Chapter 2

592 13 3
                                    

Tammy's POV

Nakakagulat ang biglaang pagsulpot ni Cloud sa harapan ng classroom namin. Halos lahat ng kaklase kong babae ngayon ay nanatili sa paligid nya. Tila nakalimutan ata nila na lunch break na. Hindi ba sila nagugutom?

"Tara, lunch na tayo." Aya nya sakin at tumango ako. Maglalakad palang ako papalapit sa kanya nang bigla naman syang dumugin ng mga kababaihan. Nagtakbuhan ang mga ito papunta sa kanya. Hindi talaga nila pinalampas ang pagkakataon na makalapit kay bestie. Dahil sa pagkakagulo nila, hindi na nila napansin na nasagasaan nila ako. Kaya naman nagpaikot-ikot ako dahil sa walang tigil na pagtatakbuhan nila. Napaupo nalang ako sa sobrang hilo.

Marahil hindi na nila ako napansin sa sobrang busy nila, baka ganun din si Cloud dahil pinapalibutan sya ng mga ito ngayon.

"Hi Cloud! Pwedeng pa-picture?" Tanong ng ilan sa kanila. Sabi ko na nga ba at yun ang habol nila e.

"Ahm, wait lang ha?" Maginoong tugon nito sa mga nagtanong. Hindi ko na nasilayan ang kasunod nyang ginawa pero ngayon ay naririto na sya sa harapan ko. "Pasensya ka na." Sambit nito sakin habang pinapagpagan ang madumi kong uniporme dahil sa pagkakalaglag ko sa simento. Tumulong din ako sa pagpapagpag sa palda ko. Agad naman itong napansin ng mga kaklase ko na nagtulak sa kanila para samaan ako ng tingin at umalis nang basta-basta.

"Siraulo talaga yang mga admirer mong yan." Saad ko habang inaayos ang mga gamit kong nagkalat nang matumba ako. Abala ako sa pagliligpit pero nagulat ako nang biglang dumapo ako mga kamay nya sa mukha ko. Akala ko kung anong gagawin nya, yun pala aayusin lang ang nakatabingi kong salamin.

"Ang clumsy mo." Aniya. Napatayo ako nang wala sa oras sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Masyadong napatagal ang titig nya sa mukha ko kaya hindi ko maiwasang mailang. Sa aking pagtayo, akala ko naligpit ko na ang lahat ng nanabog kong gamit pero may naiwan pa pala. Napatawa ito sa kanyang nakita. "Ano 'to? Mga sulat? Nanaman?"

"Obvious ba? Akala siguro nila papayag akong maging tulay papalapit sa'yo." Nakanguso kong tugon.

"Bakit? Hindi ba ikaw ang naging tulay samin ni Nicole?" Tanong nito nang ngisian nya ako.

He's a bit right kaya hindi agad ako nakasagot. Tumango nalang ako. Tama naman sya e. Dahil sakin kaya naging sila ni Nicole. Who's Nicole? Well, it's his three year girlfriend. Kagaya ng mga naging kaklase ko, baliw na baliw din si Nicole dati sa kanya. She always stalks and follows Cloud before. At dun nya ako nakilala. Marahil nalaman nya sa iba na malapit ako kay Cloud. That's why she convinced me to give her letter to him, and so I did.

Buong akala ko ay hindi uubra kay Cloud ang mga ganung moves ng babae kaya hinayaan ko ang sarili kong ilahad sa kanya ang unang sulat ni Nicole para sa kanya. But then I was wrong. Several months after Nicole wrote him some letters, tila naging interesado na sya dito. And then, he asked him out. Dun ko nalang nalaman na nililigawan na pala nya ito. One day, I came into his house. I was about to surprise him kasi birthday nya. Pero ako ang nasurpresa. He was wearing the biggest smile that I saw in his face back then and he told me, sila na daw. Masakit man pero kailangan kong tanggapin. Hanggang bestfriend lang talaga ako.

"Huy!" Isang paltik ng daliri nya ang gumising sa lumulutang kong isip. "Nakikinig ka ba?" Tanong nito. Siguro ang dami na nyang sinasabi pero wala akong pinakinggan kahit isa.

"Ano 'yon?" Parang tanga kong tanong. Mas lalo tuloy nalatang hindi ako nakikinig.

"Haist. Gutom ka na talaga siguro. Tara, kumain na tayo." Muli nya akong inaya pero sa pagkakataong 'to, hinatak na nya ako patayo at papunta ng canteen. "Hindi ka na naman ba nag-almusal?"

"Nag-almusal ako!" Depensa ko.

"I don't believe you." Sagot nito sakin. Hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ng canteen. "Anong gusto mo?" Tanong nya.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now