Chapter 8

324 9 0
                                    

Solusyon

Nicole's POV


I don't know where I am. Ngayon naman may kinakausap si Tammy na hindi ko kilala. At hindi ko pa alam kung anong pinag-uusapan nila. Naiinis ako dahil hindi nila ako sinasali sa kung anumang pinagkakaabalahan nila. At ang mas matindi pa, hiniling pala nitong si Tammy na maging ako. So that's why. That's why she got my body. And what for?

"Ano pong pwede nating gawin para bumalik na kami sa dati?" Tinanong nya ulit itong si Mr. Reyes. Napapairap nalang ako sa kagagahan nya. Eh sya naman pala 'tong may kasalanan kung bakit kami nagkaganito, e. Wala akong kaalam-alam sa lahat pero nadamay ako. I wanna slap her in her face right now pero hindi pa naman ako ganun kasama. I'll let her manage this. Bahala syang gumawa ng paraan. Kapag hindi nya 'to naayos, hindi ko talaga sya mapapatawad.

"Well, there is." Sagot ni Mr. Reyes kaya nabuhayan kami kahit papaano. "Medyo marami kayong dapat gawin kung gusto nyong makuha ang mga katawan nyo pabalik."

"Ano ba yun? Sabihin mo na kasi!" Singhal ko. Nakakainis lang kasi ang tagal pa bago nya sabihin. Ang dami nyang pasikot.

"Kumalma ka, Nicole." Sambit ni Tammy sakin pero nagawa kong tabigin ang kamay nyang nakahawak sa braso ko.

"Anong kumalma!? Paano ako kakalma sa ganitong sitwasyon!?" Inis kong sumbat kay Tammy.

"There's only three ways to get your body back." Sinimulan ng estrangherong lalaking ito. Umayos kami ng upo ni Tammy at tahimik na nakinig. "One, live and stay together. Two, help each other no matter what. And three, the last one, have sex with someone you love."

"Sex!?" Sabay naming reaksyon ni Tammy.

"This can't be serious, no way!" Hindi ako sang-ayon sa plano nya.

"Wala na po bang ibang paraan?" Nagbabakasaling tanong ni Tammy kay Mr. Reyes.

"Sinabi ko na sa inyo ang solusyon. Naka-depende na sa inyo kung susundin nyo o hindi." Ani Mr. Reyes. Napahalukipkip nalang ako. Hindi ma-digest ng utak ko ang mga sinasabi nya. Sex!? Nababaliw na ba sya?? "Siguro naman may isa sa inyong inlove na willing gawin ang ikatlong----"

"None of us is willing to do that stupid idea of yours!" Napatayo ako sa sobrang inis. Hindi ko na kaya 'to. As if I'm willing to do that. Kahit may boyfriend ako, hindi ko gagawin 'yon. "Tammy, let's go!" Sa inis ko, umalis na ako sa lugar na iyon. Mabilis akong naglakad palayo at pumara ng taxi.

"Nicole, sandali!" Sabi ng humahabol na si Tammy.

"Tammy!" Nilingon ko ito. "There must be another way. Don't tell me papayag ka sa ideya ng lalaking 'yon? Hindi ka naman siguro baliw para makipagtalik sa boyfriend ko? Not with that body! Not my body!"

"I know. Hindi ko naman gagawin 'yon." Aniya.

"You shouldn't be." Mariin ko namang sabi. May tiwala naman ako sa kanya. Kaibigan sya ng boyfriend ko. Bestfriend sya ni Cloud. Alam kong hindi nya ako tra-traydurin.

"Tama ka, may iba pang paraan. Pero sa ngayon, baka tama si Mr. Reyes. Dapat magkasama tayo at magtulungan."

"Yeah, as if I deserve to suffer like this." Sarkastiko kong sabi. "Diba ikaw ang humiling nito sa kung ano mang notebook na 'yon? Bakit mo nga ba hiniling na maging ako?" Naging curious ako bigla. Kahit kanina pa namin pinag-uusapan ang tungkol sa hiling nya, hindi ko pa naririnig ang dahilan nya sa ginawa nyang 'yon. Napakunot ang noo ko nang hindi kaagad sya nakasagot. Gusto kong maghinala pero tingin ko mali naman yung iniisip ko. "Hindi naman siguro si Cloud ang dahilan kung bakit mo hiniling mo 'yon, diba?"

Two Steps BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon