Mission 49: Chameleon

75 4 1
                                    

KLEO

"Sumagot ka naman, Gale! Saan dinala ng kapatid mo si Shiana?!"

"Kleo! Nasasaktan na si Gale ano ba!"

Hinawakan ako sa balikat ni Brandon para awatin, habang si Jack naman ay inilagay sa likod niya si Gale. Marahas kong inalis ang pagkakahawak nito sa akin at napasabunot na lamang sa buhok ko. I'm so stupid! Bakit ko ba siya iniwan na mag-isa kagabi?! This is all my fault!

"K-kleo... I'm s-sorry..." Naiiyak na sabi ni Gale.

"Sorry? May magagawa ba 'yang sorry mo?! Ha?!" Sigaw ko sa kaniya pabalik.

Wala na akong pakialam kung umiyak siya ng umiyak dyan dahil sa mga sinabi ko sa kaniya. Pero hindi mabubura ng pasensya niya ang ginawa ng kapatid niya.

"Kleo, sumusobra ka na!" Sabi ni Jack at tinulak ako palayo.

Mas lalong uminit ang ulo ko kaya hindi ko na nakontrol ang sarili kong suntukin siya. Sumagot siya ng suntok hanggang sa magpangabot kaming dalawa.

"Shit! Ano ba! Tigilan niyo nga 'yan! Jackson, Kleo! Ano ba!"

Naghiwalay kaming dalawa at kita ko ang galit sa mga mata niya pero wala akong pakialam. I need to find Shiana first, she's safety first before anything else. I can't lose her. Not today, not in my life.

"Gago 'yan eh! Bastos na eh!" Susugurin pa sana niya ko pero pumagitna na si Apreal at pinigilan siya.

"I'm sorry. I really can't tell you. I don't know where Gale is."

Parang hinugot ang mga hininga namin sa sinabi niya. What does she mean?

"G-gale? A-ano bang s-sinasabi mo?" Ani ni Jackson.

Mabilis siyang nagpunta rito pero agad itong bumitaw. Kita ko ang pagtataka sa mata ni Jack, pero mas nangingibabaw ang sakit dahil unti unti nang nabubuo sa utak niya ang lahat. Miski sa akin.

"I'm not Gale, I'm Mariz. And my sister betrayed you all."

-

SHIANA

"N-no... No, h-hindi ikaw 'yan. G-gale is my friend. She cannot do this t-to me! N-nagsisinungaling ka!"

"Sana nga nagsisinungaling ako. Pero hindi."

Naramdaman ko na lang ang mga kamay ko na gumagapang palayo sa kaniya. Hindi na ako makatayo, ang sakit. Nagdodoble na ang paningin ko at nanlalabo na ang mata ko, ramdam ko na rin ang sobrang pagkapagod ng katawan ko dahil sa pagod.

Sobrang sakit.

But physical pain can't compare to what I feel right now. Parang winawasak ang puso ko dahil sa nalaman ko, pagkatapos ay dinurog pa kaya't mas doble ang sakit. Parang may sumabog na bomba sa loob at hindi mo na kakayanin ang sakit.

Pero ko alam kung ano ang mas masakit eh. Yung malaman kong siya pala ang may gawa ng lahat at gusto niyang mapasa-kaniya si Kleo kaya dinala niya ko rito para pahirapan, o ang malaman kong niloloko niya lang pala ako at hindi siya totoo sa akin.

Masakit mawalan ng taong minamahal, pero mas masakit ang mawalan ng kaibigan. Pero paano kung yung tinuring mong kapatid, tinraydor at niloko ka lang pala mula umpisa?

Ang sakit sakit. Sobrang sakit.

"Shiana.." Sinubukan niya akong hawakan pero tinabig ko ito.

"D-don't touch me."

Alam kong umiiyak siya ngayon at halatang nagsisisi na siya. Pero hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa ba 'yun. She lied to me, to us! Lahat ng iyon puro mga kasinungalingan! Ang pagiging kaibigan niya sa amin! Ang pinapakita niyang kabutihan! Pati na ang nararamdaman niya para kay Jack! Lahat ng iyon, kasinungalingan, isang pagpapanggap niya lang pala.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now