Chapter 35

340 9 0
                                    

Let Go



Tammy's POV



"Nagbibiro? Tsk! Anong tingin nya sa feelings ko, joke? Gago ba sya?!" Inis akong naglakad palabas ng cafeteria. Kaya ko pang tiisin ang pang-aasar nila Calvin sakin pero sinabi ni Cloud kanina? Insulto sa feelings ko 'yon!

Ang tanga ko din naman kasi nag-confess pa ako. Hindi ko naman inaasahan na nandun pala sila sa likod ng confession room. Kung alam ko lang, hindi na sana ako tumuloy. Mga bastardong 'yon! Haist! Ang pag-ibig na matagal kong tinatago, ngayon bulgar na bulgar na. I have no intentions of confessing to him pero narinig na nya ang lahat. TAPOS NGAYON SASABIHIN NYA NA BAKA NAGBIBIRO LANG AKO???? Just how?

"Tammy!" Sa kamamaktol, hindi ko namalayan na sinundan na pala ako ni PJ. Tumigil ako sa paglalakad para hintayin sya at muling nagpatuloy nang magkasabay na kami sa paglalakad.

"Are you mad?" Tanong nya. Tsss... Obvious ba? Hindi ako sumasagot. Nasa itsura ko na mismo ang kasagutan sa tanong nyang iyon. "You love him that much, don't you?" Sumunod pa nitong tanong.

"Ano sa tingin mo?" Malumanay ko namang tanong.

Tumawa lang ito. "Siguro nga tama ang sinasabi ng iba. Minsan sa magkaibigan, hindi talaga maiiwasan ng isa ang mahulog sa kaibigan nya." Sambit pa nya. Naiintindihan ko sya kasi alam kong minsan na din syang nahulog sa kaibigan nyang si Nicole. "Why don't you just choose me over Cloud?"

Muli akong napahinto sa paglalakad dahil sa tanong nyang iyon. Napakunot ang noo ko sa tanong nya. Sinusubukan kong alamin kung pawang biro lamang ang sinabi nya pero wala akong makitang kahit na anong bakas ng pagbibiro sa mukha nya.

"Pwede naman nating magustuhan ang isa't isa, diba?" Dagdag pa nya kaya lalo akong naguluhan.

"Ha?" Nakakatangang tanong ko dito. Humarap ito sakin at biglang tumawa.

"I'm just kidding. Ikaw, masyado kang seryoso." Aniya nang guluhin nya ang nananahimik kong buhok. By then, nakumpirma kong nagbibiro lang sya. "But seriously, kung wala si Cloud, magugustuhan mo ba ako?"

"Ba't mo naman natanong?" Curious kong tanong sa kanya.

"Nothing. I just wanna know." Nakangiti nyang sagot.

"Hmm.... Let's see. Gwapo ka naman, mabait, at mukhang masipag ka namang mag-aral. Marunong ka ding magmahal, so why not? Kahit sino naman magkakagusto sa'yo. Varsity player ka ng basketball baka nakakalimutan mo."

Tumango lang ito sa naging sagot ko. Nagtataka talaga ako kung bakit bigla syang nagtatanong tungkol sa mga bagay na 'yon. Iniisip ko baka hindi parin sya nakakamove-on kay Nicole kaya nakakaramdam parin sya ng insecurities kay Cloud. But he is a good man. His personalities are way enough for me to say that he's admirable.

Tinapik ko ang balikat nya para i-comfort sya. "Don't worry, makakamove on ka din."

Ngumiti sya at sandaling dumistansya nang kauntian sakin. "Let's make a bet." Hamon nito sakin.

"Anong bet?"

"The one who falls first will be punished. Kapag nagkagusto ako sa'yo, talo ako pero kapag ikaw ang nagkagusto sakin, talo ka."

Namilog ang mga mata ko sa pustahang gusto nyang mangyari. Seriously? Ako magkagusto sa kanya? Sya magkagusto sakin? Hindi ko ma-imagine.

"Anong punishment?" Tanong ko. Hindi ko naman gusto ang hamon nya pero dahil sigurado akong imposibleng mangyari ang sinasabi nya, pumayag ako.

"Something must change within ourselves."

"Like what?"

"If it happens that I'll be the first one to fall, I'll dye my hair into black." Mukhang desidido ito sa hamon nya.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now