaming lahat sa court para mag-warm up. Ngunit napansin ko na parang kulang kami. Inuli ko ang mata ko hanggang sa nakita ko si PJ na nakaupo sa baba ng bleachers. Naka-school uniform parin ito habang nagtitipa sa phone nya.

"PJ, C'mon!" Inaya ko na ito.

"Saglit lang! Pinapadala ko pa yung jersey at sapatos ko." Aniya.

Tumango ako at sinimulan ang warm up. Ginawa namin iyon sa loob ng tatlo hanggang limang minuto. At pagkatapos namin, bumalik kami sandali sa mga upuan namin.

Habang nilalakad ko ang distansya ng bleachers mula sa court, may sumagi sa aking paningin. Isang babaeng naka-PE uniform at nakapusod ang buhok. Ang babaeng miss na miss ko na. Naglalakad ito papunta sa direksyon. Unti-unti akong napapangiti nang mapansing papalapit ito. Subalit mabilis ding napawi ang ngiti kong 'yon nang sandaling tumama ang mga mata nya sakin. Ngumiti din sya pero nilampasan nya ako.

"Tammy, salamat!"

Buong akala ko ako ang lalapitan nya. Akala ko ako ang sadya nya. Ibang tao pala.

"Buti napulot mo yung susi ko." Napalingon ako kay PJ na kaharap nya ngayon.

"Next time kasi mag-ingat. Oh! Sapatos mo!" Sabi ni Tammy. Binigay nito ang sapatos kay PJ. Malawak namang nakangiti sa kanya si PJ. Sa mga sandaling 'yon, parang bigla akong nabahala.

"Thanks ulit." Sambit ni PJ bago tumakbo papunta sa banyo para magpalit ng jersey.

Sinundan ko ng tingin si PJ at nang makapasok na sya ng banyo, binalik ko ang atensyon ko kay Tammy na pinagtitinginan ng buong team. Para kaming mga estrangherong hindi magkakilala. Hindi nya magawang lumingon sakin.

"Tammy, kailan pa kayo naging close ni PJ?" Tanong ni Ron, isa mga point guard namin.

"Ha?" Naguluhan naman si Tammy sa tanong nito. Hindi nya nagawang sagutin ang tanong ni Ron.

Gusto ko rin syang tanungin no'n pero ni sulyap sakin hindi nya magawa. Mas lumapit ako sa kanya para mapansin naman nya ako kahit papaano. Alam ko nagkasundo kami na didistansya sya sakin pero wag naman ganitong parang bago lang kami sa paningin ng isa't isa.

"Boss." Tinawag ko sya. Sandali itong lumingon at ngumiti.

"Hi." Sabi naman nya bago nya mabilis na iniwas ang tingin nya sakin.

Sabi nya magkaibigan parin kami. Pero bakit pakiramdam ko parang sumobra naman yata yung pag-iwas nya sakin. Ayoko ng iniiwasan nya ako pero kailangan. O baka naman sinanay ko lang ang sarili ko na parati syang nasa tabi ko at ako ang nginingitian nya. Ang sakit pala makita na sa iba na nakatuon ang atensyon nya at hindi na sakin.

"Tammy, pwedeng magtanong?" Nagsalita naman ang isa pang member ng team namin na si Tyler. "Nililigawan ka ba ni PJ?"

"Tyler!" Sinuway ko ito pero hindi nya ako pinansin.

Binaling ko ang tingin ko kay Tammy na nagulat din sa kanyang narinig. Pero ang pisngi nya ay tila nangamatis sa sobrang pula. Nakalipas na lamang ang ilang segundo pero hindi parin ito sumasagot.

"Hindi nya ako nililigawan." Pagtanggi nito.

Parang bingi namang hindi naniwala ang mga kasama namin. Kakaiba ang ngiti ng mga ito. Madalas silang ganito kapag nalalaman nilang may karelasyon ang isa sa amin.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now