Let the Mission Begin

548 22 12
                                    

Prologue

Malayang naglalakad si Shiana sa pasilyo ng ospital na pinagdalhan sa kaniya.

Eto na ang hinihintay ko. Makakapagpahinga na ako.

Nasilaw at napayuko ang babae dahil sa liwanag na sumakop sa kaniyang harapan. Alam na nya ang pakiramdam na ito.

Kukunin na ba ako?

Ngunit ng makalapit na sya ay lumitaw ang isang babaeng may kulay ginto at mahabang buhok. Ang kulay ng kanyang balat ay tila nagliliwanag sa sobrang puti at ang mukha nito ay sobrang amo.

"Shiana."

Nakatingin si Shiana ng diretso sa anghel. Ilalahad na nya ang kamay nya ngunit nagsalita ito bigla.

"Hindi mo pa oras. Mayroon ka pang misyon na kailangan mong harapin bago ka makaakyat sa langit."

"Ano iyon?"

Humarap ang anghel sa kanyang kaliwa at nakita ang nag-aagaw buhay na lalaki.

"Siya. Siya ang misyon mo, Shiana."

-

Nakahawak sa kaniyang ulo ang binatang si Kleo at naramdaman ang pagdaloy ng dulo mula rito.

Nasan ako?!

Pilit nyang inalala lahat ng nangyari sa kanya at nakita nya ang sarili sa isang kwarto. Halos manlamig sya sa nakita nya.

A-ako ba ito?

Akmang hahawakan na nya ang katawan nya na nasa loob ng operating room ngunit tila itinulak sya nito palayo. Nakapaligid sa walang malay nyang katawan ang isang doktor at apat na nurse na nagtutulungan upang iligtas ang kanyang buhay.

Bakit ako nandyan? Teka, teka! Mamamatay na ba ako? Iligtas nyo ko! T-tulong!

Napaupo sa takot ang binata at inalala ang nangyari ngunit para lamang syang pinupukpok ng martilyo sa ulo kapag pinagpapatuloy nya ito.

"Gusto mo ba talagang madugtungan ang iyong buhay kahit mukhang wala na itong pag-asa?"

Iniangat nya ang paningin at nakita ang anghel na may ginintuang kulay ng buhok na hanggang baywang. Maputing balat na tila nagliliwanag at ang maamo nitong mukha.

"S-sino ka? Are you an angel?"

"Oo."

"Matutulungan mo ba ako?"

"Oo."

"Paano? May paraan pa para mailigtas ako? Sabihin mo? Gagawin ko."

Nagsusumamo na ang boses ni Kleo at halos lumuhod na sya sa anghel na nasa harap.

"Siya ang tutulong sa iyo."

Biglang lumitaw ang isang babae sa tabi ng anghel. Nagkatinginan ang dalawa sa mata at sabay na sinambit ng mga ito ang pangalan ng isa't isa.

"Shiana."

"Kleo."

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now